Umaga pa lang ay nararamdaman ko na kaagad ang pagiging hectic ng araw na ito. Today is Tuesday, at maaga akong gumising para maghanda sa first subject namin. Mahigpit na ipinagbabawal sa amin ang pumasok ng late, because it’s our responsibility to be in school and in class on time. Hindi rin naman gaanong malayo ang bahay namin sa school kaya walang rason para mahuli ako.
Wearing my complete school uniform and well-combed hair, I headed downstairs to eat a quick breakfast. Naabutan kong naghahain na ng almusal ang mga tagaluto namin, pero wala pa ring nakaupo sa dining table. Imposibleng tulog pa sila Papa ng ganitong oras. By this point, they should be starting to eat their breakfast. Kung minsan nga ay nakakasabay ko pa sila kapag maaga akong nagigising.
“Magandang umaga, Seven. Handa na ang agahan,” bati ng head housekeeper namin na si Nanay Rosita. She’s been with us since I was a kid, kaya naman parang nanay na talaga ang turing ko sa kaniya.
“Good morning po. Umalis sila Papa?”
“Naku! Hindi ba nasabi sa iyo? Maaga silang umalis para sa flight nila papuntang Japan. May aasikasuhin daw sila roon, eh.”
Japan? Umalis papuntang ibang bansa nang hindi manlang ako sinabihan?
“H-Hindi po ako sinabihan…” nagtatakang bulong ko.
Lumapit sa akin si Nanay Rosita at marahan akong tinapik sa dalawang balikat. “Pasensya ka na sa Mama at Papa mo, Seven. Alam kong nasanay ka nang palagi silang wala, pero sana ay hindi ka magtanim ng galit sa kanila kagaya nang palagi kong tinuturo sa iyo noon. Hayaan mo at kakausapin ko ulit sila tungkol dito.”
“I understand,” pilit na ngiting wika ko. Ayaw ko lang din kasi talagang kumakain mag-isa. “Nay, puwede niyo po ba akong sabayang mag-agahan? Call all the housekeepers. Sayang itong mga pagkaing niluto niyo. Hindi ko ito kayang ubusin lahat.”
Nanay Rosita called all the housekeepers in the house, including all the drivers, to eat with me on the dining table. Masaya ang naging breakfast ko dahil puno ng kwentuhan at tawanan ang nabalot sa buong hapag. Kung wala lang sana akong pasok ay pipiliin kong magtagal pa roon para makipagkulitan sa kanila.
“Ingat sa pagpasok, Hijo!”
Nagmano ako sa kaniya bago tuluyang sumakay sa kotse nang nakangiti. Mabuti na lang talaga at may mga mababait kaming kasambahay. It’s so hard nowadays to find housekeepers who’ll treat you like family. That’s why we’re lucky to have Nanay Rosita and the others. Kahit paano ay napupunan nila ang pagkukulang ng mga magulang ko.
Walang traffic sa daan nang makaalis ako kaya naman nakarating ako tatlumpong minuto bago tumunog ang bell. Kumpleto na kami sa classroom at naghihintay na lang sa prof namin ng first subject. Prente akong nakaupo habang pinagkakaabalahan ang phone ko para tumingin ng kung ano-anong puwedeng idagdag sa menu ng Triple 8. Since I expanded the bar, I’m now planning to add something to the menu, both drinks and food.
“May announcement daw mamaya. Siguradong ambagan na naman iyan,” dinig kong bulong ng nakapuwesto sa unahan ng table ko.
The word ‘ambagan’ is something that the majority of us are scared of. Paano ba naman kasi, palagi naming naririnig ang salitang iyan, lalo na kung malapit na ang mga practical exams o kapag may event na gaganapin. All I can say is that this program is not recommended for people who struggle financially, based on our experiences here at our school. Ambagan dito, ambagan doon. It’s good that I can provide for myself; otherwise, I’ll need financial support for my parents.
“Good morning, class!”
Napahinto ako sa pagtitipa sa phone ko at kaagad itong itinago sa bulsa nang marinig ang baritonong boses ng prof namin. He’s wearing glasses and has a bald spot on his head. I think he’s just in his mid-thirties, but his head looks a bit older for his age.
BINABASA MO ANG
D'Beasts Series #4: Ceasing the Rivalry
General FictionONGOING [BoyxBoy] D'BEASTS SERIES #4: Ceasing the Rivalry