IKA-LABING LIMA

245 12 3
                                    

Sa isang araw na ang sports fest. Tapos na rin ang mga booth namin at ang kailangan na lang iayos ay ang mga ingredients na gagamitin para sa mga dishes. Maaga kaming pinalabas para makapaghanda pa bago dumating ang mismong araw na pinakahihintay ng lahat. Mabuti na lang at may oras pa para ma-practice ko ng maayos ang mga ihahain namin.

Mag-isa kong binabagtas ang daan papuntang parking lot dahil ang iba ay mga klase pa. Gusto ko nang umuwi muna sandali para makapagpahinga at bukas na bukas pag-uwi ko ng bahay ay sisimulan ko nang magluto ng mga samples at ipatitikim ko ulit kila Nay Rosita. Sanay na naman akong magluto pero hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ngayong darating na event. Siguro ay dahil maraming posibleng makatikim? Marami pa naman ang students ng Saint Lucas. Kabilang na roon sina Chase at Wesley.

“Hey.”

Napalingon ako sa kaliwang bahagi ng parking lot nang may marinig akong tumatawag. Napakunot ang noo ko nang makita si Chase na nakasandal sa kotse niya. Napapadalas yata ang isang ito sa school namin. Ano na naman kaya ang kailangan niya this time?

“Why are you here? Masyado bang mahaba ang free time mo para puntahan ako rito tuwing uwian?” ngiwing tanong ko habang inaayos ang strap ng bag na suot ko.

“Ihahatid na kita pauwi.”

“I have a car. Please, Chase, just leave me alone for now,” pagod kong sabi at kinapa ang susi ng kotse sa bulsa ko. Halos takasan ako ng hininga nang mapansing wala ito sa alin man sa dalawang bulsa ng pantalon ko.

“Hinatid kita kanina kaya wala kang dalang kotse. How come you forgot it that fast?” he chuckled and tapped his car, telling me to get inside. Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ng bagong dating na nasa aking likuran.

“Is that your car?”

Para akong napako sa kinatatayuan ko nang marinig ang mabibigat na hakbang at baritonong boses ni Jonas. Sinipat pa siya ni Chase nang may pagtataka habang papalit-palit ang tingin sa aming dalawa. It seems like he’s asking who’s behind me without actually saying it. Wrong timing naman ang isang ito. Kung bakit ba kasi hindi na lang siya nagdala ng sasakyan niya papunta rito at sumabay pa kay Dad kanina.

“N-No, this isn’t my car. I left it at home…” I hesitated.

“Sa kaniya ka sumabay kanina papunta rito?” muling tanong nito.

“Yeah. Can you wait for awhile? I’ll call home to pick us up.”

Damn it. Nagsabay-sabay pa talaga ang mga inconvenience na ito.

“Who’s this guy?” Chase finally asked. “Bakit sabay kayong uuwi?”

I was about to speak when Jonas took over. I don’t know if I should be thankful because I don’t know what to say and I don’t have the energy to explain or be worried because he might say something crazy—

“We’re living together.”

What the hell?!

“L-Living together?” nagtatakang pag-uulit ni Chase habang hinihintay ang magiging sagot ko.

“No, we’re not. Damn it,” I answered helplessly. “He’s a family friend, and he’s doing his internship here at SBA. They live miles away from here, so he’ll be staying in our house in the meantime.”

“In short we’ll be living together,” tamad na dagdag ulit ni Jonas.

Oh, fuck it. He’s somehow right, but it’s just kind of inappropriate to say it, especially in front of someone who knows that I’m into men. Nakakahiya!

“In the same room?” may bahid ng inis na tanong na naman ni Chase.

“No—”

“Depende kung hindi available ang mga guest rooms,” Jonas interrupted. “You have lots of questions, huh? Such a curious young man.”

D'Beasts Series #4: Ceasing the RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon