Chapter 43

11.6K 605 469
                                    

Chapter 43

Showing

Hindi ko alam kung ano ang gusto ng mga Delgado. Pinagpapawisan ako habang nakasakay sa tricycle, hawak ang isang rose bouquet para kay Tita Diana at isang custard cake bilang dessert option mamaya.

Okay na kaya 'to?

Tang ina, para akong naiihi sa kaba. Kakain lang naman kami pero heto ako, nag-iinarte.

Fuck, what if ayaw ni Tita Diana ng rosas?

Paano kung mas gusto niya sunflower?

Okay na kaya ang custard cake? Mahigit isang libo rin 'yon pero paano kung mas gusto nila ang less sweet?

Hindi kaya iba isipin ni Delgado?

Hindi naman ako nagmamadali...

"Good Afternoon po, Mama Diana," bati ko habang nakangiti at nagmamano.

I intentionally called her "Mama," successfully making Delgado raise an eyebrow.

Una kong bati kahit si Delgado ang nagbukas ng pinto at siya ang una kong nakita. Nasa tabi niya naman si Tita Diana na suot ang apron, mukhang nagluluto na.

Suminghap si Tita Diana, na magiging mama ko na rin... nang makita ang bitbit ko.

Botong-boto naman si Tita Diana sa akin at hindi ko 'yon bibiguin. Ngayong handa na ako, ibibigay ko lahat nang magpapasaya kay Delgado.

"Hala! Are those flowers for my Dio, dear?" kinikilig na sabi ni Tita Diana, kinagat ko ang ibabang labi nang makitang pumarte na naman ang mapulang labi ni Delgado.

His gaze shifted from my face to the roses I was holding. Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ko ang pamumula niya sa kaputian niya.

Ang angas talaga. Batak ang katawan pero ang lakas pumula dahil sa akin.

Hindi na niya kailangan magsalita o umamin. Dito pa lang, huling-huli ko na siya. Ang sarap tignan, tipong pati ako kinikilig na ganito epekto ko sa kaniya.

"I'm not into flowers," masungit na sabi niya. Nakaputing sando kaya kitang-kita ang pagiging makinis niya at ang pumuputok na katawan.

There's a gym at the Ridge, where his group often works out. But the real gym rat is Dante, who sometimes works as a gym trainer there.

Makapunta nga at magpapaturo ako paano iwasan ang pagkalapad ng bewang.

Ngumisi ako nang malapad sa iniisip at sa sinagot ni Delgado. His gaze sharpened when he noticed my smile.

Iniisip niya talaga na sa kan'ya yung rosas?

Sayang, kong alam ko lang... hindi ko naman naisip 'yon. Naninibago ako. Kung sa babae mabilis ako makakaisip, pero hindi naman babae si Delgado.

Paano kung ayaw niya at ma-kornihan?

"It's for you po," baling ko kay Tita Diana na pumalakpak at malaking ngiti na kinuha ang mga rosas. "I also bought a cake for our dessert," dagdag ko.

Mapang-asar na tiningnan ni Tita Diana ang kanyang anak na nakasimangot at salubong ang kilay.

"That's okay, anak. Gan'yan talaga, unang sinusuyo ang mga magulang bago—"

"Ma, masusunog na po ang niluluto niyo," umiiling na sabi ni Delgado sa mama niya.

Nanlaki ang mata ni Tita Diana at mukhang naalala ang niluluto niya.

Umangat ang kamay ko sa buhok na ngayon ay hindi na magulo. Nakasulay na ito at naka-hairstyle pa.

Lumabi ako saglit, ngumiwi nang tignan ang masamang tingin ni Delgado.

Caught In The Temptation (CAM SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon