"May gusto lang akong kunin na libro pero nagbago na isip ko kaya pauwi na ako" sagot nito.
"Gano'n ba? sige pasensiya na" pagpapaumanhin kong sumbat dito, dahil baka nga sumosobra na ako sa mga sagot ko dito kanina.
Pagkatapos nang pangyayaring iyon ay umalis na din siya, at ako naman ay pumasok sa library para magbasa ng libro, pero kinalaunan ay nakatulog ako dahil sa sobrang pagod.
Pagkatapos ng ilang oras na nakatulog ako ay nagising ako dahil sa janitor na babae na gumising sa akin.
"Ma'am, gising na po at magsasara na itong library" pagpapaliwanag nito
Tumayo na ako ang nagpasalamat dito, tinignan ko ang phone ko para tignan ang oras pero minamalas nga naman at lowbat pa.
Naglalakad ako habang tumitingin tingin sa daan kung may sasakyan na dumadaan pero wala talaga. Tapos biglang umulan sa oras na iyon at wala akong dalang payong, wala din akong masisilungan pansamantala dahil nakasarado na lahat ng resto at pagpahingaan.
Pansin kong tila may sumusunod sa akin, tumingin ako sa likuran ko pero wala naman ngunit ng ibaling ko ang aking ulo sa harapan ay sumusunod na naman ito, kaya binilisan ko ang paglakad kahit na umuulan, patakbo na ang paglakad ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Nang bigla akong nadapa, at pilit na tumayo sa kinalalagyan ko.
Nagulat naman ako ng biglang may nagsalita.
"Natakot ba kita?" tanong nitong lalaking naka-jacket ng black at may dalang payong sa kamay.
"Zack" sambit ko sa pangalan nito, at tinulungan akong tumayo.
Pagkatapos ng ilang oras ay nakarating na kami sa isang bahay na hindi naman sa makaluma pero desente tignan na bahay.
ZACK POV.
Hindi ko alam ang bahay nila kaya sinama ko nalang siya pauwi dito sa bahay ko, kita kong basang basa na ang damit niya kaya pinahiram ko muna ang damit ko galing sa cabinet."Maligo ka muna at isuot mo ito pansamantala para hindi ka magkasakit"
at kinuha naman niya ito.MINESHA POV.
Natapos na ako maligo at nagpalit na.
"May type C charger ka ba?" tanong ko dito.
"Meron bakit saan mo gagamitin?"
Minesha in her mind
"Ang dami namang tanong ng lalaking ito""Natulala kana naman dahil sa kapogian ko " sagot nito.
"Kahit kailan talaga napaka feelingero mo" sumbat ko naman dito.
"Akin na kasi at lowbat ang phone ko, baka may chat or messages si tita Melany patungkol kay Dad" pagpapaliwanag ko dito at iniabot naman niya 'yong charger.
![](https://img.wattpad.com/cover/344141796-288-k659737.jpg)
YOU ARE READING
Truth Untold
RandomA Lie runs very fast, but the truth always reaches the Destination #TruthUntold #Taglish