IKAWALO

249 12 4
                                    

“You can go to that bistro and taste their Indian cuisine, but I already went there and ordered almost everything. Actually, I already made a list of the possible ingredients I tasted in each dish. We just need to check it online for additional information.”

And I can assure them that we can recreate the dishes that Caza Bistro has. Even without Chase’s recipes. Ako pa ba? Once I put something in my mouth, I can never forget its taste.

“That’s good! Hays, thank you talaga, Seven. At least hindi na namin kailangang pumunta lahat doon. Masyado kasi tayong marami at sigurado namang hindi lahat ay matotoka sa kusina. Some of us will be assigned to the design and making of our booth.”

“No problem. It was just a coincidence. I happened to pass by the place, so,” I shrugged.

What a liar you are, Seven Kingsley. Coincidence, my ass!

We discuss more about the plans and the things we have to provide. Sa makalawa ay papayagan na kaming magsimulang magtayo ng booth paunti-unti kaya kailangan na talaga namin makagawa ng layout ngayon ng gusto naming design.

“By tomorrow, I’m sure tapos na itong layout natin. Kailangan na lang nating ihanda paunti-unti ang mga gagamitin para hindi na tayo mahirapan.”

Nagpatuloy ang ginagawa namin hanggang sa mag-ring ang bell para sa susunod na subject. Matapos ang unang tatlong subjects sa umaga ay nag-quick lunch lang kami. Hindi na ako sumabay pa sa D’Beasts dahil twenty minutes lang ang lunch break na napagkasunduan namin para sa mas mahabang oras ng pagpaplano. Good thing the professor gave us almost all the remaining hours in the afternoon for the things we were trying to accomplish this day—the layout for the booth.

“Nahihilo na ako! Ang hirap mag-budget,” natatawang reklamo ng isa sa mga group mates ko.

“Bukas na lang ulit. Patapos na naman ito. Puwede na nating pag-usapan mamaya sa group chat ang iba.”

At dahil nga karamihan sa amin ay may gagawin pa rin ngayong hapon, sumang-ayon ang lahat na bukas na lang ipagpatuloy ang iba. Uwian na rin ng ibang mga programs kaya sumabay na ang group namin para maagang makauwi at makapagpahinga. Habang naglalakad sa hallway ay naabutan ko pa si Vince na pauwi na rin.

“Ang aga niyo, ah!”

“Groupings, eh. May tinatapos kami para sa sports fest,” sagot ko sabay akbay sa kaniya.

“Speaking of sports fest, anong balak ni Coach? Tayo pa rin ba ang paglalaruin o iyong mga juniors na lang?”

Nagkibit-balikat ako at tinanaw ang paligid. “Hindi ko alam. Itanong mo na lang sa kaniya. At saka, baka hindi rin ako makapaglaro kung sakali. Demanding ang program. May kailangan kaming tapusin.”

“Kung sabagay…”

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa parking lot. I almost choked myself with my own saliva when I saw a familiar figure standing in the middle of the crowd with his dimples showing while talking to someone about something.

“What the fuck…” I whispered to myself.

“Iyon si Dion, hindi ba?” nagtatakang tanong ni Vince matapos sundan ang tingin ko.

Masyadong malinaw ang mata ko dahil malayo pa lang ay kitang-kita ko na kaagad ang itsura niya sa gitna ng parking lot. Nakatayo siya sa harap ng itim niyang Audi. At dahil tapos na ang school hours, pinalilibutan na siya ng mga babaeng nakikiusisa sa kaniya. Mukha naman siyang nag-e-enjoy dahil talagang may gana pa siyang makipag-usap sa ilan. Hindi na rin nakakapagtakang nakahakot siya ng ganito karaming atensyon dahil sa suot niyang uniporme. Ibang-iba kasi ito sa amin. Kulay itim ang polo shirt ng sa kanila at puti naman ang necktie. Alam na alam talagang taga-Saint Lucas siya dahil sila lang naman ang school na weird pumili ng uniform.

D'Beasts Series #4: Ceasing the RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon