Chapter 38

8.2K 450 572
                                    

Chapter 38

Drunk

Hindi ko alam kung anong nangyari, pero muntikan nang matalo si Delgado. Sa huli, siya rin ang nanguna. Tang ina niya, nalaman ko na ang pinusta niya ay yung Yamaha R3.

Mayaman nga ang gago at ang bilis lang bitawan ang mga bagay niya. Nung inamin niya na may gusto siya sa akin, binalikan ko lahat ng alaala namin. Akala ko binili niya yung big bike para magpasikat sa'kin at dagdag puntos, tapos mabibitawan lang pala niya agad.

Edi putang ina, laro lang siguro talaga 'yang amin-amin niya o kaya mababaw lang. Pinahirapan niya pa ako. Ginusto ko pang baguhin ang sarili ko para wala siyang mapuna sa akin!

"Tama na, Santi! Lakas ng tama mo at sosolohin mo talaga 'yang isang case ng Red Horse?!" sabi ni Ares na humihikab na sa antok kasi madaling araw na.

Ilang bote na ba? Pinilit ko pa sa bartender kasi ayaw ibigay ang isang case. Magbabayad naman ako!

Mukha ba akong walang pambayad? Meron naman. Kahit ubusin pa nila laman ng pitaka ko ngayon, ibibigay ko. Painumin lang nila ako.

Sinubukan kong tumayo at tinuro si Jax na tumatawang naka-angat na ang camera sa akin. "Bakit ka muna papakalasing? Akala ko ba hanggang sarapan lang tayo, 'tol!" hagalpak niya.

Umigting ang panga ko sa narinig kaya lumaki ang ngisi niya. "Huwag mo akong niloloko ngayon, Jax, at baka isumpa kita!"

Lumakas ang tawa niya. "Pucha, hulog ka na ba, Santi? Aminin mo 'tol, sa'kin lang ibulong mo," mabilis ko siyang binatukan nung makalapit kaya humagalpak siya ulit at lumayo.

"Kanina pa kayo, ano ba yan, Jax? May siniseryoso na si Santi?" kuryosong tanong ni Ares.

"Ewan ko, bigyan mo pa isang case ng Red Horse para mapa-amin natin," sagot ni Jax na hindi mapirme at tawang-tawa.

Kumurap ako sa hilo. Biglang nawala ata si Silas sa paningin ko?

Binilang ko kung ilan kami hanggang sa may humarang na katawan sa paningin ko.

"Oh, Ryan Cade? Cheers tayo, tol!" kumakamot sa leeg na walang magawa sa pangungulit ko.

Sa huli, pinagtama niya rin ang bote namin.

"Trent, tawagin mo ang girls, yung tropa ni Hazel. Papuntahin mo sa table natin, tol, para masaya," ngumiwi si Trent sa narinig.

Saglit nawala pero nung dumating, may mga kasama na siya.

Ngumisi ako nung makita si Hazel kahit malabo na siya sa paningin ko. Nagulat siya sa akbay ko pero ngumiti rin at katulad ko, mukhang may tama na rin.

Marami pa rin nagsasayawan sa dance floor, walang kapaguran. May mga naghahalikan na at walang pake dahil may mga tama na ang lahat.

"Let's do a body shot!" naghihikgikan ang mga bagong dating na girls sa sinabi ko.

Wala na si Aaron at sinundo na ng girlfriend. Kami na lang ng tropa at si Ryan na hindi raw uuwi kasi baka malasing daw kami lahat at magbabantay siya.

"Trent, dali!" ngumisi si Trent sa akin, medyo nag-aalinlangan pero sa huli ay bumigay din at humanap ng partner sa grupo nila Hazel.

Niyaya ko si Ares pero good boy talaga at ayaw sumali sa mga kalokohan namin lagi. Si Jax naman, hindi ko alam bakit nagvivideo ang gago. Si Ryan ay taimtim lang nakatingin sa ginagawa ni Trent na body shot sa isang babae ngayon.

Kinagat ni Hazel ang ibabang labi, lasing na ang tingin kagaya ko. Imbes na dilaan lang ang alak sa katawan niya, sinipsip ko ang kutis niya. Inigihan ko kaya napapaungol na siya nung bumababa ako sa cleavage niya.

Caught In The Temptation (CAM SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon