Na-open ko na rin sa wakas ang phone ko, ngunit ni isang message na galing kay tita Melany ay wala.
"May problema ba minesha? gusto mo ihatid na kita sa bahay niyo para makapagpahinga ka?" nag-aalalang tanong nito sakin.
"Hindi na magpapasundo nalang ako, pasensiya na din sa abala" sagot ko dito sa mahinang boses.
Pagkatapos ng 40 minuto ay nakarating na rin ang sundo ko, paano niya nalaman? sinend ko sakaniya location ko.
Nagpasalamat muli ako kay Zack bago pumasok sa sasakyan at umalis na.
"Ma'am nandito na po tayo" panggigising ng driver ko, halos ilang minuto din ang biyahe kaya nakatulog na ako dahil sa pagod.
Lumabas na ako ng kotse saka pumasok sa loob ng bahay.
Ang tahimik at walang katao-tao, umakyat na ako papunta sa ikalawang palapag ng bahay sa kwarto ko, binuksan ko ang pinto saka humiga sa kama. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakatulog na din ako, 12:40 am na sa oras na iyon.
Kinaumagahan, nagising na ako saka bumangon sa kinahihigaan ko at lumabas ng kwarto saka pumunta sa banyo para maligo.
Pagkatapos ay nagpalit na ako ng damit at lumabas ng bahay para bisitahin ang papa ko. Nagpahatid na rin ulit ako sa driver ko para mabilisan.
Sa daan papuntang Hospital, nakakakita ako ng flower shop at pinahinto ko muna ang sasakyan para bumili saglit ng bulaklak para kay papa. Pagkatapos non ay tumuloy na ulit kami sa Hospital.
Pagkarating ko sa hospital ay dumiretso na agad ako sa kwarto ni papa, at bago ako pumasok ay chineck ko muna kung nandoon si tita Melany, ngunit wala ito kaya pumasok na ako.
Pagkapasok ko ay nakatulog si papa, kaya naman dahan dahan akong naglakad papunta sa tabi niya.
"Pa, nandito na naman ako ang anak niyo, sana talaga ay bumalik na kayo sa dati. Ayoko na nakikita kong nag-aaway na naman tayo. Pa, kung alam mo lang pagod na din ako, pagod na akong intindihin yung lahat ng sinasabi mo, kaya please pa pagbigyan niyo naman ako sa mga bagay na gusto ko" sambit ko sa isip ko habang tinititigan siya, at hindi ko namalayan na tumutulo na naman ang mga luha ko.
Tumayo ako upang umalis na, pero bigla akong tinawag nito na "Anak" ngunit hindi ko na ito pinansin at lumabas na sa kwarto na iyon, at umalis na sa Hospital.
Sa paglabas ko ay nakita ko si tita Melany na papasok sa Hospital kaya agad ko naman itong sinundan kahit alam ko naman ang pupuntahan nito.
Nagtaka ako ng ibang kwarto ang pinasukan nito. Lumapit ako sa kuwartong iyon at linapit ang tenga ko sa pinto para marinig ang usapan nila.

YOU ARE READING
Truth Untold
De TodoA Lie runs very fast, but the truth always reaches the Destination #TruthUntold #Taglish