14 : NAKARAAN

4 0 0
                                    

Pagtapos naming gumawa ng takdang aralin ni ryzeus ay hindi na kami muling nag-usap pa, ngayon ay patungo na kami sa paaralan muli.

"Maganda hapon sainyong lahat" anang guro nang makapasok na sa silid "Alam kong nabalitaan na ninyo ang pagsuspende ng klase. Nais ko sanang humingi ng tawad ngunit hindi ko maikakansela ang ating klase dahil mahuhuli na kayo sa mga aralin" saad pa nito

"Huwag kayong mag-alala dahil kapag natapos naman natin ito agad ay makakauwi rin kayo" aniya pa

"Ngayon ay tatalakayin natin natin ang nakaraan ng Vesperia. Mula sa ating mga Diyos na bumuo rito, Sa pagkakahiwalay ng mga kaharian, at sa pagbagsak ng isa sa mga ito" aniya na nakapukaw ng atensyon ko

"Isang biyaya ang mga kaalaman na ito para sainyo upang mas lubos nyong maintindihan ang pinagmulan nyong lugar. Gayunpaman, inaasahan kong walang sinuman sainyo ang magpapakalat ng maling impormasyon. Ang totoo ay hindi ko maintindihan ang mga nakakataas kung bakit ang mga tulad nyo lamang ang nakakalam ng katotohanang ito. Samantalang kapag ikaw ay normal na mamamayan lamang ay wala kang karapatang malaman kahit pa bahagi ka nito" bigla ay kwento nito

Tama siya. Mga dugong bughaw at mga may koneksyon lamang sa loob ng palasyo ang maaaring makapasok sa paaralan. Kapag ikaw naman ay hindi bahagi non at normal na mamamayan lamang ay kailangan mong magtrabaho sa murang edad upang mabuhay. At syempre dahil si Jayden ay isa sa mga kawal ng Carson ay nakapasok ako.

Ang totoo ay hindi maaari ang pagpapanggap rito. Kahit pa magpanggap kang anak ng hari ay hind ito tatalab. Dahil meron silang makinarya na kung saan naiiscan ang inyong dugo at kung saan ka galing na kaharian. Lalabas rito ang pangalan ng kaharian na kinabibilangan mo at tagumpay kang makakapasok pero kapag hindi ay hindi ka na maaaring tanggapin.

"Magsimula tayo sa apat na Diyos na ating nakilala" saad nito habang palakad-lakad sa harapan

"Una ay si Wiva, ang diyos ng kagandahan at kabaitan. May taglay rin itong lila na apoy na siyang natutunan niya nang minsang manirahan sa lupa. Kinilala siya sa angking kabaitan nito. Sa lahat ng diyos ay siya ang pinakamadaling pakisamahan." kwento nito "At ang alam naman nating lahat, siya rin ang asawa ni Lord Hudson at ina nila Prinsipe Rayzeus at Prinsipe Cazmian" aniya na ikinagulat ko

Anak sila ng isa sa mga bumuo ng aming lugar? Grabe! Kung gayon ay bakit nasa ikalawa lamang ang ranggo nila? Napatingin ako kay Rayzeus at napabuntong hininga na lamang ako nang makitang tulog ito!

"Si Arvenia naman ang Diyos ng oras. Kaya niyang kontrolin ang oras, pabilisin man ito o pabagalin. Ngunit ang paggamit nito ay hindi basta-basta. Dahil kapag sa mali nya ito ginamit ay magiging masama ang epekto nito sa kaniya."

"Si Halven ang Diyos ng kamatayan at kaluluwa. Tungkulin niya ang sumundo sa mga importanteng tao na namamatay. Kung kaya't nagkakaroon ang mga dugong bughaw ng orasyon tuwing may namamayapa. Gayunpaman, ang tanging maaaring makakita lamang sa kanila ay ang mga namumunong hari o reyna. "

"Si Hermio naman ang Diyos ng kadiliman. Kilala natin siyang diyos nang kadiliman ngunit hindi siya kasing sama ng inyong iniisip. Nataon lamang na iyon ang ipinagkaloob sa kanya"

"Ang mga Diyos ay itinuturing na sakramento sa ating lugar. Kung kaya't limitadong tao lamang ang nakakakita sa mga ito. Tanging ang ating mga namumuno lamang. Hindi rin sila umeedad tulad natin. Maaaring mas matanda na sila sa atin ngunit kung makikita nyo man sila ay baka mas matanda pa ang itsura natin sa kanila." paliwanag nya at naupo na

"Kahit mga Diyos ay nagkakaroon rin ng problema. Tila hindi na maiiwasan iyon. Minsan ring nagkaroon ng oras na nagkawatak-watak sila. At ang dating anim na kinikilalang diyos ay apat na lamang ngayon" bigla ay saad nito na ipinataka namin

Panong anim e apat lamang ang diyos na bumuo ng aming lugar?

