JAYDEN'S POV
Tahimik akong nakaupo sa tuktok ng palasyo ng Haven habang nakamasid sa paligid. Hindi ko man nakikita ang lugar ay nararamdaman ko naman ang ganda nito.
Tahimik akong dinadama ng malamig na ihip ng hangin kasabay non ay ang paghuni ng ibon na tila ba naging musika sa aking tainga.
Nawala man ang mata ko ay hindi iyon naging sagabal upang makita ko ang mundo. Ang tanging pakiramdam ko lamang ang nagbibigay sa akin ng larawan sa kung ano ang nasa paligid ko.
Halos magsasampung taon na nang huli akong makakita. Hanggang ngayon ay hindi parin nawawala ang sakit. Ang sakit hindi dahil sa nawalan ako ng mata, kundi ang sakit sa dahilan kung bakit ko ito tinanggal.
Para sa iba ay kahibangan ang ginawa kong iyon ngunit para sakin ay mas naging payapa ang nararamdaman ko. Mas nailigtas ko ang sarili ko sa mga mapanlinlang.
Hindi ko maiwasang mapadaing nang bigla ay kumirot muli ang sugat sa aking dibdib. Sugat na galing sa pag-eensayo ni Ryiven isang linggo na ang nakakalipas.
Nakaraan...
"Ama pakiusap, tumigil ka na!" pagmamakaawa ko rito ngunit talagang desidido na ito.
Kailangan ko siyang mapigilan dahil mali na ang ginagawa niya. Mali ang kaniyang paniniwala na kaya niya pang mapigil ito. Ang isang nag-uumapaw na kapangyarihan ay hindi kailanman mapapatulog.
Isang kapahamakan para sa aking kapatid kung ito ay aming pipiliting ibaon sa limot. Bagkus ay kailangan niyang matutunang kontrolin ito upang hindi siya mapahamak at makapaminsala ng ibang sorcerrer.
Kumabog ang dibdib ko nang maramdaman ang kakaibang enerhiya na nagmumula sa direksiyon ni Ryiven. Paniguradong naisuot na ang porselas rito.
"Ama! ano ang iyong ginawa?" hindi ko na napigilan pa ang pagsigaw rito
Naramdaman ko ang paparating na trahedya. Nagwawala ang kagubatan. Ang paligid ay naramdaman kong dumilim. Ang panahon ay tila masama ang loob dahil sa lakas ng kulog at kidlat. Ang tubig sa ilog ay tila magkakalaban na naghahampasan. Ang iba't-ibang kulay ng apoy ay nagkalat, Asul, pula, at Lila?? mayrong lilang apoy?
Hindi pa roon natatapos ang paghuhurumentado ng Kalikasan. Malakas na umihip ang hangin at nagkaroon ng maraming buhawi sa paligid. Nabigla kami nang bigla ay tumalsik si ama at ang manggagamot na kasama nito. Doon lamang kami nakawala sa pagkakagapos sa amin ni ama.
Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at nagtungo na kami sa direksiyon ni ryiven na ngayon ay nakalutang nanaman muli. Nahihirapan kaming pigilan siya dahil nakakapaso ang iba't-ibang kulay ng apoy na nakapaligid rito. Kailangan pa naming iwasan ang mga kidlat na tumatama sa amin tuwing nagtatangka kaming lumapit.
Hindi na namin alam ang gagawin! Napakalakas ng kapangyarihang lumalabas mula kay Ryiven.
Sinubukan kong balutan ng apoy ang aking kamay upang mahawakan siya ngunit mas lumakas ang kulog at huli na nang maiwasan ang tubig na paparating sakin. Tuloy ay nabasa ako.
YOU ARE READING
Their Strongest Weakness
FantasyRyiven Vyshna Velkior. An alchemist that came from the fallen kingdom, Velkins. Let's all witness her journey in seeking revenge for her mother's death and discovering the secrets that was hidden from her. DATE STARTED: 04/29/24