"Papunta na" sagot ko dito at ibinaba na ang telepono.
Nag-iwan ako ng sulat para kay Minesha bago umalis, inilapag ko ito sa lamesa para agad niyang makita.
MELANY POV.
"Ngayon hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, nahihirapan na ako magdesisyon. Yung totoo kong anak wala na!" sisi ko sa sarili ko habang nakaluhod.
Hindi ko halos matanggap ang mga nangyayari ngayon, may kinalaman kaya dito si Leonard?
Kung meron man ay hindi ko siya mapapatawad!
THIRD PERSON POV.
"This will be a nice show, I hope you like it Mrs. Alvarez, HAHAHAHAHA!" pagbabayarin kita sa lahat ng mga ginawa mo sa anak ko.
FLASHBACK.
"Ma'am tulungan niyo ang anak ko ma'am, parang awa niyo na" pagmamakaawa ko kay Mrs. Alvarez.
"Tama na ang drama, hindi ko 'yan anak! lumayo kayo sa akin" sumbat niya sa akin habang ang anak ko naman ay nag-aagaw buhay sa hospital, sa kaniyang kwarto.
Pagkatapos ng ilang taong paninilbihan sakanila bilang katulong hindi man lang siya nagpakita ng utang na loob sa lahat ng ginawa ko sa kaniyang pamilya.
Kaya sa araw ng kaniyang panganganak, hindi ako nag-alinlangan na ipagpalit ang anak niya sa isang sanggol na kamamatay lang ang kaniyang ina.
END OF FLASHBACK.
MINESHA POV.
Nagising ako ng walang tao sa aking silid. nakita ko na lamang ay ang isang piraso ng papel sa lamesa na may sulat.
ZACK LETTER.
"Hi Minesha, kung nababasa mo na siguro
'to ay nakaalis na ako kasama ang family ko. Kung maaalala mo lang ang mga sinabi ko noon sa 'yo sa dagat maiintindihan mo. Alagaan mo ang sarili mo para sa akin mahal ko. Mahal na mahal kita, Minesha".Matapos kong mabasa ito ay bigla na lamang sumakit ang ulo ko, kaya sumigaw ako para tawagin ang nurse.
"Nurse, aghh- ang sakit!"
"Minesha, ayos ka lang ba anak?" pag-aalalang pagpasok na tanong ng isang babae na kanina lang ay sinabing siya daw ang mama ko.
Saktong magsasalita ako ng may dumating naman na nurse at doctor.

YOU ARE READING
Truth Untold
RandomA Lie runs very fast, but the truth always reaches the Destination #TruthUntold #Taglish