Chapter 40

9K 449 395
                                    

Chapter 40

Urge

Hindi ako umalis. Hindi ko rin alam kung saan aabot ang katangahan ko at bakit ako tumatambay sa Ridge ngayon. Pababa na ang araw at tapos na rin si Delgado sa race track.

Buti at hindi siya nahilo. Ilang ikot na ang ginawa niya, at nang mapansin siguro na wala akong balak umalis, tumigil din siya.

Ilang oras na akong nakatambay lang dito sa bar counter. Ngumingiwi ako kada makikita ang mga bote ng alak at naamoy ang mga ito, kaya non-alcoholic drink na lang ang iniinom ko.

Isa lang at hindi naman ako kasing yaman ng mga tunay na tambay dito sa Ridge. Kung tutuusin, bilang na lang ang papel sa pitaka ko pero ayoko pang umalis.

Tang ina, nababaliw na ata ako.

Hindi lang atay ang kayang sirain ni Delgado, damay na pati pag-iisip ko.

Alex rolled his eyes when he glanced at me again. They were at a table, having an early dinner.

Kenzo quietly ate while reading, his thick glasses perched on his nose. Dante was showing something to Constance, with his arm around her.

Hindi rin sila umalis. Ang nakaka-ilang, kung nasaan ako, nakikita ko sila para bang nagmamasid sa gagawin ko.

Hanap na kaya ako ng back-up?

Tinawagan ko si Trent dahil mabilis siyang makakapunta sa sasakyan niya. Pero, pinapatayan ako ng tawag ng kumag na iyon.

Si Silas na lang, tutal, batak din iyon, napapadalas na sa gym at seryoso sa kanyang protein intake.

"I'm busy, Santi. I won't go to the Ridge without a valid reason," sagot niya, at binabaan na ako kahit wala pa akong sagot.

I bit my lower lip in frustration and called Jax next because I couldn't reach Ares either.

Natawa si Jax nang sinabi ko kung nasaan ako. Halos mawalan na siya ng hininga sa kakatawa kaya pinatayan ko na lang siya sa inis.

Ba't ko ba tinawagan 'yon? Karataduhan lang naman ang alam.

I stood up straight when I saw Delgado. Freshly showered, he was simply dressed in a sophisticated navy blue polo shirt paired with tailored khaki chinos.

Ayos na ayos, nakasuklay patalikod ang buhok na mukhang naka-gel na naman at ang linis tignan.

Tang ina. Samantalang itim na shirt at maong na pants lang ako. Hindi pa ako nakasuklay, ngayon lang ako naging conscious sa itsura ko nang masilayan siya.

Especially when he sat next to Alex, who looked gentle in a light blue linen shirt that gently hugged his small frame, paired with white trousers.

"Inangyan, couple outfit pa nga," wala sa sariling anas ko kaya napabaling yung bartender sa akin.

"Pardon, sir?" Lumunok ako, nahihiyang umiling.

"Ah... isang light cocktail," tumango siya sa panibago kong order.

Ngumiwi ako at sinilip ang pitaka.

Hanggang saan aabot ang katangahan na 'to?

Gago, uubusin ko talaga pera ko para magpapansin?

Ang aga pa para sa kasiyahan. Iilan pa lang ang naririto na talagang mga tambay sa Ridge. Napapatingin na ang ilan sa akin dahil hindi naman talaga ako madalas dito, lalo na't hapon pa ako naka-tambay.

Mukha akong naliligaw at may pinagdadaanan, lalo na ngayong solo ako sa bar counter. Tahimik lang akong umiinom ng cocktail, hindi masyadong naduduwal dahil hindi lasang alak.

Caught In The Temptation (CAM SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon