"Anong taksil ang sinasabi mo?" natatawa kunyaring tanong ko rito
Anong alam niya sa nakaraan namin para sabihan kami ng taksil?
"Ay naku pasensya ka na, hindi naman iyon ang ibig kong sabihin." pagpapaumahin naman ito, ngumiti lamang ako
"Ayos lamang. Iyon marahil ang kumalat na balita sa nasira naming kaharian" sagot ko rito
"Tama ka, alam mo naman ang mga balita, mabilis pa sa apoy kung kumalat" natatawang aniya, nakitawa naman ako rito "Oo nga pala, saan ang sunod na klase mo?"
"Enhancing Abilities Training sa silid 982" saad ko na ikinatawa nito
"Hindi silid iyon. Isa iyong gubat. Doon ginagawa ang paghahasa sa ating abilidad" nakangiting paliwanag nito "Magkaklase parin pala tayo sa klaseng iyon. Halika sumabay ka na sa amin. Ipapakilala kita sa aking mga kaibigan" aniya bago ako hinila palabas ng silid
"May dalawampung minuto pa naman tayo bago magsimula ang sunod na klase kaya ayos lamang kung kakain na muna tayo" aniya habang tinatahamak namin ang daan patungo sa kanyang mga kaibigan
"Ito ang tinatawag na cafeteria. Dito kumakain ang mga studyante" nakangiting saad nito nang makarating kami sa malaking silid na maraming lamesa at upuan. Sa dulo non ay maraming iba't-ibang pagkain at may mga serbedora rito.
Hinila nya ko patungo sa pila at sinabing kumuha lamang ako ng mga pagkaing madadaanan namin.
Kumuha ako ng isang manok, tinapay, at sabaw. Ngunit nang makarating sa huling pila ay akmang aalis na sana ako ngunit hinarang ako ng isa sa mga serbedora rito
"Tatlong pilak ang halaga ng mga kinain mo" aniya na ikinagulat ko!
Wala akong dalang pilak maski isa!
Napatingin naman ako Liceria upang humingi ng tulong. Tatawa-tawa naman itong lumapit.
"Naku! pagpasensiyahan nyo na po ang kaibigan kong ito. Naghihirap kasi ang pamilya niya at nanggaling pa sya sa bundok kaya hindi nya alam ang ating sistema rito." natatawang aniya sa malakas na boses. Tuloy ay pati iyong mga nasa likod ko ay nakitawa rin
Pilit na lamang akong ngumiti at akmang ilalapag na sana ang mga pagkain ngunit may isang lalaking naglapag ng pilak sa harap ko.
Nakatalikod ito ngunit umaalingasaw ang napakabangong amoy nito. Matangkad ito at malinis tignan. Nang humarap ito ay mas lalo akong namangha! Napakagwapo niya! Mukha itong anghel na ibinagsak ng lupa upang linisin ang mundo!
"Narito ang isang daang pilak. Ang kalahati ay para sa pagkain ng binibining ito" aniya na sinulyapan pa ko "At ang kalahati ay ipakain mo sa mga mangmang na ito" aniya na sumulyap muna kay Liceria at saka sa mga nasa likod ko
Agad kong kinuha ang pagkain ko at umalis sa pila. Hahabulin ko sana ito ngunit mas mabilis pa ito sa bulang nakaalis!
"Hay nako! Napakasungit talaga ng prinsipeng iyon! Pasensya ka na sa ginawa ko kanina Ryiven. Hindi ko naman sinasadyang maoffend ka. Nagbibiro lamang ako. Patawad kung nasaktan kita sa aking biro." malungkot na saad nito ngunit ngumiti lamang ako
Saglit pa lamang kaming nagkakilala ngunit nakatitiyak akong ganon lamang ang personalidad niya kung kaya't hinayaan ko na lamang iyon
"Ayos lang" nakangiting usal ko rito. Agad namang sumigla ang mukha nito at iniangkla ang kamay nito sa braso ko
"Halika at ipapakilala kita sa mga kaibigan ko" aniya at hinila ako paupo sa isang lamesa kung saan may magandang babaeng nakaupo at katabi nito ay si
"Misha!" nagagalak na tawag ko rito. Agad naman siyang lumingon at nagulat rin nang makita ako. Tumayo ito at lumapit sakin at niyakap ako
YOU ARE READING
Their Strongest Weakness
FantasyRyiven Vyshna Velkior. An alchemist that came from the fallen kingdom, Velkins. Let's all witness her journey in seeking revenge for her mother's death and discovering the secrets that was hidden from her. DATE STARTED: 04/29/24