After school, I decided to chill out a bit. My week has been awful, and I need some time to relax before working all night at a front bar, mixing drinks, and dealing with intoxicated customers. It is not actually my responsibility to be a substitute bartender. I only have to supervise all of the areas of my bar, but bartending is my passion, and I have worked hard and will continue to work hard to learn every skill I need, even though I am still pursuing my education. It’s an escape from everything that has been draining me.
“Ano bang mga bibilhin mo, Seven?” tanong ni Vince habang nagtitingin sa stationary section ng bookstore na pinuntahan namin.
Mag-isa sana akong pupunta rito nang bigla kong nakita si Vince na naghihintay ng sundo niya sa labas ng campus kaya inaya ko na muna siyang mag-ikot sa mall. Wala rin naman daw siyang gagawin mamaya pag-uwi niya. Nangako naman akong ihahatid ko siya pauwi bilang kapalit. Wala kasi siyang sariling sasakyan, aniya ay hindi raw siya pinapayagan para iwas aksidente dahil mabilis siyang magmaneho.
“I ran out of highlighters. Bibili na rin ako ng mga ball pen.”
I picked the colors pink, yellow, blue, and green. I need all of these for annotating books and reviewers. Malapit na ang midterms kaya subsob na naman kami nito sa pag-re-review. Isang taon na lang naman at graduating na kami. Parang kailan lang nang mag-graduate ako ng senior high school. Bumibilis talaga ng panahon kapag sobrang busy ka at hindi mo na namamalayan.
Nilagay ko sa cart na tulak-tulak namin ang mga kulay na napili ko matapos kong subukan ang mga tinta nito sa isang piraso ng karton na nakalaan para sa mga panulat na naroon. Gusto kong makasigurado na maayos ang mabibili ko at hindi masasayang ang pera ko dahil dito.
“Bakit hindi mo pa kuhanin itong mas mahal kaysa riyan?”
“Why? Pareho lang naman sila ng tinta at kulay, ah. Mas mahal lang itong isa dahil galing sa sikat na brand.”
“You’re hella rich. Why bother?” he chuckled while testing out pens.
“Why would I spend so much if I had the option to spend less? Trust me, those are good ones.”
Mga ball pen naman ngayon ang bibilhin ko. I want to stick to my usual Pilot G-Tec pen, but for some reason, palagi ko itong na-mi-misplace kaya kahit itong mga mumurahin na lang muna ang bilhin ko para hindi ako gaanong manghihinayang kung sakaling mawala ko na naman.
“Pansin ko lang, bakit kapag mga average people kung ano iyong mas mahal, iyon ang binibili? They say it’s because of the quality, even if it’s just the same thing but with different brands,” nagtatakang ani Vince habang patuloy sa pagsusulat sa testing paper gamit ang mga kung ano-anong kulay ng panulat.
Napangisi at napaisip ako sa naging tanong niya, because it’s unusual for him to ask and get curious about that stuff. “Alam mo kasi, magkakaiba naman talaga ng way of thinking and spending ang mga tao, whether you’re an average person who’s a minimum-wage earner or a person who has passive income. As for me, I don’t spend much on things if I don’t get something in return. I’m more about maximizing income and minimizing expenditures.”
“Pero grabe kung gumastos sa mga gimik natin. Parang kailan lang, sinagot mo lahat ng mga expenses ng out of town natin, ah” pasaring niya.
“It’s a whole different story,” I let out a hearty laugh at his remark.
Iba naman kasi kung gaining experiences and creating memories na ang usapan. We learned it the hard way. We lose a friend without having to create more memories with him when he’s still alive. Kaya ngayon, mas lalo namin pinahahalagahan ang bawat oras na magkakasama kami. Mahalaga ang oras kaysa sa pera at mga materyal na bagay, dahil ang lahat ng iyan ay kaya pang ibalik. Pero ang oras kapag nakalipas na, mananatili na lang itong ala-ala.
BINABASA MO ANG
D'Beasts Series #4: Ceasing the Rivalry
General FictionONGOING [BoyxBoy] D'BEASTS SERIES #4: Ceasing the Rivalry