8 : RETURN

4 1 0
                                    

"Papa, bakit nyo ako naisipang ipakasok bigla sa paaralan?" takang tanong ko habang tinutulungan nya kong ayusin ang mga gamit ko

"Oras na para muling magbalik sa bayan anak ko" tipig ngiting sagot nito  "Magkakaroon ka ng maliit na tahanan ron. Nais mo bang may makasama o nais mo lamang na mag-isa?" tanong niya na ikinabigla ko

Ano at tila nagbago ang ihip ng hangin? bakit tila ayos lamang sa kanya ang pagbabalik ko ron kahit ako lamang mag-isa?

"Mas ayos po para sakin na ako lamang mag-isa papa" nakangiting sagot ko rito

"Kung iyon ang nais mo ay sige. Ngunit titira malapit si Jayden doon upang kahit papano ay may bantay ka" sagot naman nito

"Papa ano po bang problema? May nangyari po ba?" takang tanong ko rito

Matapos ang nangyari sa Rivenia ay naging ganto na sila. Mailap sila sa isa't-isa na para bang may malaking harang sa pagitan nila. Hindi ko narin maalala ang mga nangyari matapos kong lumubog sa tubig. Hindi ko rin alam kung paanong nalaman ni ama ang tungkol sa ensayo

"Makinig ka sakin, Ryiven. Ang iyong abilidad ay delikado para sayo. Hasain mo man ito o itago ay parehong delikado para sayo. Nais ko sanang pagtungo mo sa bayan ay matuto kang gamitin ito sa tama. Hasain mo ito hindi para sa paghihiganti o para sa ibang tao. Hasain mo ito upang balang araw ay hindi ka kontrolin nito" mahabang litanya nya

Alam na niya ang tungkol sa paghihiganti?

"Nais kong magkaron ka parin ng normal na buhay kahit ito'y matagal na naipagkait sayo" dagdag pa niya dahilan para yakapin ko sya

"Maraming salamat po, papa" naluluhang sambit ko rito

"Nariyan na ang karwahe. Aalis na tayo Ryiven!" rinig naming sigaw ni Jayden mula sa baba, natawa naman kami pareho ni papa

"Ang kapatid mo talaga oo, sige na at baka nauubusan narin ng pasensya ang isang yon" aniya bago nagpaunang bumaba, sumunod naman ako

"Mag-iingat kayo. Jayden ikaw na ang bahala sa kapatid mo" tumango naman ito saka ako tinuluyang makasakay sa karwahe

Tahimik lamang kami habang tahimik na binabaybay ang bayan. Ang paaralang papasukan ko ay tinatawag na Veserria. Ito ay hindi saklaw ng kahit ano mang kaharian. Ito ay nasa sentro lamang. Ayon naman kay Jayden sa kaharian kami ng Carson manunuluyan.

Nang makarating sa entrada ng Carson ay nagpakita lamang si Jayden bago kami tuluyang pinapasok rito.

Hindi tulad ng dinaanan namin nung nakaraan, ay kumanan kami. Narito ang mga kabahayan na pinamumunuan ng Carson.

Hindi rin nagtagal ay bumaba kami sa isang tahanang hindi gaanong kalaki. Mas maliit ito kumpara sa aming tahanan sa bundok. Pumasok ako rito at saglit na namangha nang makitang kumpleto na ito sa gamit.

Pagpasok ay ang maliit na sala agad ang bubungad sa may kanlurang bahagi nito. Puti at kulay tsokolate ang tema ng lugar. Nakakamangha ang pagka moderno nito. Kapag dumiretso ka naman ay naroon ang maliit na kusina katabi ang hagdan. Umakyat ako ron at pag-akyat ay may dalawang magkatapat na kwarto ang bubungad sayo. Sa kanan ay isang maliit na banyo at kaliwa naman ay ang kwarto. Sa dulong bahagi ng ikalawang palapag ay naroon ang veranda. Lumabas ako dito at namahanga sa tanawin. Puro halaman ang narito at sa di kalayuan ay matatagpuan ang kastilyo ng Carson.

"Iyong pangatlong tahanan mula rito pakanan, naroon ang tahanan ko" bigla ay nagsalita si Jayden mula sa likod ko

"Simula ngayon ang ensayo mo ay gaganapin na sa Veserria. Delikado ang lugar na yon dahil iba't-ibang klase ng sorcerrer ang matatagpuan mo ron. Mag-iingat ka dahil baka isa ron ang maging dahilan ng ikapapahamak mo" paalala nya "Nakaenroll kana kung kaya't wala ka nang ibang iisipin pa. Paminsan-minsan ay dadalaw ako roon." dagdag nya pa

Their Strongest WeaknessWhere stories live. Discover now