Chapter 42

8.8K 520 473
                                    

Chapter 42

Confession

"Santi, papa mo ako. Karapatan ko namang malaman ang mga nangyayari sa'yo," malumanay pero may himig ng tampo sa boses ni Papa.

Kaka-uwi lang namin, nasa sala kami, nagpapakiramdaman. Hinihintay niya ang sasabihin ko, pero wala akong masagot. Bumuntong-hininga siya.

"I know how close-minded my side of the family is, anak. Pasensya ka na, kahit anong gawin ko, hindi ko na mababago ang pananaw nila," malungkot na sabi niya sa akin.

Tinukod niya ang siko sa tuhod, problemadong umangat ang kamay sa buhok niyang may iilang puti na dahil sa trabaho niyang puyatan.

Malaki na rin ang tiyan dahil laging nakaupo lang sa trabaho at tulog lang ang ginagawa kapag nagpapahinga na, kakain at matutulog.

Bumuntong-hininga ako. "It's okay, Pa. Kayo po ba... wala kayong masasabi sa mga hindi straight?" kabadong tanong ko.

Ito na, dinadahan-dahan ko na. Pansin kong saglit siyang natigilan, mapait na ngumiti sa akin.

"Alam mo naman kung paano ko suportahan ang mga pamilya ni Len. Hindi kasalanan kung ano sila. Malaki ang natulong nila sa atin noong panahong walang-wala tayo," paliwanag niya na kinatango ko, inaalala ang nakaraan.

We were so happy back then. Wala pa si Reni noon at nasa lugar pa kami sa pamilya ni Nay. Simple lang ang buhay at tuwing nagtatrabaho ang mga magulang ko, nasa mga tito at tita ako.

"Wala akong dapat ikagalit sa kanila. Wala naman sa kasarian 'yan eh, nasa pag-katao," he added, and the weight on my chest lifted slightly.

I sighed deeply, returning his sad smile. 

"Kaya nga hanga ako sa'yo, Pa, sa pagiging Alverio mo. Buti na lang sa'yo ako nanggaling," pagbibiro ko para gumaan kahit papaano ang tensyon.

Bahagya siyang tumawa, umiiling sa kalokohan ko. "Gusto mo ba talaga ang apelyidong Alverio?" himig ng pang-tutudyo ni Papa.

Alam namin na laging pulutan ang pamilya namin sa Alverios.

Tinitigan ko si Papa, panahon na rin siguro na sabihin ko sa kaniya ang nararamdaman ko.

Kung kaya ni Delgado na maging malaya, kakayanin ko rin. Para sa kaniya, para sa ikakasaya ko na makasama siya.

"Pa, yung lalaki kanina, siya si Diablo Delgado," panimula ko.

Hindi siya nagsalita, ngiti ang sinagot niya. "Ginugusto ko siya, Pa. Alam ko na lalaki siya pero wala eh, sa kaniya ako bumagsak, Pa."

"Diablo Delgado?" Papa repeated, seeming pleased to hear the name.

"Siya ba 'yung tinutukoy ng tito mo na naghatid sa'yo dati nang lasing ka, si Dio?"

"Oo, Pa," I chuckled. "Gusto rin niyang tawagin siyang 'Bub', ang arte nga. Pare, unang tawag ko sa kanya pero nagagalit," tumawa si Papa sa sinabi ko.

I swallowed nervously, feeling like my stomach was in knots, medyo nanghihina pero para akong nililipad habang kinukwento ko si Delgado.

"Ayoko talagang pumatol sa kapwa lalaki pero anong magagawa ko, kung nahulog na ako sa tao," tumawa pa ako, nababaliw na.

Saglit akong sumulyap ulit sa reaksyon ni Papa, nakangiti lang siya sa akin, abang na abang sa sinasabi ko.

Hindi man lang kumunot ang noo, kumurap o nagpakita ng reaksyon na madalas kong marinig tuwing umaamin ang anak nila sa mga magulang nila, na hindi sila gano'n sa inaakala nila.

"I'm not into relationships, Pa, but I'm willing to try. Handa na akong maging malaya na gustuhin siya. Kaya, Pa..." Kada salita ko ay nanghihina ako kasi sa wakas, kaya ko nang harapin ang kinatatakutan ko.

Caught In The Temptation (CAM SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon