Chapter 46

11.3K 652 666
                                    

Chapter 46

Love

"Saan kayo magpapasko?" tanong ni Ares habang naka-tambay kami ngayon sa Hilux ni Trent.

The sun was setting, and we were at the Acosta mansion. Nakaandar na ang sasakyan, pero nandito pa kami sa parking lot nila dahil wala pa ang may-ari.

Ang tagal talaga kumilos kahit kailan, tapos ang irarason, mahirap daw humanap ng susuotin.

Gago ba siya? Halos mas malaki pa nga ang walk-in closet nila kaysa sa kwarto ko.

Humikab si Jax na nasa shotgun seat. Nilingon kami saglit habang naglalaro ng ML sa cellphone niya.

"Japan," maikli niyang sagot, na parang wala lang.

Nalaglag ang panga ko. Kuryoso naman na naningkit ang mga mata ni Ares sa kaharap.

"You sick? Tol, ba't ka mag-Japan? Ang random, lalo na't hindi ka naman mahilig sa Japanese cuisine," nalilitong pahayag ni Ares.

Bahagya akong natawa nang may maalala, hanggang sa naging hagalpak iyon.

Gulat naman na binalingan ako ni Ares.

"Change preference raw, may masarap na Hapon ba naman na tikman—"

"Ha. Ha. Funny 'tol, puchang humor, Alverio," mas lumakas ang tawa ko, halos marindi si Ares na katabi ko sa likod ng sasakyan.

I was about to tease him more when I saw Trent approaching, frowning, wearing an oversized Balenciaga jersey T-shirt.

Behind him was Sey, smiling brightly, adjusting her fitted tank top that reached her midriff and was branded Chanel. Her hair was braided on both sides with ribbons.

Nawala ang ngiti ko nang sumulyap saglit sa akin si Trent. Mas na-badtrip pa ang mukha.

Umigting pa ang panga ng gago nang sumakay sa driver seat.

May problema ata 'to sa akin, ah?

"Hi, I will tag along, kuyas! It's so boring sa bahay. What were you talking about before we came in?" Sey chattered as she linked her arm with mine and waved at Ares.

Her perfume, a luxurious scent, filled my nose immediately.

"We were talking about where to spend Christmas, Sey. Jax said he's going to Japan," Ares explained.

Tinanggal ni Sey ang kamay sa braso ko, pumalakpak, at kuminang ang mga mata.

"We know someone there, kuya! Remember, our cousin Kuya Peter? He's in Tokyo, somewhere... hmm," she lifted her index finger to the side of her head. "Oh right, Adachi Town!"

Ngumiti ako nang maubo si Jax. "Adachi raw, Jax," asar ko ulit.

"Fuck you, Santi," iritado na sabi niya.

Umismid naman si Sey sa narinig na mura.

Humagalpak ako dahil napalingon na si Trent sa katabi habang nagda-drive.

Si Ares naman ay umiiling na, mukhang sumuko na sa pag-intindi sa amin.

"Sa Adachi na lang," ayaw matigil na asar ko kaya gigil na pinakyuhan niya ako bago nagsuot ng earphone.

"Where's Kuya Silas?" nakanguso na tanong ni Sey, nagce-cellphone na.

"May race siya mamaya sa Ridge, dala niya big bike niya," si Trent sumagot.

"Napapadalas na 'yon sa motor race, ah. Balita ko nagra-ride na rin daw sa mga bundok kasama ang ilang riders sa Ridge," si Ares, kunot ang noo sa sinasabi.

Caught In The Temptation (CAM SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon