Faine Yaeli
Nag doorbell ako ng dalawang beses sa bahay na hahatiran ko ng parcel sa araw nito.
Alas otso ng lunes ng umaga ay nag si-simula nako mag deliver ng mga orders sa online delivery na pinag t-trabahoan ko.
Suot ang kulay ube na polo shirt uniform na may logo ng kompanya sa gilid nito na pinarisan ko naman ng cargo black pants at white rubber shoes.
"Maris Calampag, Speedex Delivery po." sigaw ko hawak ang di kalakihan box sa aking isang kamay.
Ilang saglit pa ay lumabas ang isang dalagitang babae na may pagmamadali sa kanyang paglalakad.
"Magkano po ulit?"
"180 pesos po." tugon ko.
Dumukot naman ito sa kanyang maliit na pitaka ng dalawang bills sabay abot sa akin.
Iniabot ko naman ang box pero hindi nakaligtas sa akin paningin ang paghagod nito sa aking kabuuan kahit na magkaharap kaming nakatayo.
"Keep the change." sabay ngiti nito ng malapad.
"Nako hindi na—." kunwari tanggi ko sana. Pero gusto ko naman talaga. Lalo't gipit ako.
Malanding hinampas pako nito sa braso at kumagat sa labi. "Ayos lang ano kaba barya lang yan sa akin." sabay marahan inipit nito ang ilang buhok sa kabilang tainga.
Napangisi ako at natawa ng mahina.
"Thank you miss beautiful." sabay kindat ko dito. At ibinulsa na ang perang bayad sa akin bago sumampa sa bago ko bili na hulogang motor na sniper 155.
Buong araw ako nag trabaho bilang delivery rider. Ang totoo niyan bago pa lang ako dito at wala pako isang buwan.
Nagpatulong lang ako na ipasok dito dahil sa kapitbahay namin. Hindi naman ganun kalakihan ang kita pero sapat na para maka kain kami sa buong araw.
Nag lie low muna ako sa pag e-escort service mula nung may mangyare sa akin di maganda sa huli ko kliyente.
"Isang order ng pares overload. Dine-in po." sabay lahad ko ng bayad na 100 pesos sa tindera.
"Heto na." sabay abot nito ng mainit at umuusok pa na mangkok na pares at kanin na may kasama pa soft drinks pero binalikan ko na lang ang inomin dahil hindi ko na mahawakan.
Naupo ako sa bakanteng lamesa na walang nakain. Sa labis na pagod sa buong araw na paghahatid ng parcel ay ngayon lang ako nakaramdam ng labis na gutom.
Alas otso na ng gabi ng makauwi ako ng bahay sa Sta.Elena.
"Mano po Lola." agad ako nagbigay galang sa matandang kumupkop sa akin ng mahigit labing tatlong taon. Si Lola Pacita.
Hinubad ko ang uniform na polo at sinabit sa likodan ng pinto, tangi sandong puti ang naiwan sa akin bago sumalampak ng upo sa lumang kahoy na upoan.
"Kaawaan ka ng Diyos. Kumain ka muna at may ulam diyan niluto si Kiana." kasabay naman nito ay ang paglabas ng aking nakababatang kapatid.
"Tapos na po ako kumain lola." sambit ko.
"Uy andito na pala ang poganda ko na kapatid." tuwang-tuwa itong lumapit sa akin. "Pasalubong ko?" kapag nauwi talaga ako ay lagi yan naka abang at naghahanap ng pasalubong.
Dinukot ko sa body bag ang burger na nabili sa tabi ng paresan kanina na tig 25php.
"Wow burger! Salamat ate." naupo ito sa tabi ko at sinimulan ng kainin ang dala ko.
Mataman naman ako pinagmasdan ni lola. "Kamusta na pala ang likod mo? bumalik ka kay Aling Josy pag may masakit pa din sayo para mahilot niya." puno ng pag-aalala na wika nito.
YOU ARE READING
Soulful Eyes (Lesbian Intersex Story)
RomanceAisyah Cicely Lozano promised herself that they would meet again. The young boy who saved her. As soon as she saw him for the first time, she was amazed by the beauty of his eyes. Even though many years have passed, she still hasn't forgotten the bo...