Aisyah Cicely
Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas ng aking kwarto. Parang may komosyon na nangyayare.
Bumangon ako sa kama at kinuha ang white silk robe na nakasabit saka ito sinuot.
Pagkabukas ng pinto ay agad nabungaran ko ay mga mukha ng aming kasambahay na puno ng pag aalala.
"Señiorita Aisyah." tawag ng isa sa akin.
"Ano ang nangyayare dito?" hindi sila mapalagay at nagtinginan pa ang tatlo hanggang ang isa na ang nag salita.
"Ano pa kasi.. may kagulohan po nagaganap sa kuwadra ng mga kabayo. P-pinatatawag po kayo ni Mang Esteban." tukoy niya sa katiwala ng aming pamilya na nangangalaga ng mga kabayo.
"Hintayin niyo ako sa baba magpapalit lang ako."
Matapos makapag palit ay nag pasama ako sa isa namin kasambahay at nag pahatid sa kuwadra ng mga kabayo sa bandang silangan bahagi ng hacienda.
Medyo may kalayuan ito mula sa casa kaya sumakay kami sa service para mapadali ang pag punta.
Malayo pa lang ay tanaw ko na ang kumpolan ng mga ilang trabahador sa lugar.
Agad ako sinalubong ni Mang Esteban pagkababa ko sa sinasakyan.
"Señiorita may masamang balita." anunsyo nito na ikinalingon ko sa bukas na pintoan ng kuwadra ng mga kabayo.
"May mga ilang kabayo ang bigla na lang nanghina at bumagsak ang pangangatawan." dagdag nito.
Hindi nako nagulat dahil karaniwan naman talaga sa hayop ang manghina at magkasakit.
"Mang Esteban baka kulang lang sa vitamins ang mga ito. Magpabili ka o di kaya naman ay mag palit kayo ng pinapakain." hindi ko maiwasan makaramdam ng inis.
Sa tinagal tagal ng panahon ay siya lang ang nag aalaga sa mga ito malamang ay alam na niya ang dapat gawin.
Bakit kailangan pako ipatawag. Hindi niya ba kaya solusyonan na mag-isa.
Nahihiya itong yumuko at bumuntong hininga. "Patawad ngunit sana ay ganun lang kasimple pero kasi."
"Kasi ho ano?" tila nauubosan nako ng pasensya. Bakit ba hindi na lang niya ako diretsohin.
"Dahil pang-anim na kabayo na ang natagpuan namin patay kanina." malungkot na sagot nito.
Namilog ang mata ko sa pagkabigla.
"What the heck! Bakit? p-paano nangyare yun?" hysterikal na sagot ko. Mabilis ako naglakad patungo sa kuwadra at nilampasan ito.
Agad naman sila sumunod sa akin papasok din.
Bakas ang gulat sa akin mukha ng makita ang kalunos lunos na sinapit ng mga ilang kabayo na nakabulagta at wala ng buhay sa sahig ng kanilang mga kulongan.
Oh my gosh!
Napatakip ako sa aking bibig. Naramdaman ko may humatak sa aking isang braso palabas sa kuwadra.
Namalayan ko na lang si Joy na pala iyon ng mag salita siya at pisilin ang aking mga kamay para kunin ang aking atensyon.
"Joy b-bakit sila namatay?" naiiyak na pala ako na yumakap sa aking kaibigan. Hindi ako makapaniwala ang daming kabayo na nakita ko nakahandusay sa sahig.
"Shh kumalma ka. Magiging maayos din ang lahat." pag aalo nito sa akin.
"Kailangan ito malaman ni mommy." mabilis ko dinukot ang phone sa bulsa ng pants na suot.
Like me, mom was also shocked when she found out what happened here. Masinsinan din sila nag usap ni Mang Esteban sa telepono.
"Kape ka muna."
YOU ARE READING
Soulful Eyes (Lesbian Intersex Story)
RomanceAisyah Cicely Lozano promised herself that they would meet again. The young boy who saved her. As soon as she saw him for the first time, she was amazed by the beauty of his eyes. Even though many years have passed, she still hasn't forgotten the bo...