Chapter 33

9.1K 400 299
                                    

Chapter 33

Caught

"Ang tagal niyo?" sumbat ni Ryan habang sabay kaming pumunta sa mesa kung saan nakaupo na ang tropa, pinapalista ang gustong kainin.

"Ewan, bagal magpatakbo nung kasama ko eh," sagot ko at umupo na.

Ryan sat next to me, and I saw Jax grinning and nodding his head when Delgado sat on my other side.

Hindi ko alam pero medyo hirap ako huminga, napapagitnaan ako nina Ryan at Delgado.

"Isaw paborito mo sa ihawan, di ba, Santi?" tanong ni Ryan na mabilis kong tinanguan.

Madalas kasi namin siyang kasama lalo na tuwing sugalan at basketball sa lungsod kaya marami siyang alam tungkol sa amin. Utol na rin talaga, sayang kasi hindi nag-CVU.

I felt Delgado scowl, so I turned to him and furrowed my brows.

"Bakit? Ayaw mo kumain sa ihawan?" tanong ko ng mabilis.

Kung hindi siya sanay o hindi niya hilig, pwede naman kaming pumunta sa ibang kainan dahil may lutong ulam din doon. Pwede ko siyang samahan kasi kawawa rin naman.

"I'm okay," maikli niyang sagot kaya mas kumunot ang noo ko.

"Masarap ang isaw nila rito—" Naputol ang sasabihin ko nang kalabitin ako ni Ryan kaya lumipat ang tingin ko sa kanya.

"Ilang isaw sa'yo? Ililista na ni ate," malamig na sabi ni Ryan, napansin kong nawala na ang ngiti nito.

Bakit ba mukhang bad trip itong dalawa kong katabi? Nakakahawa tuloy at naiirita na rin ako. "Bente na isaw saka baboy, sampu para sa akin," sagot ko. "Ikaw, ano kakainin mo, Dio?"

Lito kong tiningnan si Ryan na suminghap, bumuntong-hininga, at nakita ko ang pagpalo ni Jax sa lamesa at ang humagikgik na si Aaron. Nagtataka akong tinignan ni Trent matapos sulyapan ang kakaibang reaksyon ng mga kasama namin.

"Dio? Wow, close na close kayo ni Diablo at sa nickname mo na siya tinatawag?" sabi ni Trent, inosente ang reaksyon kaya naubo ako at nilingon si Delgado na pumula pero may mapaglarong ngisi sa labi.

I raised an eyebrow at Trent, "Sikat naman pala nickname ni Delgado eh, alam mo nga..."

"I heard only his close circle calls him by that nickname. 'Diablo' sounds cooler though," Trent said, laughing and looking for support from Jax, who joined in on the joke.

Mas nakakabanas nga pangalan niya eh, ang kaso idea naman ng mga magulang niya kaya suporta na lang pero mas komportable akong bigkasin ang palayaw niya, mas marahan.

Tahimik kaming kumain, pero napansin ko na kada maubos ang stick ko ng isaw, agad itong pinapalitan ni Ryan ng bago.

"Aminin mo nga, Ryan—" hindi ko natapos ang sasabihin nang mabilaukan siya. Tumatawa si Aaron habang inabot sa kanya ang softdrink.

"Pinapaamin ka lang, muntik ka nang mamatay," hagalpak ni Aaron. Ramdam kong sumipa si Ryan sa ilalim ng mesa, pero ibang paa ang natamaan.

"Fuck, kaninong paa yung sumipa? Ang kapal ng kalyo!" ngiwi ni Trent, sumilip pa sa ilalim ng mesa.

"A-Ako, Trent. Naabante ko lang paa ko, sorry," paumanhin ni Ryan habang kumakamot ng ulo, na nginitian na lang siya ni Trent, ngumiwi pa.

"Ano 'yon, Santi?" baling ni Ryan sa akin, inabutan ako ng softdrink nung wala na laman ang baso ko.

Tinuro ko ang ginagawa niya kaya natigilan siya at nahihiya na huminto.

"Umamin ka na lang if may kailangan ka, hindi yung ganito," tumatawa na sabi ko sa kanya, lumikot ang tingin niya at masama ang tingin sa pinsan niya na malakas ang tawa.

Caught In The Temptation (CAM SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon