Agad kong nilisan ang lugar nang mapalingon si Kaiden sa pwesto ko. Nagtatakbo ako paalis ron hanggang sa di ko na namalayan na nakarating na pala ko sa kaharian ng Carson
Ngunit hindi muna ako dumiretso sa aking tahanan. Tumakbo ako taliwas sa direksiyon nito hanggang sa napahinto ako nang makarating sa isang hardin.
Maganda ang tanawin rito. Naupo ako sa duyan at pinagmasdan ang lugar. May maliit na batis rito at napakalinaw ng tubig nito. May iba't-ibang klase ng bulaklak ang napakagandang pagmasdan habang sumasabay ito sa indayog ng hangin.
Bumaba ako sa duyan at naupo sa pinakamalapit na puno. Inihilig ko ang ulo ko dito at payapang ipinikit ang mata ko
Ang totoo ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nagpaplano silang muling itayo ang nasirang kaharian na tiyak kong magdadala sa kanila sa kapahamakan. Kahit pa malakas ang kapangyarihan na kaya ko ay di parin tiyak na kaya kong makatulong sa kanila.
Tuloy ay napaisip ako. Bakit nga ba pumayag si ama na dito ako manirahan? para ba sa aking kapakanan o para mailihim sa akin ang kanilang plano? may alam kaya si Jayden?
"Bakit tila malalim ang iniisip mo, Vyshna?" naimulat ko ang mata ko nang may pamilyar na boses na nagsalita sa harap ko.
si ryzeus....
"Ano ang ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ko?" tanong ko rito at umayos ng upo
"Nakita kitang tumatakbo kanina. Tila may bumabagabag sa iyo. Ayos ka lamang ba?" tanong nito ngunit hindi ako sumagot
Ibinaling ko ang aking paningin sa mga hayop na masayang naglalaro. Tila napakapayapa ng kanilang buhay. nais ko rin non...
Ang totoo ay kung ako man ang papipiliin ay hindi ko gusto ang ganitong kakayahan. Mas nanaisin ko na lamang kung narito si ina at payapa kaming namumuhay.
"May suwestiyon ako" bigla ay nagsalita muli si ryzeus na hanggang ngayon ay nakatayo parin sa harap ko "Halika" aniya at inilahad ang kamay nito, taka ko naman iyong tinignan "Nahihirapan akong makita kang ganyan. Pakiusap, hayaan mong gawan ko ng paraan ang iyong kalungkutan"
Tila may kung anong humaplos sa puso ko sa sinabi niyang iyon. Ngunit agad ko ring iwinaglit ang isiping iyon at tinanggap na lamang ang kamay nito
"Ano ang nais mong gawin? kumain? maglaro? tumingin ng magagandang tanawin?" tanong nito habang naglalakad kaming.... magkahawak ang kamay!
Hindi ko maitatangging gumaan ang pakiramdam ko na narito siya. Pakiramdam ko ay hindi ako mag-isa.
"Gawin na lamang natin ang ating takdang aralin sa ingles. Interesado ako roon" sagot ko at agad naman itong tumango
Naglakad-lakad kami hanggang sa makarating kami sa aking tahanan. Taka ko naman siyang tinignan.
"Ang totoo ay kanina pa kita inaantay dito. Pinapasok na ako ni Jayden dahil halos tatlong oras na akong nag-aabang sa labas ng iyong tahanan" aniya na ikinabigla ko "Pasensya ka na. Nais ko lamang kasing matapos na natin ang ating kailangan gawin upang maaga tayong makapagpasa. Paumanhin kung pinangunahan kita" nahihiyang paliwanag nya pa
"Ayos lamang iyon. Patawad rin kung pinaghintay kita" sagot ko at ngumiti rito, naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak nito sa kamay ko na hanggang ngayon ay hindi parin magkakalas.
Nagtungo kami sa loob at bahagya pa akong nagulat nang makita ang mga libro at gamit niya sa lamesa. Mukhang galing pa siya sa paaralan bago dumiretso dito.
"Teka, maghahanda lamang ako ng pagkain." akmang magtutungo na sana ako sa kusina ngunit pinigilan niya ko.
"Hindi na. Antayin mo na lamang ako rito. Bibili na lamang ako sa labas" putol nito sakin, akmang tatanggi pa sana ako ngunit mabilis itong nakaalis.
