“We’re here again. This time, kasama na ang makulit na ito,” natatawang ani Bien sa karga niyang alagang pusa ni Bry na si Pancake.
“Good thing we bought us snacks. Nakakagutom na kaagad, kararating lang natin.”
“Bakit pa ba kami magtataka, Ford? Kaunting galaw mo lang, gutom ka na kaagad.”
It’s just another normal Sunday for all of us, and we’re at a usual spot that has become our go-to pastime whenever we have free time. This isn’t a typical hangout point, but rather a solemn one where tranquility exists. Kumpleto kami ngayon, pati ang bagong miyembro ng gang na si Pancake ay nandito rin at nakikinig lang sa mga kwentuhan namin habang nakahiga sa binti ni Bien.
“How are you, Top?” mahinang bulong na narinig ko kay Bry habang hinihimas ang malamig na lapida sa kalagitnaan ng tsismisan ng iba naming kasamahan.
I don’t have any idea what he’s really going through since we all know he’s not the type of person who’s an open book for everyone, but I guess he’s doing a bit alright and just focused on his studies. Kung titingnan, we’re all happy and seem at peace, maliban sa isip kong kagabi pa akong hindi pinapatulog.
“Saan dito sa mga libingan ang puwesto mo?”
Napakurap ako sa tanong ni Vince at kaagad siyang binalingan ng tingin. “Anong sinasabi mo?”
“Ang sabi ko, saan ka banda rito nakalibing? Mukha ka kasing zombie na galing sa hukay. Tingnan mo ang itsura mo,” he laughed hard and jokingly hit me with a bag of snacks in his hand.
“Gago!” I chuckled at his teasing. “Hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi kaya medyo malaki ang mga eyebags ko. I spent the night thinking about something.”
“Thinking about what?” tanong naman ni Fred na kanina pa palang nakikinig sa aming dalawa.
I took a deep breath first before opening up. “Kilala niyo ba si Dion? Well, I’m sure you’re all familiar with him. Doon kayo sa bistro niya nag-perform noon, hindi ba?”
“I know him. He’s from Saint Lucas, right?”
Tumango ako at nagbukas ng isang bote ng C2 at pinangalahatian iyon bago muling nagsalita. “I haven’t told anyone this, but he’s an old friend of mine. Hindi naging maganda ang samahan namin, that’s why we’re not on good terms right now.”
“Oh, tapos?” tanong ni Akiro habang naghihintay ng kasunod kong sasabihin. Hindi ko na namalayang lahat na pala sila ay nakikinig sa kuwento ko.
“We talked after years. May pakiusap siya sa akin tungkol kay Wesley. Uh, siya iyong lalaking naging dahilan ng pag-aaway namin. I told him I liked Wesley, and yet I saw them kiss. That’s why—”
“What?!” gulat nilang tugon.
“Yeah. They kissed. That’s why I get mad. Alam ni Dion na gusto ko si Wesley kaya nasaktan ako nang makita iyon. I felt betrayed.”
“That means Dion is gay?” nagtatakang tanong naman ni Bien.
“I don’t know. Maybe he’s not. Umamin nga sa kaniya si Wesley pero hindi naman daw niya ito gusto. Ang gusto pa niya ay ligawan ko raw para hindi na niya kailangan i-reject dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila. Maybe he thought I still liked Wesley,” kibit-balikat kong paliwanag.
“Ang lakas naman ng loob niyang makiusap sa iyo ng ganoon matapos ang ilang taon niyong hindi pag-uusap at pagkikita.”
“Anong ginawa mo? Tinggap mo iyong favor?” nakangiwing hula ni Tan.
I nodded and smirked a bit. “I was caught off guard. Napapayag ako dahil sa sobrang inis sa kaniya.”
Narinig ko ang sabay-sabay nilang pagsinghap dahil sa sagot ko. I know they thought I wouldn’t accept it, but too late, I did. Sinubukan ko namang tumanggi, pero ang ending, wala pa rin. Masyado nga yata akong mabilis mauto at talagang nagpauto pa ako roon sa Chase na iyon. Dapat yata Dina na lang ang pangalan ko, eh. Dina Natuto, tsk!
BINABASA MO ANG
D'Beasts Series #4: Ceasing the Rivalry
General FictionONGOING [BoyxBoy] D'BEASTS SERIES #4: Ceasing the Rivalry