IKA-LABING ISA

394 14 1
                                    

“Ano?! Ang akala ko ba ay iyong si Wesley ang popormahan mo? Bakit si Dion ang hinalikan mo?” gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Fred nang magkwento ako sa kanila tungkol sa mga nangyari.

“Does that mean you two are… boyfriends?”

I shook my head at Bry’s guess while still eating the chips I bought for lunch. “Nope, he confessed, though.”

“He confessed?!” sabay-sabay nilang untag.

“He likes you?” ngiwing tanong ni Vince. “Kaya pala sinundo ka sa school, eh. Kunwari ka pang ipatutumba mo, ikaw pala ang tutumba.”

“He said he likes me. I don’t,” I shrugged. “But I kinda said something crazy.”

“Grabe, Seven. Hindi ko kailanman naisip na magiging ganito ka-problematic ang love life mo.”

Problematic naman kasi talaga akong tao, ano pa bang nakapagtataka roon? At saka, hindi naman love life na maituturing itong sa amin ni Chase, hindi ko nga siya gusto, eh. Pinipilit kong may maramdaman manlang na kahit na ano sa kaniya pero wala talaga. Maybe I want a little of his attention, but love? No, thanks. I would never go that far. Kahit pa dati kaming magkaibigan.

“What was something crazy you said?” kuryosong tanong ni Damien.

I chuckled and cleared my throat with the bottle of C2 before speaking up. “I told him I couldn’t continue the plan we had for Wesley. Sinabi kong cheating na maituturing iyon kung hindi niya kayang i-reject si Wesley sa kabila ng pag-amin niyang gusto niya ako.”

“Ang kapal naman ng mukha mo, Seven! Kinonsensya mo pa iyong tao. Akala mo naman ay may karapatan ka sa kaniya,” natatawang saad ni Akiro.

“I know. It was the dumbest thing I’ve ever said. But you know what’s funny? He agreed. Sinabi niyang i-re-reject niya raw si Wesley mamaya at liligawan ako right at the moment,” I can’t help but laugh hard. Natigilan lang ako nang makitang seryoso ang mga ekspresyon nila at masama ang tingin sa akin. Ang ilan ay naiiling pa na parang may masama akong nagawa. “What’s with that reaction?”

“Nababaliw ka na ba? Magpapaligaw ka kahit hindi mo naman gusto iyong tao? Pinaglalaruan mo ba si Dion?” kunot-noong tanong ni Bien.

“What? Hindi ba iyon naman ang purpose ng panliligaw? Para magustuhan? Malay mo naman, baka biglang lumambot ang puso ko at maawa sa kaniya.”

“So, you want to be pursued in the hope that you could like him too,” Bry stated. “Or maybe you already have feelings for him, and you’re just denying it.”

What the hell? Anong i-de-deny ko kung wala naman talaga?

“Trust me, wala akong feelings kay Chase. I’m just… jealous of the attention he’s giving to Wesley na pakiramdam ko ay dapat sa akin. Masyado niyang pino-protektahan ang friendship nilang dalawa pero ang friendship namin noon ay hinayaan niya lang na masira? I can’t bear that shit. Wesley should just disappear from the picture. Hindi naman siya kasali sa kwento.”

“Pinahaba pa, ganoon din naman iyon. You’re jealous because you want his attention. You want his attention because you like him.”

“As a friend, yes. I like him as a friend. I’m jealous, as a friend.”

Tinapik ni Vince ang balikat ko habang walang magawang tumatango. “Sige, kung saan ka masaya, ipagpatuloy mo lang. Huwag ka lang iiyak-iyak diyan sa huli. Baka pagsusuntukin ka pa namin.”

“Kung ako sa iyo, Seven, linawin mo na lang kay Dion na pagkakaibigan lang ang kaya mong i-offer. Baka umasa iyong tao na magugustuhan mo rin siya romantically,” seryosong ani Tan.

D'Beasts Series #4: Ceasing the RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon