IKA-LABING WALO

176 9 2
                                    

At almost nine in the morning, students started coming to our school. All the booths are lined up on the entrance where everyone can see, which made us have customers this early. Everyone is wearing different colors based on what school they came from—red for Saint Lucas, blue for Saint Benedict’s, and yellow for Saint Martin’s Academy—making them more recognizable. Some even put paint on their faces and wore headdresses to cheer their teams.

Kahit na medyo malayo ang puwesto namin, naririnig ko pa rin ang maingay na hiyawan sa field pati na rin ang speech ng aming principal kaya pakiramdam ko ay nandoon din ako at nakikigulo. Siguradong sa mga oras na ito ay nandoon na ang buong D’Beasts dahil balak nilang manood ng basketball na gaganapin ngayong umaga. Nag-sponsor pa nga si Val ng lobo na isusuot nila sa mga ulo nila na parang mga bata.

“Kung hindi lang dahil sa booth na ito, nasa field din sana tayo,” nakangiwing reklamo ni Janine habang gumagawa ng inumin para sa bagong pasok na customer.

“Kung mabilis tayong ma-sold out, may chance na makapanood din tayo,” I chuckled while washing my hands.

Naging sobrang busy ng mga oras na iyon para sa amin. Akala ko ay hindi kami gaanong mahihirapan dahil marami naman ang mga booth sa labas kaya hindi gaanong marami ang bibili sa amin, pero mali ako. Hindi sa pagmamayabang pero mukhang sa lahat ng booth dito, itong sa amin lang ang jam-pack sa mga customers mula sa iba’t-ibang schools. Kaya naman kahit na nakakapagod ay masaya kami dahil so far maganda ang kinalabasan ng ilang araw naming paghihirap.

Malapit nang mag lunch break nang dagsain kami lalo ng maraming estudyante para tumingin-tingin sa mga available sa menu namin. Akala ko noong una ay may kung anong kaguluhan sa labas, kaya naman sumilip ako mula sa kusina dahil sa lakas ng tilian ng mga babae roon. Hindi ko kilala ang mga nasa labas pero base sa kulay ng t-shirt na suot nila, taga-SLA ang mga ito. Hindi ko na inabala pa ang sarili kong sumilip ng matagal at naghanda na sa order na siguradong paparating galing sa kanila.

I’m preparing the plates when Janine showed up in the kitchen, pissed, and her eyebrows almost bumped into each other. “Anong nangyari? May in-order ba iyong mga bagong dating?”

“Nakakainis! Ang bastos ng mga lalaking iyon. Ikaw daw ang sadya rito sabi noong maputi na matangkad. Ikaw na lang ang kumuha ng order sa mga hambog na iyon, Seven. Baka hindi ako makapagtimpi at masabuyan ko pa sila ng drinks.”

Nagtaka ako sa naging reaksyon niya kaya naman pumayag na lang din ako para walang gulo. The last thing we want to happen is inconvenience. Hindi kami puwedeng maabala ng kahit sino. Lalo na nitong mga taga SLA na dayo lang naman sa school namin.

Lumabas ako dala ang menu na kaninang hawak ni Janine. Some students are already settled in, waiting for the food that will be served in just a few minutes. Napako lang ang tingin ko sa isang grupo ng kalalakihan na nakatayo sa gitna. Ang dalawa sa kanila ay kung ano-ano pa ang ginagawa sa mga design namin sa paligid, pero hindi iyon ang nakapagpataas ng dugo ko. Kung hindi si Wesley na nakangisi sa akin habang mayabang na nakatayo sa daan. Talaga nga namang hindi ko pa napansin kanina ang baliw na ito.

“So this is your booth. Looks promising,” hayag niya habang iginagala ang mga mata.

“Bibili ka ba o hindi? Nakaharang ka sa daan.”

Akalain mong ang mayabang na ito ay may iba pa palang kaibigan bukod kay Chase. O baka naman hindi na siya pinapansin noong isa, kaya naghanap na ng mga alipores na mukha namang kapareho niyang sintu-sinto.

“Chill, Seven. Nandito ako para kumain. Ganiyan ka ba tumanggap ng mga customers?”

“Customer ka pala, eh. Maupo ka roon kung ganoon. Hindi iyong para kang tanga na nakatayo sa daan,” inis kong sagot. Muntik pa akong lapitan ng kasama niya dahil sa nasabi ko, pinigilan niya lang ito at tumango sa kanila.

D'Beasts Series #4: Ceasing the RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon