Nagsitayuan at sabay-sabay na yumuko ang lahat nang tuluyang makapasok ang mga pinuno patungo sa trono.
"Maraming salamat sa pagdalo sa kaarawan ng aking panganay na anak" pagbati nito habang nakatayo sa aming harapan
Ang lahat ay nagsimula nang magsiupo, pero ako ay tila napako sa aking kinatatayuan na syang naging dahilan nang paglingon sakin ng lahat
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. pakiramdam ko ay matagal nang may kulang sa aking pagkatao at ngayon lamang ito napunan. anong pakiramdam ito?
"Tila may nais ka yatang sabihin binibini?" nakakapanindig balahibo ang tono nito
Agad akong bumalik sa wisyo nang hilahin ni kaiden ang kamay ko. Agad akong yumuko bilang paghingi ng tawad rito "Paumanhin mahal na hari, ako ay nabighani lamang sa inyo" pagsisinungaling ko pa na ikinangiti nito
"Nais kong malaman, saang kaharian ka nabibilang?" tanong nito na hindi parin nawawala ang tipid na ngiti sa labi
"S-sa ano po--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ng magsalita si Prinsipe Ryzeus
"Siya ay aking kaibigan, ama" saad nito
"Ama, huwag nyo namang ipahiya ang aking bisita." mahinang saway ni Prinsipe Cazmian rito
"Paumanhin, binibini. Kung gayon ay maaari ka na lamang bang lumapit dito nang maging pribado ang ating pag-uusap?" nakangiti paring tanong nito
Tumango ako at dahan-dahang lumapit rito. Naramdaman ko naman ang pagsunod nila Jayden sakin.
"Itago mo ang kakayahan mo" bulong pa sakin nito na agad ko ring ginawa
"Nais kong muling humingi ng tawad sa aking nagawa iha" nakangitin saad nito at saka dahan-dahang iniabot ang aking kamay at hinalikan ito
"Ayos lamang iyon mahal na hari" yumuko muli ako rito
"Kung gayon ay kaibigan ka pala ng aking bunsong anak. Ikinagagalak kong makilala ka" nakangiting aniya "Sige na at magsibalik na kayo sa inyong silya. Maraming salamat sa pagdalo" huling saad nya bago kami talikuran
Nang makaupo ay doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Nakakatakot ang presensya niya....
"Siya si Lord Hudson, siya ang aming ama" nakangiting saad naman ni Prinsipe ni Cazmian "Siya ang ikalawa sa rango, ang Hari ng Carson" dagdag nya pa
"Paumanhin ngunit ipinapatawag kami ni ama" bigla ay nagsalita si Prinsipe Ryzeus. Nagpaalam sa amin si Prinsipe Cazmian bago tuluyang sinundan ang anak
"Iyon si Haring Hervan, Ang pinakamataas na rango ng pinuno sa Vesperia. Kilala ito dahil sa angkin nitong lakas. Kahit pa pagsama-samahin ang limang namumuno ay wala silang ubra dito. Anak siya ng mga namayapang Diyos ng Vesperia. " Bigla ay nagsalita si Jayden na hindi ko namalayang katabi ko na pala. Tinuro nya ang nasa pinakagitna. Sa itsura nito ay mukhang kaedad nya lamang si ama. Malinis ang itsura nito at mamahalin rin ang damit. Gwapo rin ito ngunit nakakatakot ang presensya nito. Seryoso lamang ito habang kumakain. Nagulat ako nang bigla itong tumigil sa pagkain at dahan-dahang iniangat ang tingin sakin. Naestatwa ako ngunit agad ring nakabawi. Nginitian ko ito at saka iniiwas ang paningin sa kanya
"Ang katabi nya naman sa kanan ay si Haring Hudson. Kilala mo naman na ito. Siya rin ang naatasan sa paggawa ng mga batas at pagpapataw ng parusa sa mga nagkakasala. Kinikilala rin itong pinakamalupit na mamumuno." tinuro nya naman ang ama nila Prinsipe Cazmian. Hindi ito katulad ni Prinsipe Cazmian na maamo ang itsura. Nakakatakot rin ito tulad ng pinakaunang rango
"Iyong nasa kanan naman ni Haring Hudson, sya si Lady Sera. Ang ika-anim na ranggo. Reyna ng kaharian ng Verdana. Sa lahat ay siya ang pinakamabait. Malakas ito at kayang makapasok sa ikatlong rango ngunit dahil sa nangungunang emosyon nito ay minsan nagiging dahilan ito upang manghina ang kanyang kakayahan." itinuro naman nito ang babaeng may kulay asul na buhok. Maamo ang nakangiting mukha nito. Mahinhin sya kung kumilos at sa kanilang lahat ay tingin ko sya nga ang pinakamabait.
"Ang katabi naman nito ay si Lady Mistiqa. Ang ika-limang ranggo. Siya ang Reyna ng kaharian ng Asaji. Isang kilalang mahikera dahil sa taglay nitong makakita ng pangitan. Nakaraan man o kinabukasan. Siya ang nakakaalam sa kung ano ang nangyari sa ating ina." aniya na tinuro ang babaeng nasa pinakadulo sa gawing kanan. Maganda ito at maamo ang mukha. Masaya itong nakikipagtawanan kay Lady Sera. Nang mapansin nito na pinagmamasdan ko sya ay sandali syang natigilan at pinagmasdan ako. Bakas sa mukha nito ang gulat kung kaya't napaiwas ako ng tingin.
