6 : RIVENIA

3 1 0
                                    

"Hindi ka isang karaniwang mahikero lamang. Tama ba ko?" naiiwas ko ang paningin ko nang magtanong ito "Bakit tila napakahiwaga mo?" dagdag pa nito ngunit hindi ko parin ito nilingon "Ikaw ba ang panganib na tinutukoy ni Lady Mistiqa?" napalingon ako rito dahil sa inis ngunit imbis na makaramdam ng inis ay ikinagulat ko nang paglingon ko rito ay sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa!

"Ano ba!" naiinis na itinulak ko ito

"Pinagpapantasiyahan mo ba ako binibini?" kahit na mukha rin itong nagulat ay ngumisi parin ito na ikinainis ko lalo

"Pwede ba? lumayo-layo ka nga sakin! Mapansamantala!" kita ko ang bahagyang paglaki ng mata at maging ang pag awang ng bibig nito

"Hoy baka nakakalimutan mong isa akong prinsipe?!" nagugulat pang aniya

"At ano naman ngayon MAHAL NA PRINSIPE?" pagtataray ko rito

Lumapit ito patungo sakin habang ako naman ay kabadong umaatras "A-ano bang ginagawa mo?"

"Tila wala lang ata sa iyo ang katotohanang ako ang prinsipe, binibini?" nakangising aniya pa habang patuloy parin ako sa pag-atras

"P-pwede ba u-umalis ka ng--" hindi ko na naituloy ang sasabihin nang wala na pala akong aatrasan. At ang mas malala roon ay nakalabas na kami sa silid. Tuloy ay nawalan ako ng balanse at napahawak sa kanya, hanggang sa pareho na kaming bumagsak sa sahig at ang panget ng bagsak namin.

Agad akong tumayo nang mapansing lahat sila ay takang napatingin samin! Ipinagpag ko ang aking suot at nang makatayo nang maayos ang prinsipe ay sinampal ko ito!

nanggagalaiti ako sa galit.....

Taka itong napatingin sakin ngunit hindi ko na sya binigyan pa ng oras na magaliwanag dahil agad na akong tumalikod rito. Doon ko lang napansin na wala na pala ang mga pinuno sa bulwagan na siyang ipinagpapasalamat ko. Napatingin ako sa aking mga kapatid nang mapansin ang mga natatawang tingin nitoo! Nakakainis! Nakakainis! Humanda ka sakin Prinsipeng Bastos!

Naglakad na agad ako palabas ng bulwagan. Hindi alintana ang nagtatakang mga tingin ngg mga bisita.

Nang makababa ng hagdan ay naramdaman kong may pumigil sa aking braso

"Paumanhin, binibini" hindi katulad kanina ay umamo na ang mukha nito, ngunit hindi non naalis ang inis ko!

Hinigit ko ang aking braso at akmang masasalita na ngunit narinig ko ang mga kapatid kong pababa habang nagtatawanan

"Pagpasensiyahan mo narin ang aming kapatid prinsipe ngunit talagang nagiging dragon iyan kapag nagagalit" natatawang saad ni aiden

"Mauuna na kami Prinsipe Cazmian, Prinsipe Ryzeus" nakangiting pamamaalam nit bago ako tuluyang hinila palabas

"Sumakay ka na" aniya nang makarating kami sa karwahe

Mukhang hindi parin maganda ang timpla nito

Tahimik lamang kami habang tinatahak ang daan pauwi. Pansin ko ang pagiging seryoso ni Jayden. Hindi naman normal sa kanya ito dahil lagi siyang nakangiti kahit galet na

"Oh kamusta ang lakad nyo?" salubong sa amin ni papa nang makauwi na kami

"Ayos naman po papa" nakangiting sagot ko rito

"Ang bunso nyo papa, nagdadalaga na" natatawang ikinwento naman ni Aiden ang nangyari. Maliban sa nangyaring pangitain.

"Magpahinga ka na Ryiven. Maaga ang ensayo bukas" sambit ni Jayden bago tuluyang umakyat

Wala naman akong magawa kundi ang sumunod. Pag-akyat sa kwarto ay nagpalit lamang ako ng damit pantulog at humiga na. Di rin naman nagtagal ay nakatulog na ako dahil sa pagod.

Their Strongest WeaknessWhere stories live. Discover now