IKASAMPU

293 12 2
                                    

Nagising akong masakit ang buong katawan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sa akin ang pamilyar na ceiling. Napabalikwas ako ng higa at mabilis na umupo habang iginagala pa rin ang tingin. Napakunot ang noo ko nang makitang nasa loob pa rin ako ng Triple 8. Nakaupo sa isa sa mga couch habang tahimik na ang paligid at wala nang kahit isang tao sa loob. Bakas pa sa stage ang naging kasiyahan kagabi dahil naroon pa rin ang ilang mga gamit na karaniwang inililigpit ng mga staff ko tuwing malapit nang mag-umaga.

I checked my wristwatch while slowly massaging my temple. Alas tres na pala ng madaling araw. Sobra ba akong nalasing kagabi kaya dito na ako mismo nakatulog? Pilit kong inalala ang nangyari kahapon kahit pa bahagya pa ring sumasakit ang ulo ko dahil sa hangover at antok. As far as I remember, I was here because Chase and I had a plan. Chase left me and Wesley. Wesley and I talked. I got pissed off, so I went outside. I met Chase, and we…

“Fuck! Did we really kiss?”

Napatulala ako at dahan-dahang kinapa ang mga labi. Kung totoo nga na naghalikan kami kagabi, bakit nandito pa rin ako sa eksaktong puwesto kung saan kami nakaupo ni Wesley? Was that really happening, or was it just a dream?

“Gising ka na ba?”

Mabilis akong napalingon sa boses na sa palagay ko ay galing sa counter. Hindi ko maaninag mula sa puwesto ko kung sinong nandoon pero sigurado akong may narinig akong boses ng isang lalaki. The bar is closed at exactly one in the morning, kaya imposibleng may tao pang iba bukod sa akin ngayon. Maliban na lang kung nagpaiwan si Evan dahil alam niyang nandito pa rin ako.

“Sinong nandiyan?” maingat kong sagot at unti-unting tumayo para subukin kung talaga nga bang may tao roon o guni-guni ko lang. “Evan? Are you still there?”

Bawat mabigat na hakbang ko paliko ng counter ay siya ring lakas nang tibok ng puso ko. The least thing I want to see is a fucking ghost in my bar. Baka ipagiba ko kaagad ito pagsikat ng araw mamaya kung may makikita akong multo rito ngayon. I would rather see a thief or a murderer than to fucking see a ghost with long hair in a white dress.

“Magsalita ka kung ayaw mong mahimatay ako rito sa takot!”

Narinig ko ang pagkalabog ng kung ano maging ang footsteps na papalapit sa akin. I almost shout until I see a familiar silhouette. Nawala ang takot ko at nagmamadali siyang hinarap. Fuck, sana ay multo na lang ang nakita ko kaysa sa baliw na ito.

“Ayos ka lang? Bakit namumutla ka?” tanong ni Chase habang nakakunot ang noo.

“Paano ako hindi mamumutla kung makikita kita rito ng ganitong oras?” inis na sagot ko at tiningnan ang isang tasang nasa ibabaw ng lamesa. “Anong ginagawa mo rito at bakit dito mo pa naisipang magkape?”

“Puyat na puyat na ako kababantay sa iyo tapos itong isang tasa ng kape ay ipagdadamot mo pa? Baka nakakalimutan mong may atraso pa rin sa akin kagabi.”

A-Atraso? Is that the k-kiss from last night? Totoo ba talagang nangyari iyon?

“W-Wala akong maalala…”

“Oh, really? Ngayon ay wala ka nang maalala? Matapos mo akong—”

“Oo na! Huwag mo nang sabihin. Alam ko na. Ayaw kong marinig!” pamumutol ko sa balak niyang sabihin.

Hindi ko yata kayang tanggapin na sa daming puwede kong halikan, si Chase pa. First kiss ko iyon tapos ibinigay ko lang sa baliw na ito? Samantalang ang first kiss niya ay si Wesley! Ang gusto kong halikan ay iyong ako rin ang first kiss para romantic, tch. Wala na, hindi na virgin ang mga labi ko. To my future boyfriend, pasensya ka na. I was too drunk and I lost it.

D'Beasts Series #4: Ceasing the RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon