Faine Yaeli
Sabay namin nilalantakan ni Kiana ang mangga na inuwi ko kanina lang umaga.
Nagpasama kasi itong si Amir sa akin mag order ng ititinda nila na mangga ng kanyang nanay.
"Ang sarap ng mangga ate-pogi." puno pa ang bibig ni Kiana ng magsalita ito kaya naman sinuway ko.
"Ubosin mo muna yan nasa bibig mo bago ka mag salita tska tama na yan nakakarami kana." paano ba naman siya na halos ang umubos ng mga ito. "Baka mamaya mag sakit na yan tiyan mo sa katakawan mo." biro ko pero totoo din naman at baka mamaya ay di na lumabas ng cr yan at dun na magkulong.
Napasimangot naman ito pero hindi na din umangal pa.
Pagsapit ng hapon ay naligo nako at nagdamit ng maayos. Ngayon araw daw ako ipapakilala ni Amir kay Gwen.
Pupunta kami sa city vet office para personal ako makausap at makita.
Si Gwen na daw ang bahala sa akin, mukhang malakas ang backer ko sa papasukan ko bagong trabaho.
"Basta ayosin mo lang isasagot mo sa interview mo. Panigurado matatanggap ka." pagpapalakas ni Gwen sa akin dahil kanina pa talaga ako kinakabahan.
"Pre sisiw lang sayo yan." wika din ni Amir.
Nakaupo na kami ngayon sa labas ng kanilang office at inaantay ko na lang na tawagin ako.
Dala ko ung ibang documents ko para kung sakali hanapin.
May background naman ako sa pag-aalaga ng hayop. Dati kasi may baboyan dun sa aming lugar ako ang tiga alaga at bantay noon.
Pati poultry farming may experience din ako. Hindi lang talaga ako nagtatagal dahil maliit ang kita.
"Faine Yaeli Zarate." tawag sa akin ng may katandaang babae.
Nang ipatawag ay mas lalo dumoble ang kaba sa aking dibdib nag pawis pa nga ang aking mga palad.
"So tell me about yourself?" agad na unang tanong sa akin matapos makaupo. Halos dugoin yung ilong ko kaka english.
Pero nung huli ay naging relax nako dahil tumatawa tawa na yung nag iinterview sa akin.
Para na nga lang kami nag kwe-kwentohan dalawa.
"So pano start kana sa isang araw Ms.Zarate?" nabigla ako dahil ibig sabihin lang nun ay tanggap nako.
"Yes Ma'am." mabilis ako tumango-tango. Sobrang saya ko hanggang makalabas ako ng opisina ay hindi na mawala wala ang aking pagkakangiti. Ilang beses pako nagpasalamat sa nag interview sakin.
"Oh pre dahil dyan mag painom ka at manlibre ng pagkain." hirit ni Amir naglalakad na kami ngayon pabalik sa amin.
"Gin bilog lang ang kaya ko at mani. Pwede na siguro yun." kailangan ko mag tipid. Aba di ako pwede gumastos ng malaki dahil lang sa alak.
"Pre ayos na yan mahalaga maka tikim ng libre mo." natatawang inakbayan siya ng kanyang kaibigan.
Hindi ko nakalimutan bilhan ng pasalubong sila Lola Pacita at Kiana ng ulam.
Kakain muna ako bago kami magkita ni Amir mamaya para mag inom. Tska gusto ko din ibalita kila lola ang bago ko trabaho.
"Sa Casa Bueño Lido ba kamo ikaw mag t-trabaho?" tanong ni lola sa gitna ng aming hapunan.
"Opo La ako ang mag-aalaga ng mga alaga nilang kabayo balita ko'y tinamaan ng virus ang mga ito." kwento ko sabay subo ng ulam na isda.
Pritong galunggong at gulay na talbos ang ulam namin ngayon gabi.
YOU ARE READING
Soulful Eyes (Lesbian Intersex Story)
RomanceAisyah Cicely Lozano promised herself that they would meet again. The young boy who saved her. As soon as she saw him for the first time, she was amazed by the beauty of his eyes. Even though many years have passed, she still hasn't forgotten the bo...