"Ryiven gising na!" naimulat ko ang mata nang marinig ang sigaw ni papa mula sa baba
"Anlaki-laki na di pa marunong gumising ng mag-isa" iiling-iling pang pang-aasar ni Aiden nang makalabas ako ng kwarto. Imbis na sumagot ay inirapan ko lamang ito
"Papa, ano pong gagawin natin ngayon?" tanong ko rito nang mamataan syang naghahanda ng mga pagkain sa isang lalagyan
"Oras na ng pag-eensayo anak" sagot nito na abala parin sa ginagawa
"Pero papa, alas kwatro pa lamang po ng umaga. Alas otso po ang ensayo ko"
"Kailangan nating mas hasain ang iyong kakayahan Ryiven kung kaya't mas doble sa nakasanayan mong ensayo ang gagawin natin" bigla ay sumabat si Kaiden na hindi ko namalayang nakababa narin pala
"Kasama ka rin kai?" tanong ko rito, tumango lamang sya bilang sagot "Si kuya Jaiden nga po pala papa?" tanong ko rito
"Nasa palasyo na ng Haven ang kuya mo. Hindi sya makakasama dahil hinahanda na ang buong palasyo para sa digmaan" sagot nito habang patuloy parin sa pag-ayos ng mga pagkain. Lumapit naman ako don at kumuha ng tinapay.
Sa totoo lang ay hindi ako sanay na wala sa pagsasanay ang nakakatanda kong kapatid na si Jayden. Sa lahat kasi ng pagsasanay ay hindi pa sya lumiliban maski isa, mapa ensayo man kasama sila papa o palihim.
"Magandang umaga Papa Arden, Kaiden at sa napakapanget na si Ryiven!" agad akong napasimangot nang marinig ang boses ni Aiden
"Ang aga-aga pa para manira ng araw Aiden" naiinis na suway ko rito
"Eto namang kapatid ko, napakabilis mo talagang mawalan ng pasensya" natatawang aniya saka ako inakbayan "Dapat pala ay siya ang isinama sa digmaan Papa Arden, siguradong sa pagkamainitin ng ulo nito ay di malabong maubos agad ang kalaban sa isang pitik nya lang" natatawang pang-aasar nya pa na ikinatawa rin nila papa
"Baka sa sobrang init ng kanyang ulo ay bigla na lamang magliyab ito" paggatong pa ni papa
"Papa! Pati ba naman po ba ikaw?" naiinis na suway ko rito
"Kumalma ka Ryiven, nagliliyab na ang ulo mo sa galit" pang-aasar pa ni kaiden
pamilya ko ba talaga ito?
"Oh siya! tama na yan. Wag niyo nang asarin pa ang kapatid nyo, at baka bugahan tayo ng apoy nito" sinamaan ko ito nang tingin nang hindi parin sya tumitigil "Sige na maghanda na kayo at maya-maya lang ay aalis na tayo" utos nito
"Mauuna na kami sa lugar papa, Aayusin na namin ang magiging ensayo ni Ryiven sa araw nato" saad naman ni kaiden
"Mabuti pa nga." sagot naman ni papa
"Papa" naupo ako sa upuan at pinaglaro ang mga kamay ko. Taka naman siyang tumingin dahil sa pagiging seryoso ko
"Bakit po ba hindi ako maaaring pumasok sa paaralan?" tanong ko na hindi nakatingin sa kanya. Ramdam kong umupo sya sa silyang nasa tabi ko
"Ano ba ang pinagkaiba non sa ensayo mo anak? Pareho lang namang ensayo ang ginagawa roon, parehong hinahasa ang abilidad nyo. Kung ikukumpara naman ay mas nauuna pa nga ang iyong ensayo kumpara sa normal na pagsasanay ng mga nasa paaralan" paliwanag nito habang hinahaplos ang aking buhok
"Pero papa, sila Misha ay nakakapasok sa paaralan at ang sabi nila ay masaya roon. Namamasdan rin nila ang iba't-ibang kaharian roon." malungkot na sambit ko
Yun ang totoo. Noon pa man ay pinangarap ko na ang mapagmasdan ang iba't-ibang kaharian sa bayan. Hindi naman lingid sa aking kaalaman na dati kaming naninirahan sa isa sa mga palasyo ron. Ngunit hanggang doon lamang ang aking nalalaman. Ayaw na nilang ibahagi pa sakin ang iba pang detalye nito. kung kaya't tuwing magkukwento sakin ang kaibigan na si Misha ay hindi ko maaiwasang mainggit rito.
YOU ARE READING
Their Strongest Weakness
FantastikRyiven Vyshna Velkior. An alchemist that came from the fallen kingdom, Velkins. Let's all witness her journey in seeking revenge for her mother's death and discovering the secrets that was hidden from her. DATE STARTED: 04/29/24