“Seven, what’s wrong with your performance lately? May problema ba? Napapansin ko kasing medyo bumababa ang mga quizzes and exams mo.”
Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong na iyon ng adviser namin. Nanatili akong nakatulala at nakatungo habang pinaglalaruan ang hawak kong ball pen na hindi pa nangangalahati ang tinta.
“Sorry po, medyo n-nahihirapan lang ako sa mga subjects…”
“Puwede mong sabihin sa mga subject teachers niyo kung saang parte ka ng lessons nahihirapan para mahanapan kaagad ng paraan. Basta bumawi ka na lang sa susunod, okay? Sipagan mo pa ng kaunti para hindi ka mahirapan dahil isang taon na lang din naman at high school na kayo.”
Matapos ang naging pag-uusap namin ng teacher ay nagmamadali kong ibinalik sa bag ang hawak kong ball pen kanina. Mannerism ko na yata ang paglalaro ng ball pen sa tuwing kinakabahan ako. Ako na lang kasi ang naiwan sa classroom para kausapin ng teacher habang ang iba ay nagtatanghalian na.
“Chase? Kanina ka pa riyan?” gulat na tanong ko nang makita ang kaibigang naghihintay sa labas ng classroom namin.
“Sabi ko sa iyo sabay tayong mag-lunch ngayon kaya dinaanan na kita. Pero tama ba iyong narinig ko? Bumaba raw ang mga grades mo this quarter?” may bahid ng pag-aalalang tanong niya.
“Yes. I don’t care anyway. I’m pretty sure Mom and Dad won’t notice,” I said half-jokingly.
For parents that are as busy as them, I’m sure they won’t really notice, and they won’t care about it anyway. I barely even saw them in the house. They don’t have time for me, so they won’t bother to look at my grades this quarter. I don’t know if that’s a good thing or not.
“I care, though. Kaya tara na lang sa library so we can study together. Or maybe we could eat first and then study after. You can visit our house too. I bought a new switch just like yours so we could play together.”
He’s my best friend, Dion Chase Fuente. Kababata, kasama sa lahat ng kalokohan, at karamay sa lahat ng problema. Una kaming naging magkaibigan noong nasa third grade pa lang kami. Bago lang ako sa school nila kaya naman wala akong kakilala. Pero si Chase, siya lang ang bukod-tanging kumilala at lumapit sa akin para makipagkaibigan. I must say, we grew up together. We shared different things, from toys, crayons, water bottle, thoughts, opinions, and even problems. I’m an only child and he’s almost like a brother to me. Kaya sobrang saya ko, lalo na nang hindi naiba ang sections naming dalawa hanggang sa mag sixth grade.
Nagkahiwalay man kami ng section pagtapak ng junior at senior high school, nanatili pa rin kaming magkaibigan. I purposely didn’t try to befriend anyone but Chase. To me, he’s enough. Iyon nga lang, hindi na kagaya noong mga bata kami, bihira na kaming nagkakausap at nagkakasama ng matagal dahil naging magkaiba ang class schedules namin kaya hindi na halos tumutugma ang break time ko sa break time niya.
“Free ka this Saturday? Wanna hangout?” he asked after a long, tiring day at school.
“I’m not sure yet.”
Nakatayo kami ngayon sa waiting shed sa labas ng campus para maghintay ng kanya-kanya naming mga sundo just like usual since we’re not yet allowed to drive our own cars.
The sun is slowly descending towards the horizon, and the sky changes color to a fiery red and golden yellow. Silhouettes of the buildings, the cars passing by, and the waiting shed itself stand out, creating unique and picturesque art. What a beautiful moment before nightfall!
“Busy ka?”
Sinulyapan ko siya habang ang munting init ay nakadapo sa mukha niya, making his eyes look brownish in color. “You can say that. Nag-tryout kasi ako ng basketball para makasali ako sa varsity team sa college. I heard magaganda raw ang mga privileges sa Saint Benedict’s Academy kapag kasali ka sa sports, so that’s what I’m working for.”
BINABASA MO ANG
D'Beasts Series #4: Ceasing the Rivalry
General FictionONGOING [BoyxBoy] D'BEASTS SERIES #4: Ceasing the Rivalry