"Si Amira at Shodwe. Sila ay dating kabahagi ng mga Diyos. Kasama sila sa Pagbuo ng Vesperia. Tinawag silang Fallen Gods o mga inilaglag sa pwesto. Nagkaroon nang kaisa-isang batas sa mga Diyos. At yun ay ang bawal umibig sa kapwa Diyos. Ang totoo ay Bawal umibig ang kahit sino sa kanila. Ngunit ipinilit nang dalawa ang relasyon kung kaya't naparusahan sila" kwento niya at lahat naman kami ay tutok na tutok sa kaniya

"Si Amira ang Diyos ng mga itim na dragon, habang si Shodwe ay ang Diyos ng liwanag. Kung kaya't mas lalong hindi pwede ang relasyon nang dalawa. Pero dahil sa pagmamahal sa isa't-isa ay mas pinili na lamang nilang mamuhay nang normal. At hanggang ngayon ay hindi parin sila natatagpuan" dagdag na kwento pa nito

"Pero nagkaroon nang usap-usapan na nagkaanak raw ang mga ito. Iniwan nila ito sa mga Diyos at sila ang nagpalaki. Kung kaya't inakala nalang rin nang lahat na pumanaw na ang dalawa."

"Ngayon naman ay talakayin natin ang Vesperia. Ang lugar na kanilang ginawa noong unang panahon. Ang Vesperia ay tahanan na ipinagkaloob sa mga Alchemy. Marahil ang iba sainyo ay nagtataka kung nasan nga ba ang mga lumikha nito? Bakit hindi natin sila matagpuan rito?" tanong nito at maging kami ay napaisip "Sa Mytharia nakatira ang mga Diyos na ating nakilala. Ito ay isang lugar na kung saan hindi natin basta-basta matatagpuan. " aniya at napa "ahh" naman ang lahat

"Ito ay binubuo noon nang pitong kaharian at isang sentro. Ang mga kahariang ito ay ang Haven na siyang nangunguna sa ranggo, sumunod rito ang Carson, ikatlo ang Maxcina, ikaapat ang Videlfrist na sinundan nang Avereji at Verdana. At syempre ang gumuhong kaharian, ang kaharian nang Velkins na dating nasa unang ranggo na nalaglag sa ikatlo hanggang sa tuluyan nang nawala ang ranggo nito" aniya at napanganga naman ako sa nalaman

dating unang rango? kelan iyon?

"Ang sentro naman ay pinakagitnang bahagi ng Vesperia. Naroon ang pamilihan, pasyalan at maging itong paaralan. Naroon din ang pagamutan at iba pang bagay na hindi bahagi nang kahit anong kaharian ngunit para sa lahat" pag-iiba nito sa usapan.

"Nais po naming malaman, ano ang nangyari sa kaharian ng Velkins!" rinig kong saad ng isa

Oo nga pala't hindi nila alam na dati akong galing roon. Kahit sino sa kanila ay hindi ako kilala maliban na lamang sa aking mga kaibigan at si Rayzeus. Ang alam ng iba ay may kamag-anak lamang akong nasa mataas na posisyon na kawal.

Napabuntong hininga ang guro at muling tumayo upang maglakad-lakad habang nagsasalita.

"Ang kahariang iyon ay binansagang taksil na kaharian. Nagkaroon kasi ng usapin noon nang umusbong ang balitang kinalaban ni Lord Hudson ang mga Diyos upang makuha si Wiva. Nang magtagumpay siya at umusbong ang balitang nainggit ang hari ng Velkins rito. Tila may gusto ang dating hari dito. Kung kaya't binalak niyang agawin ang Diyos at nang hindi pumayag si Hudso ay binantaan niya ito. Kung kaya't nang magkaroon ng pagsabog sa kaharian ng Carson ay ang pamilya agad ni Haring Arden ang napagbintangan. Naakusahan sila dahil pulang apoy ang ginamit. Pulang apoy na matatagpuan lamang sa kanilang kaharian. Ang sinasabi nang ilang ay selos raw ang dahilan ni Arden sa paggawa nito. Kung kaya't noong oras ng paglilitis pinarusahan silang kukunin ang batang babaeng anak nito" mahabang kwento nya pa

anak na babae? ako? paano? narito ako!

"Pero hindi ba mahal na mahal ni Haring Arden ang asawa nitong si Rylexia?" narinig kong tanong ng isa sa mga kaklase ko, kilala nila ang aking ina...

"May usap-usapan noon na nagloko ito kung kaya't nahumaling si Arden kay Wiva." malungkot na aniya na ipinagtaka ko. nagloko? "Ang sabi-sabi rin ay ang anak nitong babae ay anak nito sa kalabuyo" aniya na nakapagpatigil sakin

"Ang sabi-sabi rin ay ang anak nitong babae ay anak nito sa kalabuyo"

"Ang sabi-sabi rin ay ang anak nitong babae ay anak nito sa kalabuyo"

"Ang sabi-sabi rin ay ang anak nitong babae ay anak nito sa kalabuyo"

Nagpaulit-ulit sa aking tenga ang mga salitang iyon na tila ba isang sirang plaka. Isa akong pagkakamali?


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Their Strongest WeaknessWhere stories live. Discover now