Naupo ako sa upuan at pinagmasdan ang kanyang mga gamit. Natuon ang aking paningin sa libro namin sa History. Bigla ay umusbong ang kuryosidad ko. Narito kaya ang tungkol sa aming kaharian?
Binuklat ko ito at naghanap kung naroon din ba ang aming kaharian. At hindi nga ako nagkamali. Sa pahina 378 ay naroon ang isang mahabang kwentong may titulo na "Ang pagkawasak ng kaharian ng Velkins"
Sinimulan ko itong basahin habang hindi pa nakakabalik si ryzeus.
"Oktubre 18, nagkaroon ng pagsabog sa kaharian ng ikatlong ranggo, Ang kaharian ng Carson. Ayon sa imbestigasyon ay pulang apoy ang lumikha ng pagsabog na iyon. Matatandaang ang kaharian lamang ng Velkins ang may kakayahan sa ganoong kapangyarihan. Nag-imbestiga ang mga kawal ng ikatlong hari na si, Lord Hudson. Iisa lamang ang tinuturong salarin. Ang pamilya ni Arden Helmion Velkior. Ipinatawag ito at inimbestigahan ang pamilya nito. Sa huling araw ng paglilitis, ay ninais ng ikaunang rangon na isama ni Arden ang pamilya sa palasyo. Nung araw din na iyon ay nagkaroon ng pagsabog sa kaharian ni Arden at pinaslang ang asawa nitong si Rylexia Aveorie Mandelhive. Bilang nagluluksa ang pamilya nito, imbis na kamatayan ang iparusa ay pinarusahan na lamang sila ng mas mababang parusa. Ang parusang iyon ay ang pagkuha sa pinakabatang Velkior, ang nag-iisang babaeng anak ni Arden At Rylexia."
Iyon lamang at wala na itong kasunod. Ngunit ang ipinagtaka ko ay ang kasunod na pahina nito ay 380 na agad. Kung gayon ay napunit ang sumunod na pahina nito?
Napatingin ako sa pahina 380 at ang titulo nito ay pinamagatang "Rylexia Aveorie Mandelhive" akmang babasahin ko na sana ito ngunit narinig ko na ang pagdating ni Ryzeus kung kaya't agaran ko narin itong isinara.
"Pasensya ka na at natagalan ako. Nahirapan kasi akong mamili kung anong gusto mo" aniya at napanganga ako sa dami ng supot na dala niya!
Inilapag nya ito sa lamesa at agad na kumalam ang sikmura ko nang maamoy ang mga ito.
Maya-maya lang din ay nagsimula na kaming kumain habang nagbabasa ng libro. Dalawa itong libro niyang dala tungkol sa iba't-ibang lenggwahe kaya upang mas mapabilis ay sabay na kaming naghanap
"Sorry na ang ibig sabihin sa tagalog ay patawad o paghingi ng paumanhin" saad ko habang sinusulat ito sa papel
"Traitor na ang ibig sabihin ay traydor o taksil" sambit rin nito
"Brother ang tawag sa kapatid na lalaki at Sister naman ang babae" ako muli
"Magic ang tawag sa mahika"
"Gods ang tawag sa mga lalaking diyos na bumuo ng Vesperia at Goddess naman ang babae"
"Lord ang tawag sa mga lalaking hari at Lady ang reyna"
"Wish na sa ating wika ay hiling"
"I like you, na ang ibig sabihin ay gusto kita." aniya at napatingin ako naman ako rito. Agad akong napaiwas nang magsalubong ang tingin namin, agad na nag-init ang pisngi ko.
"I love you naman ang mahal kita" kaswal na sagot ko naman, pilit pinipigilan ang ilang na nararamdaman
"Beautiful, na ang ibig sabihin sa ating wika ay napakaganda mo Vyshna" kinilabutan ako sa sinabi niya tuloy ay hindi na ako makatingin rito. Nagpanggap na lamang akong nagbabasa muli
nakakainis! bakit ba kasi siya nandito?! at bakit siya pa ang kagrupo ko? Nakakainis dahil tila nagugustuhan ito ng aking pandinig!
YOU ARE READING
Their Strongest Weakness
FantasyRyiven Vyshna Velkior. An alchemist that came from the fallen kingdom, Velkins. Let's all witness her journey in seeking revenge for her mother's death and discovering the secrets that was hidden from her. DATE STARTED: 04/29/24