Faine Yaeli
"Liberty."
"Faine is that you?"
Ganito yung mga sandali na gusto ko na lang maglaho na parang bula. Yung bigla-bigla na lang ako mawawala ng walang nakakakita. Kung may superpower lang ako pipiliin ko maging invisible sa mga oras na 'to.
"What's going on here Liberty? are you OK?" may isang babae ang lumapit sa amin, tingin ko ay isa sa mga kaibigan ni Aisyah.
Mabilis na binitiwan at lumayo naman si Liberty sa akin. Hindi ko magawang lingonin ang dalawang bulto ng babae na nasa gilid lang namin.
Alam ko na si Aisyah ang isa dito ayon na din sa boses nito kanina. Kilalang kilala ko na talaga maski bumulong pa yan siya, pati na din ang natural nito'ng amoy at perfume na gamit ay kabisado ko na din.
Kaya ganun na lang kabilis bumalot ang kaba sa aking dibdib.
Hindi ko kayang tumingin sa gawi nila. Hindi ko kaya salubongin ang mga mata niya.
Tumingin muna sa akin saglit si Liberty bago lumingon sa mga kaibigan niya.
"I'm good, no need to worry girls. Just wanted to ask her where the restroom is."
Nakahinga ako ng maluwag sa naging sagot niya.
Dumoble yata ang kaba ko ng tuloyan na umalis si Liberty at yung isang babae. Pero ito'ng isa nag paiwan pa.
Bakit nga ba ako kinakabahan? Hindi naman dapat ako matakot!
Wala rin ako dapat i-explain sa kanya.
Wala naman kami ginawa ni Liberty na hindi kaaya-aya siguro ay yung paghalik niya lang kanina pero wala pa naman sila nun'
Tama! wag ka kabahan sa babaeng yan Faine hindi naman niya yun nakita.
'May pagka dragona lang yan pero kaya mo yan!' bulong pa ng aking isip.
Umalis ako sa pagkakasandal sa pader at matapang na humarap sakanya, handa na rin sana ako maglakad paalis pero ito'ng isa ay parang tigreng kung maka tingin.
Medyo madilim sa parte na'to pero may liwanag pa din naman na nangagaling sa lamp post sa may dulong bahagi nga lang ng pool area.
Pero hindi yun sapat para hindi ko ma maaninag ang madilim nitong mukha.
"How did you come to know Liberty." Her icy voice was as cold as ice.
Ang ginaw! brrr.
Binabawi ko na pala, kinabahan na pala ulit ako.
Umiling ako. "Hindi ko ala—."
"Shut up Faine! I'm not that gullible." may diin nito bigkas.
Naglakad ito ng marahan hanggang sa mag tapat kami. Nang-uusig ang mga matang naka tunghay. Alam ko hindi niya palalampasin ang nakita niya. May pag ka assumera pa naman ang isang to'.
"Are you flirting with my friend?" taas kilay na tanong nito.
Sabi na nga ba yan ang iisipin niya.
"N-no bakit ko naman gagawin yun, please lang Aisyah gusto ko na mag pahinga." kailangan ba lahat ng tungkol sa akin ay alam niya.
"Liberty won't talk to strangers, I know that for sure. So paano mo siya nakilala? impossibleng ngayon lang kayo nagkita. Just tell me the truth." mariin nito saad. Hindi yata titigil si Aisyah hangga't di ko siya nasasagot. Hays!
YOU ARE READING
Soulful Eyes (Lesbian Intersex Story)
RomanceAisyah Cicely Lozano promised herself that they would meet again. The young boy who saved her. As soon as she saw him for the first time, she was amazed by the beauty of his eyes. Even though many years have passed, she still hasn't forgotten the bo...