08.

7 4 0
                                    

"Minesha" tawag sa akin ni Zack.

"Pwede ba kitang makausap?" dagdag nito.

"Kinakausap mo na ako" sumbat ko.

"Alam ko na hindi maganda ang pagkakakilala natin, I just want you to know na aalis na ako" pagkasabi niya nito ay yumuko ang ulo niya.

"Bakit mo sinasabi sa kin?"

"Kasi gusto ko" pagbibiro niya.

"Hanggang kailan ka magiging ser-" hindi na ako pinatuloy pa ng sabihin niyang.

"Gusto kita" natahimik naman siya bigla habang ako naglo-loading pa.

"Nagbibiro ka, alam ko" saad ko at walang kibo siyang umalis sa harapan ko, kinuha niya ang kaniyang mga gamit at umalis na sa room.

Lumabas na din ako at umuwi na.

Pagkapasok ko ng bahay nadatnan kong nandoon na si papa sa sala kasama si tita melany, tita melany?

"Kanina ka pa ba diyan, ibaba mo na 'yang mga gamit mo at saluan mo kami dito" sambit niya.

At bigla naman akong may naalala, si mama.

Ibinaba ko na ang gamit ko, at sinaluhan sila. This is the second time na nakasama kong kumain si papa sa hapag-kainan. Ang tagal na din. Hindi ko namalayan na natulala pala ako habang iniisip ang nakaraan.

"Minesha, kain na" sabi ni tita melany at linagyan ng kanin at favorite na ulam ko ang plato ko.

"Thanks tita" maliit na tugon ko dito.

Habang kumakain kami ay nagsalita si papa.

"Sa ikalawang araw na ang birthday ko, gusto ko sanang magkaroon ng engrandeng selebrasyon"

"I'll take care of it" saad naman ni tita Melany.

"Ikaw minesha, gusto mo bang tumulong?"

"Kung wala po akong gagawin" magalang na sagot ko dito.

Makalipas ang ilang minuto ay tapos na rin kaming kumain.

"Thank you for todays evening tita Melany" saad ko dito.

Tumayo agad ako at naglakad papunta sa kwarto ko.

MELANY POV.
Kita ko ang saya kasabay ng lungkot sa kaniyang mga mata. Tama pa ba ang ginawa ko? tanong ko sa sarili ko.

Nagpaalam ako kay Leonard para pumunta sa kwarto ni minesha at pumayag naman ito.

Umakyat ako at kumatok ako sa pinto nito.

"Minesha, gising ka pa ba?" tanong ko dito ngunit wala itong kibo, at umalis na ako. Napagtanto ko na baka tulog na siya.

MINESHA POV.
Nagising ako dahil sa katok na narinig ko sa labas ng pinto ng aking kwarto. Bumangon ako at binuksan pero wala namang tao kaya bumalik ako sa kama.

"Minesha" sambit ng mahinang boses na nanggagaling sa bintana.

Bumangon na naman ako para tignan ito, pagbukas ko ng bintana ay nakita ko si Zack.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko dito sa mahinang boses.

"Papasukin mo muna kaya ako" sagot nito.

At pinapasok ko nga ito, ni-lock ko muna ang pintuan ng kwarto ko saka siya kinausap.

"So, ano nga ang ginagawa mo dito?"

"Tara, nightwalk" tugon nito.

"Para lang diyan kaya ka pumunta dito?"

"Gusto lang kitang makasama habang nandidito pa ako, bahala ka kung ayaw mo aalis nalang ako" saktong tatayo na ito ng pumayag ako.

Sa bintana din kami dumaan, dahan dahan kaming naglakad papalabas ng bahay para hindi mapansin ng bantay. Ilang minuto pa ay nakalabas na kami.

"Saan tayo pupunta ngayon?" tanong ko.

"Sa dagat"

May motor siya kaya ito na din ang sinakyan namin papunta sa tinutukoy niyang dagat.

Sa daan papunta sa lugar na iyon ay nakatulog ako habang nakayakap sakaniya dahil sa sobrang bilis niyang magpatakbo.

Truth Untold Where stories live. Discover now