Chapter 44

11.2K 646 713
                                    

Chapter 44

Romance

"Tito— are you comfortable sa Tito, or dapat po ba na ano..." tanong ko sa kanya nang may alinlangan.

Habang inaayos ko ang pinirito ko, naisip ko ang mga sesyon ko kay Dr. Reyes. Dapat ko nang ayusin ang relasyon ko kay Tito, sa mga maling pananaw ko sa kanya dahil sa mga nangyari.

Manghang tumingin siya sa tanong ko, at ako naman ay nahihiyang umiwas ng tingin habang kumakain kami ng agahan.

"I'm comfortable as long as you're comfortable with me, Santi. Okay na sa akin ang Tito Reynard," sagot ni Tito, bahagyang tumawa si Papa kaya napaangat ang tingin ko sa dahilan.

Ngumiti ako kay Tito at binalingan si Reni na kinakain ang mga tirang donuts ng nakaraan. Ang daming icing na pink sa mukha niya kaya malakas ang tawa ni Papa at kinuhanan pa siya ng litrato.

"Thank you so much, Kuya! Sobrang sarap ng raspberry flavor at strawberry!" pumalakpak pa siya, sumaludo sa akin kaya sabay-sabay kami nila Papa tumawa.

"Ah, Tito, today would be your last day dahil babalik ka na sa Manila?" tanong ko ulit.

Tumango siya, malaki ang ngiti sa akin. "Yes, bakit?"

"Gusto ko pumasyal sa mall, may bibilhin lang sana po ako. Papasama sana ako, Tito," medyo mahina kong sabi kasi nakakahiya.

Umiiling na tinignan ko ang nanlalaki na mata ni Tito, suminghap pa siya at umangat ang dalawang kamay sa bibig.

"Sure, sure! Excited na ako, magbibihis lang ako," sabi niya bago ko pa siya mapigilan sa taranta niya. Nakaalis na siya.

Napangisi pa ako nang muntikan siyang matumba sa maling hakbang. Malaki ang ngiti ni Tito na mabilis umakyat.

Tumawa sa nakitang eksena si Papa, umangat ang kamao niya sa ere at binigyan ako ng thumbs up kaya tuluyang gumaan ang loob ko at nawala ang hiya.

Kinatok ko ang guest room namin kung saan natutulog si Tito dahil tapos na ako maligo at mag-ayos. Ilang oras ko na rin siyang hinihintay kaya naisipan kong tignan kung may nangyari at bakit matagal siya sa loob.

"Come in!" pumasok ako, at bumungad sa akin ang bukas na maleta niya. Nakakalat ang mga matitingkad na damit niya at gamit.

Natatagalan siya maghanap ng isusuot? Napamewang siya sa harap ng mga gamit, walang suot na pantaas at naka-shorts lang.

Taranta siyang tumingin sa akin, "Oh, akala ko si Papa mo. Teka lang ha, wala kasi ako mahanap na damit na neutral color..."

Neutral color? Parang may tumusok sa akin nang marinig 'yon. Inaalala pa rin niya ang mga nasabi ko.

It was for the sake of my brother. I don't want him to experience the humiliation of not being manly and having stuff not common for boys.

But the thing is, walang mali naman talaga sa mga gano'n, bakit kailangan limitahan ang kagustuhan ng isang tao?

Mabilis na niligpit ni Tito ang mga gamit, halata ang takot niya na may masabi ako sa mga nakikita ko.

Bumuntong-hininga ako, lumapit at kinuha ang isang pink na t-shirt na may disenyong malaking bahaghari sa gitna na nahulog sa paanan ng kama. Inabot ko 'yon sa kanya.

"Pink color suits your tone, Tito," may ngiti sa labi kong sabi habang lumalapit sa kanya.

Tinapik ko siya nang makita ang namamasa niyang mga mata, mukhang naiiyak na tumingin sa akin.

Nanginginig ang kamay niya nang kinuha ang inabot kong damit. Bumigat din ang dibdib ko makitang tuwang-tuwa siya sa ginagawa ko.

"I'm sorry po, nadamay kayo sa galit ko. I haven't noticed that I'm also becoming an offender. Hindi ko agad nakita ang pagkakamali ko dahil hindi naman pisikal ang ginawa ko..." I guiltily sighed. "Walang mali sa mga kagustuhan mo, Tito. It's your life, wala akong karapatan na panghimasukan."

Caught In The Temptation (CAM SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon