MINESHA POV.
Umaga na at ngayon ang araw ng birthday ni Papa, bumangon na ako para maghanda.
Sa kalagitnaan ng pagpapalit ko ng damit ay biglang tumawag si Doc Arvin.
"Ms. Alvarez, kailan ka pupunta dito?"
"Maybe right now already Doc, nagbibihis na rin kasi ako" sambit ko saka ibinaba ang tawag.
Dali dali akong nagbihis at bumaba na, nakita ako ni tita Melany na nagmamadali at inaayang kumain muna ngunit binalewala ko na lamang ito at nagpatuloy sa paglalakad papalabas ng bahay.
Sa kalagitnaan ng pagmamaneho ko papuntang hospital ay may biglang sumulpot na itim na sasakyan sa harap ko dahilan para mapahinto ako.
Saktong lalabas na sana ako ng sasakyan ng bigla itong nagpaandar papalayo. Hinayaan ko na lamang ito at nagpatuloy.
After a few minutes later ay nakarating na rin ako sa Hospital, pumunta agad ako sa office ni Doc Arvin. Kumatok ako dito at agad naman ako nitong pinagbuksan ng pinto.
"Please, come in Ms. Alvarez" mahinahong sambit nito.
"Doc, ano po ba yung gusto mong sabihin?"
tanong ko dito at napabuntong hininga naman ito."You seem to have forgotten what really happened that night Ms. Alvarez "
"What do you mean Doc?"
"Nagka amnesia ka nga matapos ang aksidente, rason para wala kang maalala ngayon"
"Since you're already here, hindi na ako magpapadaloy -daloy pa. Buhay ang mama mo, buhay na buhay" seryosong sambit nito.
"Kung ganoon Doc, asaan siya? asaan ang mama ko?" paiyak na tanong ko dito.
"Kumalma ka Ms. Alvarez, nakaraang buwan pa ang lumipas ng humingi ng pabor ang mama mo sa akin"
"Nagpabago siya ng mukha Ms. Alvarez, pati pangalan kaya hindi mo talaga siya makikilala" pagpapaliwanag ni Doc.
"Kung gayon Doc, asaan nga siya?"
"Nasa tabi mo lang siya Minesha, laging nasa tabi mo" nang banggitin niya ang pangalan ko ay parang matagal ko na siyang kilala, napagaan ang loob ko sa mga sinabi niya, ngunit ang di ko maintindihan, paanong laging nasa tabi ko siya?
"Do-"natigilan ako sa sasabihin ko ng May pumasok na nurse para tawagin si Doc Arvin.
"Nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin Ms. Alvarez, mamuhay ka ng masaya at magpatuloy sa paglago" huling saad nito saka umalis.
Naiwan ako sa office niya ng mag-isa habang nagpoproseso naman ang utak ko sa mga sinabi niya.

YOU ARE READING
Truth Untold
De TodoA Lie runs very fast, but the truth always reaches the Destination #TruthUntold #Taglish