4 : KAARAWAN

4 1 0
                                    

"Mag-iingat kayo. Jayden ang mga kapatid mo" bilin pa ni papa bago kami tuluyang umalis

Tumango lamang si Jayden dito at saka kami isa-isang nagpaalam kay ama. Matapos non ay inalalayan na nila kong sumakay sa karwahe. Nasa kanan ko si Aiden, sa harap nya naman ay si Kaiden at ang kaharap ko ay si Jayden.

Simple lamang ang mga kasuotan namin ngunit ito ay pormal. Pangalawa sa ranggo ng kastilyo ang kaharian ng Carson at ang panganay na anak nila ang may kaarawan ngayon. Kaya naman nakatitiyak ako na maraming bisita roon na galing sa maharlikang angkan.

Namangha ako nang tuluyan nang makarating ang karwahe sa bungad ng bayan. Maraming mga tindahan ng kausotan sa may bandang kanan habang sa kaliwa naman ay halos puro pagkain. Sari-saring tao ang nagkalat sa pamilihan. Nariyang may mga bata, mga dugong bughaw, at maging mga normal na taga-bayan lamang.

Ang Vesperia ay nahahati sa anim na kaharian. Ang pinakauna sa ranggo ay ang kaharian ng Haven, sumunod rito ang Carson, ikatlo ang Maxcina na sinundan ng Videlfrist, Avereji, at Verdana. Ang bungad ng bayan ay tinatawag na pamilihan. Ito ang sentro ng Vesperia, hindi ito saklaw ng kahit ano mang kaharian ngunit ang mga tao rito ay bahagi ng iba't-ibang kaharian.

Bigla ay napatigil ang karwahe namin nang biglang may magkagulo sa aming harapan. Agad na bumaba si Jayden at nilapitan ang mga nagkakagulong mamimili roon

"Ano ang nangyayari rito?" natigil sila nang magsalita ito

Isang kawal si Jayden na may mataas na rango sa kaharian ng Haven kaya hindi narin nakapagtataka na mapasunod nya ang mga ito. Hindi naman pinagbawalan ang aming pamilya na tumungtong rito ngunit mas pinili parin ni Jayden na ipakilala ang sarili na nagmula sa ibang angkan.

Imbis na panoorin sila ay iginala ko ang paningin ko sa paligid. Mula sa aming pwesto ay matatanaw na ang kaharian ng Carson kung saan gaganapin ang kaarawan ng prinsipe.

Hindi rin nagtagal ay bumalik na si Jayden sa aming karwahe matapos maayos ang gulo. Nanatili kaming tahimik at pinagmamasdan lamang ang mga lugar na madadaanan.

Hindi rin nagtagal ay narating namin ang bungad ng kaharian ng Carson. Pinagmasdan ko ang matataas na harang nito at sa ibabaw non ay may mga kawal na nakatutok ang palaso samin. Muli ay bumaba si Jayden para kausapin ang kawal na nagbabantay sa pasukan. Nang makilala nila ito ay agad itong yumuko at sinenyasan ang mga nasa taas na ibaba ang kanilang palaso at hinayaan kaming makapasok

"Nakakapagod ang pababa-baba ng karwahe" ani Jayden nang makasakay muli

Hindi namin sya pinansin bagkus ay tinignan namin ang masaganang lupain ng Carson. Marami ring mga tahanan rito na malalaman mo agad na pagmamay-ari ng mga may kaya. Wala masyadong makikitang pagala-gala rito. Siguro ay maging sila ay naghahanda para sa kaarawan ng hari

Nang tuluyang matunton ang palasyo ay nagsibaba na kami at iniayos ang aming mga kasuotan. Marami naring mga bisitang may magagarang kasuotan ang nakapila upang makapasok.

Nang kami na ang susunod ay inihanda na ni Jayden ang papel na sa tingin ko ay imbitasyon. Tumango lamang ang kawal at hinayaan na kaming makapasok.

Malawak ang buong kaharian, pagpasok pa lamang ay makikita na ang karangyaan ng kaharian na ito. Marami ang mga bisita ngunit ni hindi manlang nito nasakop ang kalahati ng pasukan. Kulay abo at itim ang tema ng kastilyo. Mula sa malaking pinto ay matatanaw ang mahabang hagdan nito

"Sa bulwagan gaganapin ang kaarawan ng Prinsipe Cazmian. Maaari na tayong magtungo roon. Isa itong mahalagang paalala na iwasan ang pag-iikot sa palasyo. Ito ay mula sa utos ng mahal na hari" bigla ay anunsyo ng lalaking nasa hagdan

Sumunod naman kami sa mga grupo ng bisita na patungo na sa bulwagan. Pag-akyat ng hagdan ay napakaraming kwarto ang sasalubong sa iyo, at sa dulo non ay naroon ang kwartong may pinakamalaking pinto

"Doon ang bulwagan" bulong samin ni Jayden na nakaturo sa malaking pinto

"Makikita rin ba natin ang hari rito?" bigla ay pabulong ring tanong ni Aiden

"Ang lahat ng hari at reyna ng Vesperia ay dadalo sa kaarawan" sagot ni Jayden

"Kung gayon ay huwag kang lalayo sa amin Ryiven" banta naman ni kaiden

Pagkapasok sa bulwagan ay namangha ako sa laki nito. Hindi ko inakalang triple ito ng laki sa ineexpect ko. Maraming mga lamesa at upuan na nababalutan ng kulay kapeng tela. Sa kanan at kaliwa ay matatagpuan ang mga sari-saring pagkain. Samantalang sa harap ay naroon tiyak kong uupo ang mga hari at reyna. May pitong trono sa may bandang kanan nito at sa gitna ay may simpleng trono na tingin ko ay para sa Prinsipe Cazmian. Doon kami sa bandang harap pumwesto.

