MRS. ALVAREZ POV.
Makaraan ang ilang minuto ay nakatulog si Minesha, samantala ako ay nagpa-planong umuwi sa bahay. Lumabas ako sa hospital para pumasok sa kotse ko at 'di ko namalayan na may sasakyan at muntik na ako nitong mabangga.
Dali dali ko itong hinabol kaunti ngunit hindi man lang ito nag-alinlangan na huminto kaya hinayaan ko na lang.
Naisip ko sa bandang oras na 'yon na parang may mali sa nangyayari. Iniisip ko na baka may gustong pumatay sa 'kin. Dali kong kinuha ang phone ko sa bulsa ko at tinawagan ang kaibigan ko.
Pagkatapos ng ilang minuto ng paghihintay ay nakarating na din siya. Sakaniya nalang ako sumakay at sinama ko na din siya papunta sa bahay.
Ilang oras din ang biyahe ng makarating na kami sa bahay ko, at buti nalang walang masamang nangyari kaya napanatag ang loob ko.
Pumasok na kaming dalawa sa loob at pagbukas ko nga ng pinto nakita ko ang katawan ng asawa ko na nakatali at wala ng malay. Puro dugo rin ang makikita sa kaniyang mga damit at mukha.
"A-an-nong nangy-yari dito?" utal na utal na tanong ng kaibigan ko.
Pinakalma ko lang ang aking sarili upang maimbestigahan ng mabuti ang mga naganap dito.
May nakita akong isang kwintas sa kaniyang kamay. Binuksan ko ito at nakita ko ang nilalaman nitong mukha ng isang babaeng kamukha ng anak nang naging katulong ko ilang taon na ang lumipas.
Ngunit ang ipinagtaka ko, paano ito napunta dito gayon na matagal ng wala sila dito. Hindi kaya? hindi, hindi maaari!
YOU ARE READING
Truth Untold
RastgeleA Lie runs very fast, but the truth always reaches the Destination #TruthUntold #Taglish