IKASIYAM

255 11 6
                                    

[WARNING: CONTAINS STRONG LANGUAGE]

Apat na shots na ng whiskey ang naubos ko and yet I’m still at the table where we sat, alone and tipsy. No one dared to sit with me after Wesley left. He excused himself two hours ago, saying he’d find Chase somewhere. Hindi ko alam, baka nagkita na silang dalawa at magkasama na ngayon. Obviously, the plan failed. Kaya imbes na sayangin ko ang oras ng walang ginagawa ay pinili ko na lang na sayangin ito sa pag-inom ng alak.

“Another one?” tanong ni Evan nang makita akong wala nang iniinom at nakasandal na sa upuan. “Or maybe not? Mukhang lasing ka na, boss.”

“I didn’t own a bar for nothing,” nakangising sagot ko nang akusahan niya akong lasing na.

He laughed and nodded at me. “Right! Another shot of whiskey, coming up!”

Ngumisi lang ako pagkaalis niya sa harapan ko para kumuhang muli ng panibagong shot ng whiskey. I was about to get my phone in my pocket nang iba ang makapa ko sa bulsa ng suot kong pantalon. Nahawakan ko ang isang kaha ng sigarilyong inilagay ko pala rito bago ako lumabas ng kotse. I decided to stand up and go outside, even if my head was throbbing in pain. Hindi pa nga ako lasing pero grabe na ang hilo ko.

I walked past everyone. Tinawag pa nga ako ng mga ilang kakilala but I immediately excused myself and went to the parking area. Dumiretso ako sa medyo tagong parte at malapit sa main road para makaiwas sa crowd na halos karamihan ay nag-aaral sa SBA. I stood there for about five minutes, thinking about what Wesley said awhile ago. I don’t think the plan will ever work if he’s behaving like that. I can’t believe I liked him once. Ganoon pala siya. I feel like he’s an obsessed creep.

Napakurap ako sa pagkakatulala nang may pumaradang itim na kotse sa tabi ko.  Namatay ang ilaw nito bago lumabas ang ngayon ay naka-hoodie nang si Chase.  Nakatingin siya sa akin nang may pagtataka habang tinatanaw ang parteng likuran ko.

“Seven? Bakit ka nandito? Anong nangyari?”

“Nagpapahangin lang. I got bored inside,” kaswal kong sagot.

“And where’s Wesley? Hey, are you planning something dirty?” pagdududa niya at muling sinipat ang paligid.

“Do I look like I’m capable of doing something dirty?” ngising tanong ko pabalik. “Umalis na si Wesley. Hahanapin ka raw niya.”

“Hahanapin? I didn’t see him.”

“I don’t care. Kahit pa maghanapan kayong dalawa.”

Narinig ko ang buntong-hininga niya bago naiiling na iniwas ang tingin. “Anong nangyari kanina habang wala ako?”

“Nothing. We talked, but I ended up pissed off. I just don’t feel his vibe,” I answered frankly, getting a pack of cigarettes in my pocket.

I always have cigarettes on me, but I don’t always smoke. I just do it when I’m not comfortable in a certain situation, if I’m having anxiety attacks, or if I’m intoxicated. It just calmed the shit out of me. Hindi ko lang ito ipinapakita sa iba. I’m not proud of it, but I need it anyway. I was pissed off, and this might help to let off some steam.

“Wait, y-you’re smoking?” gulat at may bahid ng galit na tanong niya.

“Yes, occasionally.”

“And who told you to fucking smoke?”

I furrowed my eyebrows and looked at him with disbelief. “No one. Now, if you’ll excuse me.”

Ngayon lang ba siya nakakita ng taong nagsisigarilyo? Masyado naman yata siyang conservative. Dinaig pa niya ang parents kong walang pakialam sa mga ginagawa ko sa buhay. I already told him that I only smoke occasionally. Hindi naman ako iyong tipo ng tao na sunog-baga talaga at hindi nakakaya ng walang usok na lumalabas sa bibig sa isang araw.

D'Beasts Series #4: Ceasing the RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon