Chapter 35

9.6K 501 562
                                    

Chapter 35

Cannot

"Balita ko babaero daw 'tong anak mo, Julio? Ang gwapo kasi at ang tangkad pa, buti na lang at hindi naging bakla gaya ng mga kapatid ni Len!" Auntie Jean's voice cut through the noise of the family reunion.

My jaw tightened. We were at my father's family reunion... Ngumisi ang mga pinsan kong lalaki habang ang mga pinsan kong babae ay humagikgik sa narinig.

"Lalaking-lalaki na kung ganoon. We all know how boys are; it's normal for them to have urges," added another aunt.

Ito na ang palaging kwento na naririnig ko habang lumalaki. Ang pagiging lalaki, tila, ay nasusukat sa dami ng babaeng mapapaligaya. Hindi ko maiwasang maging ganito ang pananaw ko habang lumalaki.

"Buti nga nabitawan niya agad ang mga kinalakihan niya. Hindi ko ba alam sa inyo Julio, bakit mo pinayagan mapunta sa mga baklang kapatid ni Len noon itong anak mo, kamuntikan tuloy maging bakla!" hysterical at problemadong sabi ng isang tita namin kaya nagtawanan ang ilan sa narinig, salungat sa iritado kong mukha.

If I had turned out gay, what would have happened?

Ano ang gagawin nila? Magagaya ba ako sa mga kapatid ni mama na laging pulutan sa mga ganito? Minamata at minamaliit?

"Oo nga, Insan. Naks naman, level up iyan from bubbles na nilalaro mo, condom na pinapalobo mo ah," biro ni Carlo, na nagdulot ng tawanan ulit sa mga kamag-anak, hindi pinansin ang tabas ng dila niya.

Sigang-siga gaya ng mga lalaking barakong-barako kaya laging nakukumpara sa akin noon na lalampa-lampa.

"Oo nga anak, Diyos ko! May suot ba naman na hairclip at bitbit na coloring book na mga prinsesa ang kukulayan nung unang punta, kinakabahan nga ako noon tuwing nakakalaro ni Carlo eh," Carlo's mom said, fanning herself dramatically and giving me a disdainful look.

Umiling si Papa, sinulyapan ako. Nakatingin lang ako sa plato ko, hindi ko magalaw-galaw ang pagkain, mahigpit ang hawak ko sa kutsara.

"There's nothing wrong with my son liking those things—" Papa started to say, but Carlo's mom cut him off, hitting him with her fan.

"Nako, huwag kang ganiyan at yung bunso niyo lalamya-lamya rin!"

Kumuyom ang kamay ko sa narinig, magsasalita na sana nung hinawakan ni Papa ang kamay ko, pinapakalma ako.

Tangina, ganito lagi tuwing magsama-sama ang mga Alverio, laging pulutan ang lahi ni mama hanggang sa kami na ang pag-initan.

Okay sana kung ako lang pero kung dadamayin ang kapatid ko, hirap ako kumalma.

If only someone who knew how to handle these situations was here— Natigilan ako sa iniisip, sumandal ako sa inuupuan, kusang kumalma nung pumasok sa isip ko ang mga salita ni Delgado, ang mapupungay niyang mata na nangungusap pakinggan ko ang mga sinasabi niya.

Ano kaya mga sumbat na bibitawan niya? Kakayanin ba niya na tuwirin tong mga baluktot na pag-iisip nila? Hindi, mahirap kung nag-iisa lang siya at lahat ay hindi sang-ayon sa'yo.

Tinignan ko si Papa na tumahimik na kasi kahit anong gawin niya pagtaliwas, walang pumapanig sa mga suportado niyang salita sa mga kalahi ni mama.

"Balita ko nga rin sasali ka sa siglaban ah? Good luck tol, kasama rin kami nila Ramon eh, katuos din namin ang Engineering team," one of my cousins said, giving me a mocking look.

Ramdam ko ang pagtaas ng galit ko at kagustuhan magyosi para kumalma. "CR lang po ako," sabi ko na lang, mabilis na tumayo at narinig kong tinawag pa ako ni Papa na hindi ko na nilingon.

Caught In The Temptation (CAM SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon