KAIDEN'S POV
Nakaupo kami ni Jayden habang pinagmamasdan si Ryiven na nasa gitna ng tubig. Payapang-payapa ang mukha nito.
"Ano-ano nga ba ang mga kapangyarihang kaya nyang gawin?" bigla ay tanong ko. Tiyak kong marami nang alam si Jayden tungkol dito dahil tiyak kong nagsaliksik narin siya ukol dito
"Isa lang ang kapangyarihan ni Ryiven. Hindi kaya nang isang mahikero ang magkaron ng maraming kapangyarihan." paliwanag nya na ipinagtaka ko
"Naguguluhan ako. Kung ganon ay pano niyang nagagawa ang iba't-ibang kapangyarihan na yon?"
"Ang tanging kapangyarihan nya ay panggagaya." sagot niya na ikinabigla ko
"Pero wala ni isa kela Ina o ama ang may ganong kapangyarihan"
"Nakakasiguro kabang wala? Kay ina ay siguradong wala. Maging si ama ay siguradong hindi rin sa kanya galing ito. Ngunit ang totoong ama niya? Nakasisiguro kabang hindi ito mula sa kanya?" aniya na ikinabigla ko.
"Kung ganon ay nagbunga ang pagtataksil ni Ina noon?"
Hindi narin naman na lingid sa aming kaalaman ang katotohanang ito. Minsang nagkamali ang aming ina at nagtaksil sa aming ama ngunit kahit ganon ay tinanggap parin siya nito. Ibinaon sa limot na tila ba hindi ito nangyari.
Nalaman lamang namin ito nang minsang marinig naming magtalo sila noong mga bata pa kami
"Ganun na nga. At si Ryiven ang bunga non" malungkot na aniya "Kahit hindi tunay na anak ni Ama si Ryiven ay buong puso niya itong tinanggap. Aniya ay hindi siya nabiyayaan na magkaron ng babaeng anak na kamukha mismo ng kanyang asawa kung kaya't laking pasasalamat niya parin na dumating ito" dagdag nya pa
Salamat rin ama sa pagtanggap sa kanya.
Sandaling katahimikan ang namutawi bago siya muling nagsalita. "Ayon sa pananaliksik ko ay hindi masyadong kilala ang kapangyarihang Imitasyon. Ito ay mula pa sa mga Diyos at Diyosa na bumuo ng Vesperia. Sayang nga lang at kakaunti lamang ang impormasyon tungkol sa kanila" paliwanag nito
"Kung ganon ay wala sa kahit ano mang kaharian ang may taglay nito?" tanong ko
"Ganon na nga. Ang Haven ay nakapokus sa kapangyarihan ng yelo at tripleng bilis." sagot nito "Ang Carson ay asul na apoy, paggawa ng clone, at ang kidlat. Ang Maxzina naman ay kapangyarihan ng kalikasan at Mga hayop. Ang Videlfrist ay pagmamanipula at kadena. Sa Avereji naman ay kakayayan sa pagmamanipula ng oras o pagkakaroon ng abilidad na makakita ng pangitain, Kinabukasan man o Nakaraan. Kaya rin nilang manggamot. Sa Verdana naman ay ang kakayahan sa Tubig, panahon, at sa hangin" mahabang paliwanag niya pa
"At ang ating nasirang kaharian na Velkins ay bihasa sa paggamit ng apoy at kadiliman" dagdag ko na ikinatango nya
Bigla ay napatayo kami nang lumutang sa ere si Ryiven, tulad nang pagkakalutang ni Lady Mistiqa kahapon. Nagkaron ng malakas na ipo-ipo at nakapaligid ito sa aking kapatid. Bigla ring dumilim ang panahon at may tumamang kidlat sa kanya. Tulad kahapon ay may kasama itong dalawang kulay ng apoy, pula at asul.
"Jayden anong nangyayari?" tanong ko rito
"Mukhang nakuha nya narin ang kapangyarihan ni Lady Mistiqa" sagot nito
Nanatili kaming nakatayo at pinagmamasdan siyang lumutang. Hindi kami makalapit dahil tiyak na ikapapahamak lamang namin ito. Masyadong malakas ang pwersang nakapaligid sa kanya
Maya-maya lamang ay mas dumoble ang aming kaba nang dumating si ama kasama si Aiden at isang manggagamot.
Itinutok nito ang tungkod sa aming kapatid at sa isang iglap ay bumalik sa normal ang panahon. Unti-unting kumalma ang ang nagwawalang hangin at unti-unti ring nawala ang kidlat
Bigla ay bumagsak si Ryiven sa tubig. Agad kaming tumalon ni Jayden upang saklolohan ito.
