Nagising ako ng tumutunog ang phone ko, tinignan ko ito at si tita Melany, alas kwatro ng umaga. Sinagot ko ito at nagulat ako sa mga sinabi niya.
"Nag-aagaw buhay ang Papa mo, pumunta ka agad dito sa Hospital"
"Opo tita, pupunta na po" tugon ko dito saka ibinaba ang tawag, dali daling bumangon ako at lumabas ng kwarto.
Ginising ko ang driver ko at nagtaka naman ito ng makita akong hindi mapakali kaya inihanda na niya ang sasakyan.
5:15, nakarating na kami sa Hospital, pumasok ako at nakita ko ang hindi din mapakaling galaw ni tita Melany, agad ko itong nilapitan at tinanong kung kamusta ang kalagayan ni Papa.
"Finally, minesha nandito kana rin" saad nito bago ako magsalita.
"Kamusta ang kalagayan niya tita" tanong ko dito ngunit wala itong tugon.
Yinakap ako nito bigla at umiyak. Inalalayan ko naman ito patungo sa upuan.
Sa pagkakataong iyon ay bumalik ulit ako sa nakaraan.Kitang kita ko kung paano umiyak si mama noon ng makitang may kasamang iba si papa.
Kitang kita ko kung paano bumuhos ang mga luha nito sa kaniyang mga mata, habang si papa ay nagpapakasaya.
At sa mga luhang iyon ay ang sanhi ng pagkawala niya.Ang hirap isipin at tanggapin na sa lahat ng pwedeng mawala bakit si mama pa.
Tumutulo ang mga luha ko habang iniisip ang mga bagay na iyon.
"Minesha, ayos ka lang ba?" tanong ni tita Melany.
"Ayos lang po ako 'wag niyo na pong alalahanin" saad ko.
"Bakit po pala biglang nag-aagaw buhay si Papa eh kaninang binisita ko siya maayos pa naman ang lagay niya?" tanong ko dito.
Hinihintay ko ang sagot ni tita melany pero umiling lang siya at hindi na kumibo. Nagtataka ako sa mga ikinikilos ni tita melany, baka siya ang may kagagawan ng mga pangyayaring nagaganap ngayon kay papa.
Ngunit kung meron man siyang kinalaman, anong dahilan ang meron siya para gawin 'yon 'di ba? tanong ko sa aking sarili.
"The patient is in good condition now" sambit ng Doctor na lumabas mula sa kwarto ni Papa.
"Thank you Doc, may I ask what is the reason why he suddenly-" hindi na ako pinatapos nito ng bigla itong nagsalita.
"I will find out more about that matter Ms. Alvarez" tugon nito at tinignan lamang si tita Melany bago umalis.
![](https://img.wattpad.com/cover/344141796-288-k659737.jpg)
YOU ARE READING
Truth Untold
De TodoA Lie runs very fast, but the truth always reaches the Destination #TruthUntold #Taglish