Maya-maya lang ay nagsimula na ang selebrasyon. Nag anunsyo lamang ang isang lalaki sa harap tungkol sa mga dapat at hindi maaaring gawin sa palasyo. At maya-maya lang rin ay ipinakilala na si Prinsipe Cazmian. Nakasuot ito ng magarang damit na purong kulay puti. Bagsak rin ang kulay lila nitong buhok. Malawak ang ngiti nito habang nakatanaw sa mga bisita.

"Maraming salamat sa pagdalo" nakatinging bati nito, nagsipalakpakan naman ang mga tao

Marami pang sinabi ang lalaking nasa harap at matapos non ay nagsimula na ang malalakas na musikang sumakop sa buong bulwagan. Abala na ang lahat sa kanya-kanyang ginagawa, ang ilan ay nagsimula nang kumain habang ang ilan naman ay sumasayaw na. Maya-maya lang rin ay lumapit samin si Prinsipe Cazmian

"Natutuwa akong makitang nakadalo kayo kaibigan" bati nito kay Jayden at saka naupo sa tabi nito

"Napilit ko rin si ama, sayang nga lang at may gagawin sya. Hindi tuloy siya nakadalo" malawak na ngumiti rin ito sa prinsipe

"Oo nga pala, eto ang aking mga kapatid, Eto si Kaiden ang sumunod sa akin" pagpapakilala nito kay kaiden na kaliwa ko, ngumiti ito sa prinsipe "Eto naman si Aiden, ang sumunod kay kaiden" turo nya naman sa lalaking nasa kaliwa ko na kung ngumiti ay para bang sayang saya sya "At ayan naman si Ryiven, ang pinakapasaway kong kapatid" turo naman nito sakin, ngumiti naman sakin ang prinsipe

Gusto ko sanang samaan ng tingin si Jayden ngunit tiyak kong wala rin itong saysay dahil nga sa sya ay sana lamang ay hindi nya nababasa ang laman ng aking isip

"Nakakatuwa naman ang inyong relasyon sa isa't-isa. Hayaan nyo at ipapakilala ko rin sainyo ang nakababata kong kapatid. Sa ngayon kasi ay kasama siya nila Ama." nakangiti nitong sambit

"Kumuha na kayo ng inyong makakain. Pupunta lamang ako sa aking mga bisita upang makapagpasalamat" pamamaalam nito "Jayden, nais ko sanang ireserba mo ang dalawang upuang ito. Dito kami uupo ng aking kapatid." sambit nito sa aking kapatid na ngayon ay tatango-tanong nakangiti

"Masusunod prinsipe"

Nang makaalis na ang prinsipe ay isa-isa na kaming tumayo at nagtungo sa mga pagkain. Hindi ko maitago ang galak ko, sa buong buhay ko ay ngayon lamang ako makakatikim ng mamahaling pagkain

Nang makuntento sa aking mga nakuha ay bumalik na ko muli sa aking upuan. Sandali akong natigilan nang mapansin ang isang lalaking kasama nila Jayden sa lamesa, tingin ko ay magkasing edad lamang kami. Nakasuot rin ito ng mamahaling kasuotan. Hindi maitatangging nag uumapaw sa kagwapuhan ang isang to. Bumalik lamang ako si wisyo nang tawagin na ako ni Aiden

"Halika rito Ryiven. Wag kang humarang sa daan baka mapagkamalan kang taga-silbi riyan." pang-aasar nito. Natuon tuloy sakin ang atensyon nila Jayden, maging yung gwapong lalaki

Nang makaupo ay dun ko lang napansing nakabalik na pala si Prinsipe Cazmian teka.. hindi kaya ito ang kapatid ny--

"Siya nga pala ang nakababata kong kapatid, Prinsipe Ryzeus" saad ni Jayden habang nakaturo sa akin

Isang prinsipe.. hindi maaari

"Ikinagagalak kong makilala ang napakaganda mong kapatid, Jayden" saad nito na ikinapula ng pisngi ko

"Mukhang nagkakamali ka Prinsipe, ang ganyan mukha ay hindi--" hindi na natuloy pa ni Aiden ang pang-aasar nang sikuhin ko sya

"Paumanhin sa kakulitan ng aking mga kapatid" natatawang pagpapaumanhin naman ni Jayden

Bigla ay parang may umihip na masamang hangin. Bigla akong kinilabutan. Ang pulso ng aking puso ay tila dumoble ang bilis. Ang aking paghinga ay tila kinakapos.

"Narito na ang mga namumuno" anunsyo ni Prinsipe Ryzeus

ang mga hari at reyna...

Their Strongest WeaknessWhere stories live. Discover now