Chapter 39

9.4K 439 241
                                    

Chapter 39

Hangover

This might be the worst hangover I've ever had. Halos pabalik-balik ako sa CR dahil sa matinding kalam ng sikmura ko at sobrang dami ng nasuka ko.

"Ugh," hinang-hina akong humiga sa kama matapos, hirap na hirap kumilos at parang pinukpok ang ulo ko.

Mahapdi pa ang mata ko at ramdam ko ang pamamaga. Nakatikom ang mga mata ko nang marinig ang katok at pagbukas ng pinto.

"Santi?" hindi ako umimik nang marinig ang boses ni Tito Reynard.

Tang ina, nahihiya ako sa mga pinag-gagawa ko kagabi.

Umamin ako sa kan'ya na may gusto ako sa isang lalaki at narinig 'yon ni Delgado.

"Pinaghanda kita ng agahan, tocino, at itlog. May gamot din akong dala para sa hangover mo," marahang sabi niya.

Bumuntong-hininga ako at sinubukang idilat ang mga magang mata. Seryoso akong umupo, igting ang panga, at tinitigan siya saglit.

"About last night..." halos hindi ko maipahayag ang gusto kong sabihin.

Alam naman niya na at malala na mga binunganga ko kagabi, wala na akong dapat i-kahiya.

Tang ina, talaga. Ito ang mahirap kapag lasing ka—lumalakas ang loob mo at hindi mo na mapigilan ang bibig mo.

"Hmmm?" alinlangan na tinig niya, at mukhang hinihintay na ako mismo ang magsalita sa kung anong meron at nangyari.

"I... I-I think— scratch that, I like that guy last night, si Dio..." I started, my hand clutching the blanket. It felt like there was something stuck in my throat and chest again.

Tahimik lang siyang nakinig. "Gaya ng sa'yo... bigla na lang... bigla ko na lang naramdaman na humigit pa ang nararamdaman ko sa kanya..."

Kinagat ko ang labi nang mas sumakit ang ulo sa nabadyang luha. "Tang ina, nagkagusto ako sa isang lalaki nung una, tinanggi ko pa..."

"Gusto kong ibaling ang nararamdaman 'yon. Kung pwede lang na mang-babae, gagawin ko, pero tuwing iniisip ko 'yon, pumapasok ang mukha ni Dio at ang mga sinasabi niya," dumiin ang hawak ko sa kumot para ibaling ang namumuong nararamdaman ko.

"I know deep inside, I'm happy that he likes me," I said, my voice trembling with a mix of uncertainty.

My heart raced as I admitted the conflicting emotions swirling within me.

Saglit siyang natigilan sa narinig, suminghap hanggang sa tumikhim siya.

"Gusto niyo ang isa't isa. Ano ang nagpipigil sa'yo na maging malaya, Santi?" tanong ni Tito Reynard, ang tono ng boses niya puno ng pagkabahala at malasakit.

"Natatakot ako..." mahinang sagot ko, halos hindi marinig dahil sa bigat ng aking nararamdaman.

"Bakit ka natatakot?" maingat at litong tanong ni Tito Reynard, dahan-dahan siyang umupo sa dulo ng kama ko, parang ayaw niyang biglain ako.

Umangat ang tingin ko sa kanya, awang ang labi sa narinig. "Alam mo kung paano minamaliit ng mga Alverio ang pamilya sa side ni mama dahil sa..."

Malungkot siyang ngumiti, ang mga mata niya puno ng unawang hindi ko pa kayang abutin. "Dahil sa karamihan sa amin ay bakla... at takot ka na patunayan sa kanila 'yon... na pamilya tayo ng mga baliko?"

My jaw tightened, and I averted my gaze, overwhelmed by a surge of anxiety, fear, and a gnawing pain in my stomach.

I remained silent, unable to find the words to express the depth of my emotions, for that was the true underlying cause.

Caught In The Temptation (CAM SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon