Chapter 13

10K 381 272
                                    

Chapter 13

Clingy

Nagpalitan kami ng numero. May social media naman, pero iba raw kapag may number ako sa kanya. Isang tawag lang daw.

Hindi pa ba siya clingy sa lagay na iyan?

Kung iisipin, walang sense itong set-up namin maliban sa pareho kaming fuck boy at nag-aangasan sa isa't isa kung sino nga ba ang mas masarap.

"This subject is killing me. I feel drained, like I can't absorb another fucking word." Bumagsak si Silas sa kanyang upuan, hinahaplos ang kanyang sentido sa frustrasyon.

Tumingin kami kay Silas na may awa sa mga mata, tapos naiiling na tumingin kay Jaxon na nagkibit-balikat lang. Akala mo hindi sila pareho ng kurso.

"How about we take a break from the books tonight? Clear our minds, have some fun?" Umikot ang mata ko sa sinabi ni Trent, na akala mo gaano kaganda ang suggestion na binigay.

Ngumiwi si Jaxon, "Pucha, gastos na naman, Trent."

"Sinasagot na kita, Jax," malambing niyang sabi, na kinatawa namin.

"Ang bantot mo," mas lumakas ang tawanan namin. "Huwag na, may pera pa naman ako," umubo siya at inilingan namin, ayaw talaga magpalibre.

Sa grupo, si Trent ang mahilig maglibre, palibhasa ang isang linggo niyang allowance ay pang-isang buwan na namin. Pareho lang kami ni Silas sa estado, sakto lang. Si Ares din, pero kuripot, hindi manlilibre at gagastusan ka lang kung kaarawan mo. Si Jaxon hindi naman naghihirap, pero galing lang sila sa pagbangon mula sa nalugi nilang negosyo.

Nagkibit-balikat si Trent, inakbayan ang kambal tuko niya. "Edi kanya-kanya sa entrance, drinks on me, tutal ako ang nag-aya."

Tumawa kami, hindi na rin nakipagtalo si Jaxon.

"Ano, G?"

"G ako!" Kami ni Ares, tumango si Jaxon kaya lahat kami bumaling kay Silas na ang tagal sumagot.

"Fine, this will be the last fun in the club for this month for me. Malapit na ang quarter," seryoso niyang sinabi.

Tumango-tango kami, sanay na sa kanya. Gaya ng napag-usapan, after class umuwi muna kami para kumain at mag-ayos. Oras namin sa pagpunta sa District ay gabing-gabi na, pagkatapos na ng pre-game ng lahat.

Binasa ko ang ibabang labi habang nagta-type.

Santiago Alverio:

In case you want to fuck, I can't,

Nasa club kami.

Huli na bago ko matanto ang ginawa ko, why the fuck did I tell him that?

Well, baka kasi masamain niya pag nalaman andoon ako. Ah, tama, ganon nga.

Sikat pa naman kami, laging kalat kung saan kami, anong ginagawa. Baka akalain niya tinatarantado ko siya.

Baka sabihin niya puro lang ako salita, alam ko naman manindigan. Kahit papalit-palit ako ng babae, kung may usapan, usapan talaga.

Caught In The Temptation (CAM SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon