Mayroon pa kong natitirang sampung minuto kung kaya't ginugol ko ito sa pagtakbo sa buong kagubatan. Kailangan kong magpanggap na nahirapan ako sa ensayo upang hindi na magtaka pa ang mga ito. Nang magmukha na akong pagod na pagod ay saka ko binato ng bolang apoy ang natitirang mabangis na nilalang upang tuluyan nang makalabas sa kagubatan.
Nakita kong masayang-masaya ang aking ama habang pumapalakpak pa ito. Si Kaiden naman ay nakangiti lang habang si Aiden ay tumatawa paniguradong mang-aasar naman
"Lima lamang iyon ngunit inabot ka ng dalawang oras" aniya habang natatawa pa loko talaga
"Kumain ka muna at pagkatapos ay sa susunod na ensayo naman tayo" sambit ni kaiden saka nagsimulang ihanda ang pagkain
"Magaling anak! Nagawa mo ang iyong ensayo ng tama at sakto sa oras" bati naman ni papa
"Alam mo bang alalang-alala si papa na baka raw nauna ka pang lapain ng mababangis na hayop ron" natatawang kwento naman ni Aiden "Alam mo bang nung nag ensayo ako nyan ay isang oras lamang akong natapos?" pagyayabang nya pa
Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya "Antayin mo ang paglakas ko Aiden" yabang ka rito at saka hinigpitan ang hawak sa kanyang leeg
"Aray! Aray! Ano ba Ryiven! Baka nakakalimutan mong mas matanda parin ako sayo!" aniya at umambang kakaltukan ako ngunit nagtago agad ako sa likod ni ama
"Tama na yan Aiden. Pagod pa ang kapatid mo" saway ni ama rito. dinilaan ko sya bilang pang-aasar ngunit nilakihan lamang nito ang kanyang mata
"Kumain ka nang marami dahil mas madugo ang sunod mong ensayo" saad naman ni Kaiden
Nagsiupo na kami nang matapos sa pag-aayos si Kaiden. Natakam agad ako nang makita kung ano ang naroon. Isang buong manok at mga prutas. Agad kaming nagsimulang kumain at hindi rin nagtagal ay naubos din namin ito agad
"Limang minutong pahinga. Pagtapos non ay ensayo na" saad ni Kaiden habang nagliligpit na
Tumango lamang ako at naglibot-libot na. Napansin kong nakaupo si Aiden sa isang sanga ng puno di kalayuan sa amin. Agad akong lumapit at tinabihan sya
"Anong problema?" tanong ko nang mapansing malalim ang iniisip nito
"Ikaw" sagot nito na ipinagtaka ko
"Ako? Anong ginawa ko?" takang tanong ko rito ngunit tumawa lang sya
"Iniisip ko kasi kung pano kong natiis ang ganyang mukha sa loob ng maraming taon" natatawang pang-aasar nya pa. Agad ko naman siyang hinampas
"Ang kapal mo! Di hamak naman na mas maganda ako kumpara sa mga nakakarelasyon mo!" sigaw ko rito na ikinatawa nya lalo
Maloko at matinik ang kapatid kong si Aiden pero di naman talaga maikakaila na mabait siya. Namatay ang totoong ama ni Aiden ilang taon na ang nakakalipas kung kaya't kinupkop na lamang sya ni ama. Pero kahit ganon pa man ay hindi ko naramdamang iba ang trato nya samin. Tinuring nya kaming totoong pamilya nya at ganon rin kami sa kanya
"Ryiven, kung darating man ang panahon na magkaron ka ng oportunidad na makapunta sa bayan, pupunta kaba?" tanong nito habang ang paningin ay nasa langit
"Oo naman! Bata palang ay pangarap ko na ang magtungo ron, at alam mo yon aiden" sagot ko naman rito
"Kung pipigilan ba kita at hadlangan ko ang gusto mo ay ikakagalit mo ba?" tanong nyang muli
"Hindi mo naman iyon gagawin diba?" tanong ko pabalik habang tinatanaw ang mukha nya
Imbis na sumagot ay ngumiti ito at ginulo ang buhok ko "Mahal na mahal ko ang pamilyang ito Ryiven. Mukhang hindi ko yata kakayanin na mawala kayo sakin" saad nya pa
YOU ARE READING
Their Strongest Weakness
FantasyRyiven Vyshna Velkior. An alchemist that came from the fallen kingdom, Velkins. Let's all witness her journey in seeking revenge for her mother's death and discovering the secrets that was hidden from her. DATE STARTED: 04/29/24