Chapter 14

576 43 4
                                    

Faine Yaeli

Maayos ko isinalangsang ang mga kahon sa warehouse matapos ko ito ibaba sa truck. Siniguro na kumpleto ang lahat at walang naiwan.

Napatingin ako sa relos na suot. Alas kuwatro pa lang ng hapon pero halos natapos ko na lahat ng trabaho na pinapagawa sa akin.

"Yosi break muna ako." paalam ni Glen sa akin. Siya ang partner ko dito sa bago ko trabaho, palitan kami sa pag drive minsan.

"Sige." ngiti ko at nakita ko na ito lumabas ng gate dahil bawal nga ang paninigarilyo dito sa loob ng warehouse.

Pumasok ako sa truck at naupo sa passenger side saka nilabas ang maliit na notebook.

Sinulat ko ang mga nagawa na namin at natapos na trabaho. Nag fill-up din ako ng ilang delivery receipt na papipirmahan ko mamaya bago umalis.

Mag da-dalawang linggo nako dito sa bago ko trabaho. Sa totoo lang ay hindi kalakihan ang sahod ko dito at medyo mabigat ang trabaho. Sanay naman ako sa pagbubuhat dahil batak na batak na ang katawan ko sa mabibigat na trabaho.

Kaso lagi ko din iniinda ang sakit ng katawan, nung una nga ay ayaw ako tanggapin dahil babae daw ako at panlalaki ang ganitong klaseng trabaho.

Kaso nag makaawa talaga ako sa kakilala ko na kausapin ang manager. Buti na lang talaga ay napagbigyan pako.

Linggohan ang pasahod kaya nakakaraos din sa gastusin kahit paano.

Nang makabalik kami ni Glen sa opisina ay mabilis lang din kami nag ayos ng gamit para makauwi.

"Sige tol una nako." paalam ko dito bago sumampa sa motor ko. Wala kasi motor si Glen kaya nag a-abang ito ng jeep sa kabilang kanto. Mag kaiba din dinadaanan pauwi kaya hindi ko siya naisasabay.

Sinuot ko muna ang jacket saka nag helmet. Plano ko dumaan sa maliit na bakery malapit sa amin.

Nag pa gawa kasi ako ng maliit na cake sa kakilala ko. Mura lang ang bigay niya sa akin pero maganda naman daw yun.

"Thank you po." matapos ko tanggapin ang cake ng maibot na sa akin.

Buti na lang at sakto lang ang laki mabilis ko lang ito nalagay sa top box ng aking motor siniguro ko na lang na hindi masisira at tataob ito.

Kaarawan kasi ngayon ni Kiana kaya susurpresahin ko siya, bago pumasok kanina sa trabaho ay sinadya ko dumaan kila Aling Nene, nanay ni Amir.

Nakiusap ako ipagluto kami ng pancit bihon at fried chicken. Si Amir na ang bahala mag dala sa bahay nun ngayon gabi.

Ngayon gabi ko lang din kasi ibibigay ang bayad sa rekados na nagamit ni Aling Nene kayo bago ako umuwi ay dumaan pako sakanila. Libre naman ang paluto niya basta daw kami ay walang problema.

"Salamat po talaga Aling Nene hulog kayo ng langit sa amin pamilya." buong puso ko pasasalamat sa ginang matapos ibigay ang pera.

Natutuwa naman nitong hinampas ako sa braso. "Ikaw talaga Yael, oh siya umuwi kana at inaantay ka na nila dun happy birthday kay Kiana na lang." makailang ulit pako nag pasalamat bago nag desisyon umuwi.

Nagtataka pako ng may makita ako sasakayan sa tapat ng aming bahay matapos ko iparada ang motor malapit dito.

Bigla ako nilukob ng matinding kaba ng makilala ang nag mamay-ari nito.

Anong ginagawa niya dito?

"Andyan kana pala Yael." saad ni Amir na kalalabas lamang galing sa loob ng bahay namin.

Sinensyasan ko naman ito na wag maingay at lumabas siya sa gate.

Hinatak ko ito sa braso para dalhin sa gilid ng kanto malayo sa bahay namin para wala makapansin at makakita na din.

Soulful Eyes (Lesbian Intersex Story)Where stories live. Discover now