Chapter 15

9.2K 339 89
                                    

Chapter 15

Teasing

Andito kami ngayon sa bahay nila Trent, nasa pool area, nakababad sa tubig. Nagbibiro lang kami ni Ares na masarap siguro kung may ice kasi grabe ang init, pero ang gago, tinotoo. Nag-request agad sa mga tauhan nila na bumili ng tatlong malalaking ice blocks.

"Ano 'yan, anlaki ng pasa mo sa pisngi, Jax! Binugbog ka nga?" usisa ni Trent, at humagalpak kami ng tawa nang maalala ang karantaduhan niya.

Umismid si Jax at sinamaan kami ng tingin. Isa-isa kaming binatukan pero hindi niya nagawa kay Silas na lumubog at lumangoy palayo.

"Pucha, bakit di niyo sinabi na nasa likod ko pala iyon?!" galit na tanong ni Jax.

"Malaki ka na, kala ko ba kaya mo iyon?" sabat ko.

"Tangina mo, Santi! Sinabi ko bang kaya ko iyon resbakan? Sinabi nang borta iyon eh!"

Nagtawanan kami at pinisikan siya ng tubig. Ngising lumapit si Ares, may mapaglarong ngiti sa labi.

"Sinabihan mo kasing hindi tuli eh. Pinakitaan ka ba?" tanong ni Ares.

Gago, pumula ang mukha ni Jax at iritado niyang pinisil ang ilong. Umiwas ng tingin sa amin.

"Mangilabot nga kayo! Baka kamo siya pakitaan ko eh. Makabatak nga sa gym mamaya, araw-arawin ko! Talino lang lamang non." pag-yayabang ni Jax.

"Ah, talaga? Kaya pala na one hit ka!" Iritado niyang hineadlock si Trent at nilubog ang tumatawa naming tropa.

Umubo-ubo si Trent nang umahon, nagtulakan sila palubog. Naiiling na umalis sa pool si Ares at umupo na sa sunlounger, uminom sa palamig na dinala nung maid. Kunot ang noo kong tinignan siya na mukhang may ka-chat na naman sa cellphone.

Nginuso ko siya sa tropa, natatawa namin siyang tinignan na nakahiga sa bench. Inangat niya ang cellphone at dinikit sa dibdib. Sa angulo, mukhang kumuha siya ng litrato sa abs niya, kita pa naman ang bakat sa boxer shorts na basa!

"Gago, ano ginagawa niyang kumag? Muntanga oh," sabi ko, nakangising tinitignan siya.

"Nagseseryoso na ata ah. Ilang araw ko na iyan napapansin laging may ka-chat at update," sabi ni Trent.

Kumunot ang noo namin, nag-isip. Nag-ngisehan kami, nagkatinginan, pare-pareho ang kulo.

Dahil seryoso siya sa pagce-cellphone, hindi niya kami napansin na nakalapit. Mabilis kong kinuha ang cellphone niya at tinabi, samantalang sila Trent, Jax, at Silas ay pinagtulungan siya at hinagis sa pool. Sabay-sabay silang lumubog sa tubig.

Natatawa akong binuksan ang phone niya at pumunta sa IG para mag-video at i-story iyon. Tinutok ko ang camera sa kanila.

Humagalpak kami ng tawa nang pinagtutulungan nila hubaran ng boxers si Ares.

"You fuckers! Ugaling kanal na naman kayo, ako na naman nakita niyo!" pagmumura niya pero natatawa na rin habang hinihila pataas ang boxers niya.

Pero wala na siyang magawa kahit tumigil na si Silas. Sa kakulitan ng kambal tuko sa tropa, tagumpay nila natanggalan ng boxers si Ares.

Naghabulan silang tatlo na umalis sa pool.

Nakangisi kong zinoom ang camera kay Ares. "Tol, harap ka naman para sa mga fans mo."

Salubong ang kilay na lumingon siya sa akin. Umatras ako nang papalapit na siya hanggang sa naging takbo pero nakatutok pa rin ang camera sa kaniya.

"Stop being an asshole, Santi! Akin na iyan, huwag ka papahuli sa akin, babawian kita," banta niya sa akin.

Caught In The Temptation (CAM SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon