07.

6 4 0
                                    

Hindi na ako tumuloy pa sa kwarto ni papa, at si tita Melany lang ang pumasok.

Umalis ako sa Hospital at umuwi na.

"Manang " pagtawag ko sa katulong"

"Ano po 'yon ma'am?" magalang na pagtanong nito sa 'kin.

"Manang, noong namatay po si mama alam niyo ba kung saan siya inilibing?"

"Ma'am, ang papa niyo nalang po siguro ang tanungin niyo sa bagay na iyan" tugon nito na ipinagtaka ko.

"Sige, salamat manang" sambit ko at bumalik na siya sa trabaho niya.

Hindi ko man lang naisip 'nong una palang ang tungkol sa bagay na ito, wala din akong alam kung nasaan nga ba inilibing si mama. At hindi rin sinabi o binanggit man lang ni papa sa akin ang mga patungkol dito.

Naistorbo ako ng may tumawag sa akin.

"Hello Ms. Alvarez, I'm Doctor Ryad. I just want to say something about the suddenly out of oxygen ni Mr. Alvarez"

"Good Doc, go ahead po"

"Well, ipinagtaka ko rin kanina kung bakit nagkaroon ng biglang pagkawala ng oxygen ni Mr. Alvarez, based on the test na ginawa ko walang problema. And I just realized na may ibang tao siguro na nagtanggal ng oxygen" pagpapaliwanag nito.

"Kung may nagtanggal nga Doc, sino at ano ang dahilan?" tanong ko dito.

"About that matter Ms.Alvarez wala na po akong alam, and nandito lang ako for the clarifications sa mga pangyayari sa patient"

"Pero Doc-" hindi na ako pinatapos nitong magsalita.

"I'm really sorry Ms. Alvarez thanks for understanding, Goodbye" at ibinaba na niya ang tawag.

Simula no'ng dumating 'yang si tita Melany, nagsimula ng nasa panganib ang lagay ni Papa, ni hindi ko nga alam kung bakit siya naaksidente ng biglaan.

Minesha, pagtawag ko sa sarili ko saka nagpahinga.

Next Day, lunes na at may pasok.
Ginawa ko ulit ang mga bagay na ginagawa ko tuwing umaga, at pumasok na sa eskwelahan.

"Minesha!" sigaw ni kainnah habang papalapit sa akin.

"Ano 'yon?"

"Alam mo na ba?"

"Ang alin?"

"So hindi mo pa alam?"

"Hindi nga, ano nga 'yon kaya nga nagtatanong ako 'di ba"

"Tungkol sa confession ni Zack"sambit nito.

"Oh, ano naman?"

"Wala ka talagang alam, puro ka kasi ano eh"

"Ano naman kung nag confess siya sa ibang tao?" tanong ko dito.

"Hindi lang basta kung sino, ikaw 'yon teh!"
sumbat nito na ikinalaki ng mata ko.

"Ano?"

"Nabingi ka bigla? tara na male-late na tayo" saad nito.

BELL RINGS.

Pagpasok ko palang ng room, ay katahimikan na agad ang sumalubong sa akin. Nagpanggap lang naman akong walang alam at si Kainnah ay tumakbo papasok papunta sa upuan niya. Habang ako ay dahan dahang naglakad papunta sa upuan ko.

Kitang kita kong nagbubulungan sila, siguro tungkol sa 'kin, ewan ko ba HAHAHA.

"Good Morning class, I just want to congratulate you all for successfully making your video performance. Sadya namang ang gagaling ninyo pati na rin ang napili ninyong mga main character " sambit ni ma'am.

"And for the winner, congratulations Group 1" after our teacher announced the winner, there is someone behind me who's smiling at me, It's Zack.

Napuno na naman ng hiyawan ang buong klase, at nakita ko lamang si Lani na umiikot na naman ang kaniyang mata at tila naiinggit.

Natapos na ang klase at lumabas na ang iba. Naiwan lamang ako at si Zack.

Truth Untold Where stories live. Discover now