Nang maiangat namin sya ay nilapitan agad ito ng manggagamot at inayos ang mga sugat na natamo nito
Tahimik lamang kaming nakatayo ni Jayden habang nakayuko nang bigla ay lumapit samin si ama at sinakal si Jayden
"Anong kahibangan ang iyong ginagawa Jayden?" galit na sigaw nito
"Papa, ibaba nyo po si kuya" awat ko rito ngunit sampal lamang ang inabot ko rito
"Bakit palihim nyong sinasanay ang inyong kapatid sa hindi naman niya dapat na abilidad?" galit parin nitong sigaw samin
"Paumanhin, ama. Ngunit tingin ko ay tama lamang ang ginagawa ko dahil sa oras na kusang gumising ito at hindi nya alam pano gamitin, siya ang maaaring lamunin nito" paliwanag naman ni Jayden, bakas sa boses nito na hirap sya sa pagsasalita dahil hanggang ngayon ay hindi parin siya binibitawan ni ama
"At sino ka para pangunahan ang tadhana! Sino ka para mag marunong! Hindi ito gigising kung hindi ito ginising Jayden! Alam mo bang nilalagay mo lamang sa kapahamakan ang iyong kapatid?" tanong niya at hindi kami nakasagot "Apoy lamang ang dapat na matutunan nya at wala nang iba!" aniya saka pabagsak na binitawan si Jayden, agad naman akong umalalay rito
"Tanggapin na natin ang katotohanan Ama! Nakatadhana ito kay Ryiven dahil ito ay pamana ng kanyang ama! At hindi ikaw yon!" hindi narin napigilan ni Jayden ang sumigaw. Nakatanggap ito ng sampal mula kay ama
"Ako ang ama ni Ryiven kung kaya't kapangyarihan ko ang mamanahin niya! Dapat mo ring tanggapin na kahit anong paghihiganti ay hindi na maibabalik ang buhay ng iyong ina!" aniya na nakapagpatigil samin alam niya...
"Bakit tila kay bilis para sa iyo na tanggapin ang kanyang pagkawala? Pinaslang siya ama! Pinaslang ang pinakamamahal mong asawa ng hindi pa nating nakikilala!" kahabag-habag na ang itsura ni Jayden ngayon. Sunod-sunod sa pag-agos ang kanyang mga luha habang bakas sa mukha nito ang lungkot, galit, hinagpis. "Bakit ama? dahil ba sa nagtaksil siya noon sa iy-" hindi niya naituloy ang sasabihin nang putulin ito ni ama
"Dahil ayokong may mawala pa sa pamilya ko." ang kaninang matigas na ekspresyon nito ay tila lumambot na ngayon "Tigilan nyo na ang kahibangang paghihiganti na ito dahil wala itong saysay. Mabuhay na lamang tayo ng normal tulad ng ating ginagawa noon" aniya bago kami tuluyang talikuran
"Kapweng, isuot mo na ang porselas sa aking anak" utos ni ama sa manggagamot
Agad na lumapit si Jayden rito upang pigilan siya. "Para saan ito ama?" tanong nito habang hawak-hawak ang porselas
"Makakatulong ito upang mapatulog muli ang gumising na kakayahan ng iyong kapatid." malamig na tugon nito
"Pero hindi iyan ang kailangan ni Ryiven ama! Mas nilalagay mo lamang sa kapahamakan si Ryiven!" pigil ni Jayden dito
"May utang ka saking kwento ah" rinig kong bulong ni Aiden sa gilid ko na tutok rin kela ama. Binatukan ko naman ito "Aray naman..."
"At ano ang tingin mong kailangan niya? Ang tuluyang magpasakop sa kapangyarihan niya at gamitin ito sa paghihiganti? Ako ang ama niya kaya't mas alam ko ang gagawin!" saad ni ama at akmang ipapasuot na ang porselas ngunit nanlaban si Jayden, pilit na inaagaw ito
Tumayo si ama at itinali kaming tatlo sa iba't-ibang puno gamit ang kanyang apoy. Kahit na masakit ang apoy na ito pag dumikit sa iyong balat ay nagpumulit parin si Jayden na makawala upang mapigilan si ama. Kami naman ay nanatiling tahimik dahil wala rin kaming magawa.
"Ama pakiusap itigil mo yan!" pagmamakaawa ni Jayden habang pinipilit paring magpumiglas. Unti-unti nang nasusunog ang kamay nito
"Isuot mo na, kapweng" utos ni ama at tuluyan nang naisuot ito sa pulsuhan ni Ryiven. Agad na nanlumo ang mukha ni Jayden.
YOU ARE READING
Their Strongest Weakness
FantasyRyiven Vyshna Velkior. An alchemist that came from the fallen kingdom, Velkins. Let's all witness her journey in seeking revenge for her mother's death and discovering the secrets that was hidden from her. DATE STARTED: 04/29/24