Warning: Abuse and offensive words.
This content is disturbing, so I encourage you to prepare yourself beforehand.
*Skip if you're not comfortable and find the chapter to be traumatizing.
~~~~∆•∆~
Flashback
"Yaeli!"
"Yaeli! ano na naman ba ito ginawa mo?!"
"Asan kana ba demonyong bata ka?! pag nakita kita sisiguradohin ko makakatikim ka na naman sa akin!"
"Yaeli lumabas ka sabi!"
Nangininig sa takot ang buong katawan ng batang si Yaeli na noo'y edad anim na taong gulang pa lamang matapos niya marinig ang galit na pagsigaw ng kanyang Yaya Merda.
Ang kinuhang taga pag-alaga sa kanya ng kanyang ama.
Hindi niya kasi sinasadya matabig ang flower vase sa living room na naging dahilan ng pagkabasag nito. Sa labis na takot ay agad siya tumakbo at pumanhik sa kanyang sariling silid para magtago.
Halos maihi na siya sa labis na takot habang nagtatago sa loob ng malaking kabinet sa kanyang kuwarto.
Niyakap niya ang kanyang mga tuhod habang nakayukyok ang kanyang ulo dito.
Pigil na pigil ang pag-iyak niya na hindi makagawa ng kahit anong ingay.
"Mommy." mahina niyang usal sa gitna ng kanyang panginginig ay nanalangin siyang umuwi na ang kanyang ina para saklolohan siya. Kahit na alam niyang impossibleng mangyari sa mga oras na yun ay pilit pa din siya umaasa.
Gustong gusto na niya makita ang ina. Miss na miss na niya ito.
Tangi ang kanyang ina lamang ang kakampi niya.
BLAG!
Malakas na bumukas ang pintoan ng kuwarto at nagpupuyos sa galit ang matandang kasambahay na pumasok dito.
"Bibilang ako ng lima Yaeli! Pag hindi ka pa lumabas sisiguradohin ko hindi ka makaka kain ng ilang araw, wag mo ako subokan bata ka! Tandaan mo makakarating ito sa Papa mo hmm." puno ng galit at pagbabanta na saad ni Yaya Merda.
Hindi alam ni Yaeli ang gagawin gusto niya na lumabas ngunit nanaig pa din ang takot sa kanyang puso ng marinig ang pagbabanta nito kaya mas pinili niyang magtago na lamang.
Takot siya sa kanyang Papa. Sukdulan ang pagkamuhi nito sa kanya.
"Yaeli Isa!"
"Dalawa hindi ka pa din lalabas?!"
Pumikit siya at mas sumiksik sa pinakasulok ng madilim na kabinet.
Nabalot na ng takot ang batang si Yaeli.
"Tatlo! Makakatikim ka ng palo sa akin pinapahirapan mo pako ha?!"
Mommy.. Asan na po kayo? Please mommy help me! bulong ng batang si Yaeli.
"Apat! Hindi ka talaga lalabas?" muling sigaw nito at nakarinig siya ng kalabog sa paligid.
Isa-isang sinilip ni Yaya Merda ang buong sulok ng kuwarto. Inumpisahan niya sa ilalim ng kama. Pumasok din siya sa banyo. Nang wala siya makita ay napansin niya ang dalawang naglalakihan na aparador.
Mabilis ang mga lakad niya na nagtungo roon.
Sa unang pagbukas niya ay wala siya nakita.
Ang panghuli ay nasa kabilang bahagi pa ng kwarto.
YOU ARE READING
Soulful Eyes (Lesbian Intersex Story)
RomanceAisyah Cicely Lozano promised herself that they would meet again. The young boy who saved her. As soon as she saw him for the first time, she was amazed by the beauty of his eyes. Even though many years have passed, she still hasn't forgotten the bo...