"Sa kaliwa naman ni Haring Hervan, ay si Haring Verizo. Ang ika-apat na ranggo. Siya ang pinakamatalik na kaibigan ni papa sa kanilang lahat. Siya ang namumuno sa kaharian ng Videlfrist. Kilala siya dahil sa galing ng kanyang kakayahan pagdating sa pagmamanipula." nakangiting aniya habang nakaturo sa lalaking tahimik na kumakain. Seryoso ang mukha nito ngunit hindi nakakatakot katulad ng dalawang ranggong hari. Hindi rin maitatanggi na nag uumapaw ang kagwapuhan nito.
"At ang panghuli, ang katabi nito ay si Lady Maxzell. Siya ang ikatlong rango. Reyna ng kahariang Maxzina. Siya ang pinakamailap na reyna. Siya rin ang pinakamatalino sa kanila kung kaya't laging isinasaalang-alang ang kanyang opinyon kapag nagpapataw ng parusa.anu" aniya sabay turo sa magandang babaeng nasa kaliwa ni Haring Verizo. Maganda ang babaeng ito at mahinhin kung gumalaw. Ang damit nya ay kulay berde at napapalibutan sya ng mga bulaklak Ang ganda niya...
"At sila ang mga namumuno sa Vesperia" dagdag pa ni Jayden
Tumango lamang ako sa mga ipinaliwanag nito at nagtuloy na muli sa pagkain. Ngunit hindi pa man nagtatagal ay biglang lumutang ang ikalimang pinuno, Si Lady Mistiqa.
"May pangitain Kaiden." bigla ay napatayo si Jayden at tarantang tumingin samin "Umalis na kayo"
"Halika na Ryiven" inalalayan akong tumayo ni Aiden
Taka naman akong tumingin sa kanila. "Ano bang nangyayari Jayden?" tanong ko rito
"Nagkakaron ng pangitain ang Reyna. Kapag hindi ka pa umalis ay malalaman na nila ang tungkol sayo. Nagkakaron na ng babala tungkol sa iyo." mabilis na paliwanag nito
Akmang aalis na sana kami nang bigla ay sumigaw ang Unang ranggo.
"Walang aalis sa bulwagan. Isarado ang pinto!" sigaw nito na agad ginawa ng mga kawal.
"Paano na Jayden?" tanong naman ni Aiden, halatang maging siya ay natataranta nadin
"Kapag hindi pa tayo umalis ay malalaman na nila ang tungkol kay Ryiven" sabat ni Kaiden
Maging ako ay natataranta na. Pinagpapawisan na ako ng todo at sumisikip na ang paghinga ko. Lumalakas ang kabog ng dibdib ko at natutuliro ako. Mas ikinakaba ng mga naroon nang bigla ay may tumamang kidlat sa bulwagan. Hindi ito basta kidlat dahil may kasama itong tubig at kulay asul na apoy.
"Ryiven, kontrolin mo ang sarili mo" pagpapahinahon sa akin ni Aiden ngunit mas lalo nitong nadagdagan ang kaba ko
"Sumama ka sa akin, binibini." napatingin kaming lahat nang nasa harap na namin si Prinsipe Ryzeus, at sa likod nito ay ang nakakatandang kapatid
"Magtiwala kayo sa kapatid ko" dagdag naman ni Prinsipe Cazmian
"Huwag na kayong mag-aksaya ng oras dahil unti-unti nang lumilinaw ang pangitain ng Reyna!" hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at hinila na ako ni Prinsipe Ryzeus paalis sa bulwagan. Hindi kami sa mismong pinto dumaan kung hindi sa isang dingding. May pinindot sya roon at bigla na lamang kaming nakapasok nang walang nakakapansin sa amin.
Napunta kami sa isang madilim na kwarto. Gawa sa bakal ang dingding na ito ngunit nakikita parin namin ang bulwagan mula rito. Malinaw rin naming naririnig ang kanilang pinag-uusapan.
Iniupo nya ako at inilagay ang isang tela sa balikat ko dahil narin malamig sa loob non.
"Ako lamang ang nakakaalam nito, kaya't sigurado akong ligtas ka rito. Matibay rin ang kalasag nito, paniguradong malayo kana sa pangitain ng reyna." aniya na ikinakalma ko
"Tingin mo ba ay walang nakakita sa atin?" tanong ko rito, umiling naman sya
"Abala ang lahat sa pangitain ng reyna. At isa pa, tinulungan tayo ng aking kaibigan, Pansamantala tayong naging hangin kung kaya't walang nakakita sa atin" pagpapaliwanag nya, tumango naman ako
Muli ay napatingin ako sa bulwagan. Nakababa na ang reyna at hinihingal ito. Tagaktak ang pawis nito at mukhang pagod na pagod
"Ano ang nakita mo, Mystiqa?" tanong ni Haring Hervan
"Isang panganib, Hervan. Hindi ito malinaw ngunit nakatitiyak akong may malakas na panganib ang parating"

YOU ARE READING
Their Strongest Weakness
FantasiaRyiven Vyshna Velkior. An alchemist that came from the fallen kingdom, Velkins. Let's all witness her journey in seeking revenge for her mother's death and discovering the secrets that was hidden from her. DATE STARTED: 04/29/24