Chapter 3

10.2K 347 157
                                    

Chapter 3

Confusion

Humagikhik sila. "So, you don't have anyone right now? Girlfriend? Fling?"

Pinaglaruan ko ang ibabang labi ko. Hindi pa dumadating ang Prof kaya agad pumalibot ang ilang mga kaklase kong babae, curious at namamangha.

"I'm actually interested in someone here," I said, raising and lowering my eyebrows at Abi, who asked. Her cheeks dimpled as she tried to hold back her smile.

Nagkatyawan sila, at tumawa si John sa tabi ko, naiiling sa kalokohan ko.

"Hindi ka talaga nababakante, tol."

Kumunot ang noo ko nang lumapit si Giarda, ang transgender naming kaklase.

"Kayo talaga, girls! Iiyak naman kayo after, alam niyo nang red flag!" Maarte niyang sabi na kinangiwe ko.

Hinampas siya ng kaibigan niyang bakla. "Ang sarap din namin kasi ni bebe Santi, 'no?" I narrowed my eyes as he looked at me flirtatiously and seemed about to touch me, but thankfully, Abi and the others slapped his hand away.

Subukan niya lang talaga, hindi ako magdadalawang-isip na baliin ang kamay niya. Tanginang bakla 'to. Harap-harapan, ipapakita na kursonada ako.

Umirap siya. "Sus! Kung umakto kayo, para kayong mga jowa ni Santi. Ang chachaka niyo!"

"Baklita ka! Kami may chance kaysa sa'yo na bakla!" Kumunot ang noo ko, iritado sa usapan nila.

Obviously, I'm straight.

The truth is, hindi na ito bago. Hindi lang girls ang nagpaparamdam, kundi nakaka-uncomfortable nga kapag kapwa ko lalaki. Diretso block ako kung may mag-DM tungkol sa ganiyan.

Maghihilahan na sana, buti na lang dumating na si Prof kaya mabilis silang nag-ayos. Bumuntong-hininga ako.

Trenton Acosta:

Tol, samahan mo ako sa nursing department.

Santiago Alverio:

Gago ka! Pass muna ako sa nursing.

Trenton Acosta:

Sa freshmen tayo. Wala doon 'yung fling mo last time, 2nd year 'yon diba.

Nakakunot ang noo ko nang lumabas ako sa classroom, nasa gilid ng balikat ang backpack ko. Ito si Trent, hilig sa freshie. Mabilis naman siyang nagiging comfortable sa kanila dahil sa beachy vibes niya na mestizo.

Magrereply pa lang sana ako nang may umakbay agad sa akin paglabas ko sa engineering department.

"Sino na naman ba kursonada mo, Trent? Maawa ka naman, kakamulat pa lang ng mga 'yon."

Tumawa siya at pabiro akong binatukan.

"Gago, ang pangit pakinggan."

Ngumisi na lang rin ako. Sumisipol si Trent, tuwang-tuwa na naman sa mga napapasulyap sa amin. May ilan akong mga namukhaan, madami kasing maganda talaga sa nursing kaya madalas laging nandito mga natitipuhan ko.

"Maayos ba 'yung makeup ko? Teka, baka ako pinuntahan nila Santi. In-add ko 'yan kagabi eh!"

"Duh, baka ako. Naka-chat ko 'yan nung Linggo!"

Kumunot ang noo ko, lilingon na sana pero nasa harap na pala kami ng room. Kumakatok na si Trent sa bukas na pinto. Nagtilian ang mga babae.

"Hi, andito ba si Joy?" Nakangise niyang tanong.

Nakita ko 'yung kulot na maputi na pinaghahampas at tinutulak-tulak nila 'yung singkit na iyon... na hindi ko na ikinagulat kasi mahilig sa singkit si Trent. Hanggang mapunta sa harap, muntikan pa matumba pero mabilis na sinalo ni Trent.

Caught In The Temptation (CAM SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon