IKAPITO

262 11 2
                                    

Alas singko y medya palang nang umalis na ako sa bahay para pumunta sa Caza Bistro. Nagmamadali at dahan-dahan pa akong naglakad mula sa paglabas ko ng kuwarto hanggang sa pagpapatunog ng kotse paalis. Masyadong pa kasing maaga para pumasok sa school. Ayaw ko namang usisain pa ako tungkol dito. Napagdesisyonan ko lang kasi kagabi na tumulak doon ngayong umaga para kausapin si Chase tungkol sa naisip kong plano. Hindi ko nahingi ang number niya kaya heto at magbabakasakali akong makita siya roon ng ganitong oras. Kung wala naman ay baka magpalipas na lang ako ng oras sa isang coffee shop malapit sa school para kumain ng almusal.

Nang makalabas ako sa subdivision namin, nakahinga ako nang maluwag at tuluyan nang binilisan ang pagpapatakbo ng kotse. Hindi traffic ang daan kaya naman mabilis din akong nakarating sa pupuntahan ko. Tinanaw ko ang loob ng bistro at kumpirmadong sarado nga ito. I almost left when I saw the only car parked in their parking lot. Hindi ako sigurado kung kotse ba ito ni Chase pero kung tauhan man niya ito, kahit paano ay puwede kong makuha mula roon ang number niya para mabilis ko siyang ma-contact.

Lumapit ako sa nakaparadang kotse at tinanaw kung may tao ba sa loob nito. Tinted pa ang bintana kaya kahit nakakahiya ay sinubukan kong mas ilapit pa ang mukha ko roon para tuluyang makita ang loob. As soon as my eyes stuck to the front door glass, I suddenly felt a presence behind me.

“What are you doing?”

Napakurap ako at napaayos ng tayo bago lumingon sa pinanggalingan ng boses. He’s looking fresh in his basic tee and sweatpants. Basa pa ang buhok at mukhang kaliligo lang. May hawak siyang susi sa kanang kamay na sa tingin ko ay susi nitong kotseng balak kong silipan. I thought this car was owned by just one of his staff, sa kaniya pala.

“I’m cleaning your window,” sarkastikong sagot ko.

“Oh, please, Seven, it’s too early,” he chuckled. “Bakit ka nandito?”

“I want to talk to you,” kaswal kong sagot at hinarap siya.

A glimpse of a smile lingered on his face and vanished just after I blink my eyes. He then shifted his position and crossed his arms. “About what? Mukhang importante iyan para gumising ka ng ganito kaaga kahit na mamaya pang eight o’clock ang pasok mo.”

Paano naman niya nalaman ang schedule ko? Oh, well, whatever.

“Can we at least sit first?” I requested and raised my eyebrow.

Tinanguan niya ako at pinatunog ang kotse bago umikot sa driving seat. “Sa loob na lang tayo mag-usap.”

As soon as I entered his car, I felt familiar yet unknown feelings. Maybe this brings back some memories.

“Anong gusto mong pag-usapan? Maybe we can talk about that during breakfast. Siguradong hindi ka pa kumakain.”

“Ayaw kitang kasabay mag-almusal,” I rolled my eyes. “Nandito lang ako para sabihin ang naisip kong plano kagabi.”

Natigilan siya at lumingon sa akin bago tumango at isinandal ang sarili sa upuan. “What is it?”

“After all the realizations and planning, my head does. I’m accepting your offer by thinking that you’re just matchmaking me and Wesley. That you’re going to set us up on a blind date, or whatever it calls.”

Dahil ayaw kong isipin na ginagamit nga lang ako ni Chase para ma-divert ang atensyon ni Wesley at mawala ang feelings nito sa kaniya. Ayaw kong isipin na para hindi masira ang friendship nila, kinakailangan niyang i-involve ako sa problema niya. At least, hindi gaanong nakakadismaya kung ganito ko iisipin ang bagay na ito.

“Later after school, sa Triple 8 na lang. Sabihin mo na hangout kayo tapos saka ako magpapakita. Introduce me to him and after that, puwede mo na kaming iwan dalawa.”

D'Beasts Series #4: Ceasing the RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon