Chapter 22

9.4K 401 292
                                    

Chapter 22

Companion

Parang binibiyak ang ulo ko nung magising. Talagang pinagtulungan nila si Silas na manlibre dahil nanalo ito, at nalaman namin na humihingi pa raw ng rematch si Dante. Gusto ko pa sana bumalik sa pagtulog nung marinig ko ang higikgikan sa ibaba, kaya humihikab na lumabas ako ng kuwarto.

Natigilan ako nang makita ang familiar na bulto sa sala. Nakaupo sa kandungan ang kapatid kong si Reni sa bisita namin. My eyebrows furrowed at the sight of our visitor's attire.

Mabilis kong hinablot si Reni mula sa kanya na ikinagulat nito pati na rin ni Papa na galing sa kusina.

"Kuya? Tito Reyna is here!" tumatawang sambit ng kapatid ko habang tinuturo ang bisita namin.

"Santi? Ikaw na ba iyan? Binatang-binata ka na ah," lalapit na sana siya ngunit umatras ako.

Umawang ang labi niya, tinitigan ako. Ang ngiti niya ay napawi at malungkot siyang tumingin sa akin.

"Magmano ka, Santi," seryosong sabi ni Papa.

Umigting ang panga ko. Pinagmasdan mabuti ang nasa harapan namin. Kulay pink ang suot nitong t-shirt na may rainbow na disenyo sa gitna. Kahit ang suot nitong sapatos ay ganoon din ang kulay.

"Gagayahin ni Reni iyang pananamit niyo, kung pwede sana huwag kayo magsusuot ng ganyan. Don't be so gay in front of my brother-"

"Santiago! You're being disrespectful right now. Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Hindi mo na ba naaalala ang Tito Reyna mo? Siya ang nag-alaga sa'yo," madiin na ani ni Papa, masama ang tingin sa akin.

Paano ko naman makakalimutan ito? Kung pwede nga lang kalimutan ay gagawin ko. Kung pwede lang ibalik ang nakaraan, hindi ako makikipag-close sa kaniya. I despise him and his kind.

"H-Hindi, okay lang. Sige, papalit din ako agad, Santi. May pasalubong pala ako, hindi ba't favorite mo ang dried mango? Natagalan nga ako dahil nagkabagyo sa Cebu," utal at naiilang niyang sabi sa akin.

Hindi ko siya pinansin, binaba si Reni at hinayaan siyang pakialaman ang maleta ng bisita namin na puno ng mga pinamili niya galing Cebu.

Nagsalubong ang tingin namin ni Papa. Halata ang galit niya pero huminahon din nung ma-realize niya ang dahilan.

"It's not your Tito Reyna's fault..." umiling ako sa sasabihin niya pa sana.

"Aakyat na ako, Pa." Hindi ko na sila nilingon kahit tinawag pa nila ako.

Tulala na tinignan ko ang kisame. Nag-shower ako at nag-scroll down sa Facebook. Ngumisi ako nung makita ko ang bagong profile picture ni Trent. Close-up iyon sa side view, nakangiti kaya labas ang biloy sa pisngi niya. Nandoon agad ang comments ng tropa, nangunguna sa madaming reacts ang kay Jax.

Jackson Ramirez:

Angas ah, dating natusok lang ng lapis ko, dimple na ngayon.

Ares Gabriel:

Paturo nga paano magka-dimple, ganoon daw tipo niya eh.

Silas Villanueva replied to Ares' comment:

Did you get shot by Cupid?

Umiiling na binasa-basa ko ang comments at kulitan sa profile picture ni Trent na umabot ng limang libo na reacts.

Santiago Alverio:

Let me borrow your big bike.

Pwede ko naman i-chat siya pero where's the fun in that? Lumapag rin ang mga tropa at wala akong maisip na sasabihin kaya iyon na lang.

Caught In The Temptation (CAM SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon