Chapter 21

231 36 4
                                    

Faine Yaeli

Nagmamadali ako nagtungo sa address na ibinigay sa akin ni Amir. Nabalitaan ko kasi na dumating sa Maynila si Aisyah nung isang araw pa.

Ang balita ko nga ay napapadalas ang pagpunta niya at kung minsan inaabot pa ng isang linggo kung manatili dito pero wala lang ako lakas ng loob para pasyalan siya. Bukod sa busy din naman ako sa paghahanap kay mommy at sa ibang bagay pa.

Sa totoo lang ay medyo nawawalan nako ng pag-asa na makita pa siya sa tuwing naiisip ko na baka tinago na siya ni papa sa ibang bansa. Pero sa kabilang banda ay andun pa din yung pag-asa ko na magkikita kami muli.

Hirap din ako makakuha ng impormasyon sa aming pamilya dahil kailangan ko pa din ikubli ang tunay ko pagkatao.

Hindi rin ako nakakasiguro kung tumitigil na si papa sa pagpapahanap sa akin.

Naisip ko din sakaling magtagpo ulit ang landas namin ni papa ay kinakailangan mag panggap ako na ibang tao para lang makalapit sa pamilya ko ay gagawin ko. Kung yun lang ang paraan para malaman ko kung nasaan si mommy ay gagawin ko.

Pero sa ngayon ay mailap sa akin ang pagkakataon. Makapangyarihan ang pamilya Montecillo hindi ganun kadali makalapit basta-basta na lang.

Napatigil ako ng marating ang lugar na hinahanap ko sabay napatingala sa mataas na gusali sa aking harapan. Puno ng pagkamangha ko pinagmasdan ang kabuoan at disenyo nito. Halatang mga mayayaman talaga ang mga nakatira dito.

"M-High Tower." bigkas ko matapos basahin ang napakalaking letra sa harapan natin na gawa pa yata sa tunay na ginto.

Eto na siguro yung condo na sinasabi ni Kiana at Amir sa akin.

Pero kung minamalas nga naman ako ay ayaw ako payagan ng security makapasok kahit anong paliwanag ko.

"Sige na kuya guard bibisitahin ko lang yung kaibigan ko." paawa ko tugon.

"Hindi nga pwede! bawal kami magpapasok basta-basta dito. Wala ka nga mapakitang ID eh." ingos nito. Halatang kanina pa naiinis sa pangungulet ko.

Napaka higpit kasi nila sa mga visitors.

Nawala din kasi sa isip ko magdala ng id kanina nung umalis ako sa pagmamadali ko ay naiwan ko dun sa loob ng maleta, doon sa apartment na tinutuloyan ko ngayon.

Tinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang nanunumpa. "Promise saglit lang talaga ako. Miss na miss ko na kasi yung binibini na ninanais ko, kahit na sobrang sungit sa akin." bigla ko tuloy naalala yung ilang beses ko siya tinangka tawagan sa selpon. Aba! Parati ako binababaan ng tawag, tama ba yun?

Para naman nabasa ni kuya guard yung nasa isip ko. "Di mo ako madadaan sa ganyan tawagan mo kung na mi-miss mo. Wala ka visitors pass kaya hindi ka pwede pumasok." na ngingising saad nito halatang inaasar din ako.

Wala sa loob napasimangot ako ni minsan hindi ko nakausap ng maayos si Aisyah. Ni hindi nga man lang tumagal ng limang segundo ang pag uusap namin. Hi pa nga lang nasasabi ko binababa na. Arghh!

Parating kila Kiana at kay Amir lang ako nakikibalita ng kaganapan sa kanila doon sa hacienda. Buti nga at may lakas loob nako pasyalan siya dito, pag nagkataon aakyat nako ng ligaw sakanya pag nagkita talaga kami.

Aba! May pera nako pang date namin!

Ang totoo niyan ay may trabaho nako dito sa Maynila, maayos din ang pasahod sa akin kaya nga wala na sana ako balak bumalik ng Sta.Elena kung hindi lang dahil kay Kiana at syempre kay Aisyah.

Alam din ni Kiana ang paghahanap ko sa aking ina at naiintindihan niya na kailangan ko mag trabaho at dumito muna sa Maynila.

At kung sinuswerte nga naman ay nabalitaan ko pa na napapadalas na ang pag punta ni Aisyah dito ibig sabihin lang nun ay pinaglalapit talaga kami sa isa't isa.

Soulful Eyes (Lesbian Intersex Story)Where stories live. Discover now